Share

Chapter 62

“Nagising ako nang nakatali sa isang kama. Walang kalaban-laban, hinang-hina ako.” Bakas ko ang paghihirap niyang sabihin ang mga pangyayari nang gabing iyon.

Nais ko sana siyang patigilin sa pagsasalita pero maging ako’y nawalan nang boses upang sabihin iyon. Inuunahan ng hikbi ang bawat salitang gustong lumabas sa aking bibig.

“Pinagsamantalahan niya ako. Binaboy niya ako.” Pumiyok siya sa huling salita kasabay nang malakas na pagtangis.

Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya.

Ang sakit na nakikita ko sa kan’yang mga mata habang sinasabi iyon ang dumurog sa aking puso. Hindi ko alam na ganito ang dinanas niya. Wala akong ideya dahil hindi ito nabanggit ng aking lola.

“Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Marahil ay sa sobrang pagod. Ang alam ko lang, pagsapit ng umaga ay nandoon na sa paanan namin si Cynthia kasama si Ate Chona. Galit siya. Galit siyang makita ang kapatid at kasintahan niyang magkatabi sa iisang kama na walang saplot

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status