Share

Chapter 48

Isinalaysay sa akin ni Zid lahat ng ginawa nilang lima upang makalikom nang mas marami pang ebidensya laban sa tiyuhin ko.

Nabura lahat ng lungkot at tampo na nararamdaman ko dahil sa effort niyang iyon.

Pinaimbestigahan nila ang tiyuhin ko at napag-alaman na mas lalo pala itong nalulong sa droga at alak sa mga lumipas na taon. Napatunayan din na ilan nang babae ang nagreklamo ng panghihipo subalit umaatras dahil natatakot sa pagbabanta ng tiyuhin ko at mga kaibigan nito.

Bukas daw ay handa nang magsampa ng kaso ang mga biktima. Mayroon na din silang sapat na ebidensya na magdidiin sa paggamit at pagbenta nito ng droga.

"Love, galit ka pa ba?" masuyo niyang tanong nang hindi ko maiwasang idiin ang pagdampi ng cotton na mayroong betadine sa kan'yang galos.

Matalim ko siyang tiningnan. Masama pa din ang loob ko kahit pa para sa akin naman ang rason nang pagkawala niya nitong mga nakaraang araw. Ayoko lang kasi na hindi niya sinasabi sa akin ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status