Share

Chapter 24

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Kio. Normal bang tumibok ng mabilis ang puso ko? Normal lang naman siguro.

Nagpaalam muna ang tatlo sa akin habang si Zack ay naiwan kasama ko dahil may pasok sila. Inabot pala ako ng umaga sa paggising, malakas daw kasi ang pampatulog na nalanghap ko kaya ganon.

Kaya nagpaiwan si Zack ay para bantayan ako. Sinabi nyang nagpaalam na sya sa mga prof namin, valid naman ang reason nya kaya pinayagan sya.

"Ano ba kasing pumasok dyan sa kukote mo at naisipan mo pang lumabas sa apartment mo?" iritable nyang sabi habang inihahanda ang kakainin ko.

"Salamat, babayaran na lang kita."

"Hindi mo binayaran 'yung nakaraang utang mo sa akin, remember? Hindi na ako umaasang babayaran mo pa 'to," pang iinsulto nya.

"Nandito ka ba para pagsabihan na naman ako ng kung anu-ano?" Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Of course! Because of you my face got beaten. You have to pay me back.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status