Share

Chapter 32

"Good morning." 

Normal nang magpalitan kami ng good mornings ni Zid tuwing magbubukas ako ng pinto ng aking unit at makikita ko siyang naghihintay sa akin sa labas, pero ngayong araw ay iba.

Maaliwalas ang mukha niyang humakbang palapit sa akin. Nakatago ang kanang kamay niya sa likod at unti-unti iyong inilabas. Hawak ang isang tangkay ng pulang rosas ay iniabot niya sa'kin iyon.

"Rosas para sa magandang binibini," aniya.

Hindi ko napagilan ang mapangiti dahil sa pagiging makata niyang magsalita.

Biro lang! Kinikilig talaga ako.

"Thank you. Good morning din." Sa kabila ng kilig na nararamdaman ko ay naggawa ko siyang batiin pabalik.

Inalalayan niya akong sumakay ng elevator at sa kan'yang kotse, katulad ng ginagawa niya dati. Ang pinagkaiba nga lang sa ngayon ay nakompirma ko na ang kahulugan ng mga ito sa kan'ya. Hindi na ako mag-a-assume dahil sigurado na ako, may pinanghahawakan na kumbaga.

Nag-order muli siya sa fast

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status