NIKITA"Witch!" Agad akong bumaba nang marinig ko ang boses ni Hanz. I'm at Hanz place now. Pinilit niya akong tumira muna sa bahay niya para may magbantay din daw sa akin. May mga maids kasi siya kaya may kasama ako sa bahay. Kailangan ko raw munang pag-aralan ang klase ng pamumuhay na meron sila rito bago ako humiwalay. Hindi rin daw ako basta-bastang makapamuhay mag-isa rito lalo na't dayuhan palang ako at baguhan, baka raw may mangyaring masama sa akin.Hindi sana ako papayag dahil kahit bestfriend ko si Hanz, lalaki pa rin siya at babae ako. It's not nice to see a man and a woman living under the same roof. Hindi maniniwala ang mga tao na magkaibigan lang kami. Pero talagang mapilit siya at lagi niya 'kong pinaaalalahanan tungkol sa magiging kalagayan ng anak ko kapag napahamak ako. Bawal daw akong tumira nang mag-isa lalo na't isip bata pa ako. Sarap dagukan eh. 'Yan ang lagi niyang sinasabi sa akin at tinatakot pa ako na ipapadeport sa Pilipinas kapag umalis ako. Isusumbong ni
KENT"Kilala ko siya matagal na at alam ko ang lahat ng sikreto niya pati na ang tungkol sa bunga ng ginawa mo sa kaniya." Napakurap ako sa lumabas sa bibig nitong lalaki na ito. 'Bunga ng ginawa ko sa kaniya? What does he mean?'"What do you mean?" Hindi ko mapigilang tanong sa kaniya. "Nothing. Sinasabi ko lang na alam ko ang ginawa mo at anong naging epekto no'n kay Nikita." Seryoso lamang nitong sabi bago sumimsim sa wine na nasa table namin."I.." I don't know what to say nor knows how to form a sentence. Parang natutop ang dila ko. Gusto kong may masabi pero alam ko namang wala rin talaga sa hulog ang ginawa ko kay Nikita. Ano namang idadahilan ko? Maski ako ay naguguluhan pa rin sa naging desisyon ko. "Kent, aaminin kong matagal na akong may gusto sa best friend ko. Ngayon na wala na kayo sinabi ko sa kaniyang liligawan ko siya at sisiguraduhin kong sasagutin niya ako. Hindi ako magpapasalamat sa 'yo sa pag-iwan mo sa kaniya pero nagpapasalamat ako sa 'yo dahil nagkaroon na
KENT"Hon, what are you doing?" Tanong ni Lauren at dahan-dahang lumapit. Her eyes widen as she saw what I'm holding with my hand. Dagli itong lumapit at kinuha ito sa mga kamay ko saka isinilid ulit sa maliit niyang pouch kung saan ko nakuha ang mga gamot. "What are those?" Tanong ko kahit may ideya naman na ako kung para saan ang mga 'yun. "Ha? Vitamins." She tried to lie. "Vitamins? Bakit ang dami?" "Ano.. kay Ichiel 'to. Magkikita kasi kami mamaya para isauli 'to sa kaniya kasi naiwan niya sa 'kin." Pagdadahilan niya. Matagal bago ko maisipang gumalaw. Tumango nalang ako kahit hindi pa rin ako kumbinsido. Kahit naman anong pilit ko sa kaniya, mas lalo lang siyang magsisinungaling kaya naisip kong kay Ichiel ko nalang itanong. Bumalik na ako sa pagkakaupo at hindi nalang siya kinulit para hindi na rin siya maghinala na alam ko kung para saan ang mga gamot na 'yun. Napaka-imposible kasi ng palusot niya. Bakit naman maiiwan ni Ichiel ang mga gamot niya kay Lauren? Kung ibang g
