CHAPTER 87CALL ME, KUYA!3rd pov:Halos hindi makapaniwala ang mag-asawang Legaspi dahil sa nakita at narinig sa balita na may dalawang pasahero ng vios ang nasa critical na kalagayan lalo at natukoy nila ang mga pangalan ng mga biktima na nasagasaan ng truck.Dali-dali silang pumunta sa hospital malapit sa Maynila. “Ang anak ko, ang anak ko….hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung pati ang anak natin ay iiwan din ako, ano na lang ang nararamdaman ko, hindi ko kakayanin kung lahat sila ay iiwan na tayo. Mababaliw na ako,” hagulgol na iyak ni Maribel. "Manalangin lang tayo hon na walang masamang nangyari sa mga bata.” Pag-aalo naman ng kanyang mister. Pagkarating sa hospital ay agad silang bumaba ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob para magtanong sa mga receptionist kung saan na ang pasyente.“Legaspi po? Nasa emergency room pa po ang dalawang biktima na dinala around 3 in the morning madam." Ayon sa nurse na nakatuka.“Sige nurse, thank you." Agad pinuntahan ng mag
CHAPTER 88CALL ME, KUYA!Pagod galing sa trabaho pero ayos lang, as long as may nagawa akong tama sa trabaho ko. Pumasok ako sa kwarto ko para makapag-bihis na ng bagong damit pambahay at makapag-luto na rin ng uulamin mamaya para sa hapunan. Hindi naman ako nagtagal sa kwarto dahil mabilis lang naman ako magbihis. Paglabas ko sa kwarto ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok ang ka boardmate ko sa loob.“Hi! Unique! How are you?" Nginitian ko ang kaibigan habang naglalakad patungo sa kusina. “I'm doing good as usual at maganda ang naging result ko sa trabaho." proud kong sabi sa kanya.“Good to hear that from you. Anong gagawin mo? Magluluto na naman? May dala na akong pagkain natin for dinner, nakalimutan kong itext sayo, and don't worry hindi ito galing sa fast food, sa restaurant na.” Ngiti niyang sabi. Kinuha ko ang inabot niya sa akin na nasa paper bag at nakita ko nga na pagkain itong dala niya. Si Zarvianna, ay isang vocalist na nakilala ko rito sa Hong Kong. Dahi
CHAPTER 89CALL ME, KUYA!“Cheer!" Sabay naming dalawa ni Zirvianna habang itinaas ang baso na may alak, nasa bar kami ngayon na kung saan kapwa Pilipino ang may-ari, ang bandang Elizcalde band. “Kailan mo pala plano na umuwi ng Pinas?” biglang naitanong ng kaibigan sa akin.Tumingin ako sa kanya, pareho na kaming mapupungay ang mga mata dahil sa kalasingan. “Bakit sasama ka ba?" Ngumisi siya sa tanong ko at hindi pa sinagot ang tanong niya.“Ang daya mo talaga minsan, ako ang unang nagtanong sa’yo, eh,” aniya sabay inom ulit ng alak.“Kasi…kung uuwi ka, eh di uuwi na rin ako, pero babalik din dito of course.” “Buti ka pa, may lakas ng loob na bumalik." aba, nagdadrama pa. “Bakit, hindi ka pa rin ba nakamove on? Sabi mo ikaw mismo ang lumayo sa kanya tapos ngayon? Ganyan ka umasta. Sabi mo, hindi mo na mahal." “Hindi naman talaga pero di ba, Pilipinas iyon…na kung saan kami… you know? Nagkakilala….” hindi ko maiwasan na hampasin siya sa kanyang balikat kaya napadaing siya.“Aka
CHAPTER 90CALL ME, KUYA!“May balak ka pa ba na bisitahin ako anak?" Napangiti ako sa sinabi ni mama. “Pupunta po ako mama." “Mabuti naman, naiinip na ako rito sa bahay at wala naman akong masyadong ginagawa, pagkatapos ng trabaho ay wala man lang akong makakausap kaya maganda kung narito ka o di kaya diyan nalang ako sa inuupahan mo anak, hindi naman siguro bawal diyan ang tulad ko, bata pa naman ako.” Mas lalo akong natawa kay mama. Laging ganito ang bungad niya sa akin kapag tumatawag. Tulad ko ay nagtatrabaho si mama bilang ofw worker sa kilala din dito sa Hong Kong. Ako naman ay isang assistant nurse. “Ano bang gusto mo na pasalubong mama?" Tanong ko sa kanya.“Tinatanong mo pa sa akin, alam mo naman kung ano iyon…sandali at may nag doorbell, bubuksan ko muna, wag mo na lang patayin at baka delivery lang ito.” aniya. Pagbukas ng pinto ay napasinghap si mama na ako ang nakita niya na nakatayo sa tapat ng bahay. "Surprise mama…." Ngiti kong sabi sa kanya. Lumayo ako ng baha
CHAPTER 91CALL ME, KUYA!” “Ayos ka lang anak?" Tanong ni mama sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Nasa taxi kami ngayon pauwi ng bahay.“Oo naman mama…” tumikhim ako dahil pakiramdam ko ay naipon ang bara sa lalamunan ko at ngayon lang nakaipon ng lakas para magsalita. “Alam ko na hindi…hindi lang naman ikaw ang may dalawang mata para hindi makita ang nakita mo kanina kaya masasabi ko na iyon ang dahilan kung bakit ka na tahimik. Sabi ko nga di ba? Hindi kita iniluwal sa mundo pero nararamdaman kita dahil kasama kita mula baby at pagdadalaga. Kaya …wala kang maitago sa akin lalo na sa usapang pag-ibig,” mas lalo akong sumiksik kay mama dahil tama siya. Ayokong umiyak lalo at nasa sasakyan kami, pero di ko mapigilan na lumuha dahil nga sa sariwa pa sa isip ko ang nangyari at nakita ko sa airport. Saan kaya niya dadalhin ang babae niya? Sa penthouse niya kaya? O sa bahay mismo? Halos wala akong balita sa kanya dahil kapag kinukumusta niya ako ay pinapatayan ko siya ng tawag dah
CHAPTER 92CALL ME, KUYA! “Hijo! Ikaw pala iyan, kakarating mo lang ba? Nakita ka kasi namin sa airport. Hindi ka na lang namin tinawag dahil paalis na rin kami?” Tanong ni mama kay kuya na nasa hamba pa rin ng pintuan at nakatingin sa akin at ganoon din ako na parang hindi na gumagalaw ang mga paa ko dahil tama nga na narito siya at hindi siya multo. Gosh! Bakit ngayon pa? “Hijo?" Saka palang siya lumingon kay mama.“Hi tita! Uhmm, yes tita, kakarating ko lang po at pasensya na kung hindi ko kayo agad napansin sa airport at pasensya na rin na dito na agad ang punta ko dahil baka kasi hindi nalinisan ng maigi ng tagalinis kaya po ako dumiretso na dito.” Aniya saka pa lumabas para tulungan kami sa mga maleta namin ipasok sa loob ng bahay. "Ganoon ba? Ayos lang, nag-alala ka pa, kami na sana naglinis pagkarating namin, pero dahil malinis naman ay maraming salamat sayo.”Pumasok ako sa loob ng bahay at hindi pa rin siya kinakausap o pinapansin man lang, bigla akong nailang habang s
CHAPTER 93CALL ME, KUYA!“Bakit ka pa nandito? Umuwi ka na nga?” hindi ko maintindihan kung bakit narito pa rin siya bahay. Wala namang mangyayari na masama sa amin ni papa dito dahil nasanay na kami.“Dito na siya matulog anak dahil gabi na," nabigla ako sa sinabi ni mama."Pero saan naman mama? Wala na po siyang kwarto.” "Sa kwarto-" “Sa sala lang po ako tita. Ayaw na po akong katabi ng anak niyo dahil naiilang na siya sa akin, samantalang noon-” agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka…kung ano-ano na naman ang sasabihin niya. Baka ang pagyakap ko sa kanya ay sasabihin niya pa kay mama.“Sa sala siya mama dahil hindi po siya kasya sa kwarto dahil malaki po siya na tao, at kung ayaw niya sa sala…then umuwi siya sa kanila, mas masarap pa ang tulog niya dahil nasa kama niya mismo siya natutulog, di ba po?” Please, yes mama."Kayo ang bahala at matutulog na ako, napagod ako sa biyahe kanina.” napalumbaba ako dahil hindi man lang dinugtungan ni mama ang sinabi niya kay kuya Izaa
CHAPTER 94Call Me, Kuya “Hello baby! Hello Pat! Akala ko hindi na kayo darating. Magtatampo na sana ako, malapit na akong umiyak, see my eyes?” si mommy Maribel na ngayon ay nagdadrama na naman. “Pwede ba iyon na hindi kami sisipot, may kainan daw. Ngayon, masaya ka na?" Tanong ni mama sa kanyang kapatid. Kahit papano ay masaya na sila pareho at tanggap na namin ang lahat. “Oo naman….baka naman Pat …baka lang naman, sa akin na muna sumama ang anak ko kapag may lakad at ikaw…baka gusto mo na ring magtrabaho sa company, tinatamad na ako, baka ikaw naman muna.” sambit ni mommy na may kasama pang puppy eyes para pumayag ang kanyang bunsong kapatid." Huh? Kaso May trabaho pa ako sa Hong Kong,” saad ni mama na ikinalulungkot ni mommy Maribel.“Babalik pa kayo sa Hong Kong, huh, baby? Dito na kayo please, matanda na kami ng daddy mo, pwede naman na dito kayo magtrabaho para naman, hindi na sad si mommy na lumayo kayo, hmm, double ko ang sweldo mo hija? What do you think?" Ngumiti ako k