KENT"Is everything okay?" Tanong ko kay Lauren. Magkasama kaming nagpunta sa shop kung saan kami susukatan ng sizes namin para sa wedding gown and tuxedo. Nakapili na ng disenyo si Lauren at siya na rin ang pinapapili ko ng sa akin. Ang motif namin sa kasal since mahilig sa Lauren sa gold ay Greek na parang sa Greek Gods and Godesses. May mga columns sa reception at sa simbahan kung saan kami dadaan ni Lauren which is inspired from the Acropolis of Athens. Even her gown has a touch of gold. Pinaaga na nila Mommy at kagustuhan din talaga ni Lauren dahil gusto niya sakto sa Valentines ang anniversary namin, kung kaya't imbes na 10 months ang sana ay preparation namin, naging 9 months nalang halos. "Yes, babe." Nakangiting saad nito at lumapit sa akin upang yakapin ako. Niyakap ko nalang din ito pabalik. "I love you, Kent." She whispered which made smile. Niyakap ko nalang siya bilang tugon.Noong malaman ko ang tungkol sa pinagdadaanan ni Lauren, doon ko nabuo ang desisyon kong ito
NIKITA['Sir*ulo beh, inimbeta ako akala mo walang atraso sa 'kin.'] Naiinis na kwento ni Mara habang kavideo-call ko ngayon. Nagkukuwento siya tungkol sa pang-iimbeta ni Kent sa kaniya sa kasal kahit buong batch naman yata pinadalhan ng invitation nila kaya natural papadalhan din siya.Pagtapos tumawag ni mama, si Mara naman ang tumawag. "Meron ba?" Sinamaan ako nito ng tingin. ['Galit ako sa kalandian niya. Pagdadasal ko nalang talaga na mukha lang mamana ng anak niyo sa kaniya at hindi ang ugali. Kapag namana din niya ugali no'ng t*nga niyang tatay, napakamalas niya na talagang bata.'] "Mara," Saway ko rito dahil dinadamay niya na ang anak ko. "Ako rin eh, inimbeta niya." Tumigil muna ito sa pagsusulat saka lumingon sa akin. "Nagpunta sa bahay namin kanina sabi ni mama."['Grabe sobrang kapal talaga ng mukha niya. Hindi marunong makiramdam. Ano 'yun, gagawin kang photographer? G*go 'yun ah!'] Naiinis nitong turan at bahagya pang sumandal sa kinauupuan niya."Hindi ko rin maintind
KENTNapabuga ako ng hangin matapos kong pindutin ang save sa laptop ko. Mahirap na at baka hindi pala naka-autosave, masasayang lang pagod ko gayong ibanv software ang gamit ko. Sumandal ako saglit at napatingala sa kisame, pagod na pagod sa ginawa ko. Kasalukuyan akong nag-aanalisa ng mga data patungkol sa bagong laro na dinedevelop ko. Ito 'yung trabaho na binigay sa akin ng tatay ko. Dahil pinirmahan nga ni Mr. Tsing ang documents ay wala na ring naggawa ang tatay ko kung 'di ang pumayag sa mga plano ko. In fact, he, as well as the board members, are so impressed with the news na nakuha ko ang loob ni Mr. Tsing para sa proyekto kong ito. Now he's part of our business. The most successful entrepreneur na minsan ng na-feature sa magazine ay naging investor na rin namin. I stand up to take a quick shower. Masyadong naubos brain cells ko sa mga inalisa ko. I'm doing this alone dahil iyun ang gusto ni dad. But they're still monitoring everything that I'm doing dahil hindi biro ang na
NIKITA"Na-delay raw kasi ang flight due to typhoon." Sagot ko kay Hanz nang magtanong ito kung bakit hindi makakapunta sila mama sa inaasahan naming schedule. "Pero bukas din ay makakaalis na raw sila. Natatakot nga 'ko dahil baka hindi pa tuluyang nakakaalis ang bagyo tapos aalis na agad sila bukas.""Oh huwag ka ng mag-overthink. Alam ng mga Piloto ang gagawin nila. Tiwala lang." Pangungumbinsi niya sa akin.Supposedly ay nandito na sana sila mama at papa sa America para samahan o bisitahin ako sa panganganak ko. Pero dahil sa supertyphoon ay napatigil ang flights at inusog ng isang araw. Ang kinakatakot ko nga ay baka masyado pang malakas ang hangin para lumipad sila papunta rito kaya sinabi kong sa 14 nalang sana sila mismo umalis. Pero dahil gustong-gusto na ni mama pumunta rito ay hindi na siya nagpalipat pa ng schedule. Maging si Mara ay pupunta rin sana kasabay sila mama kaso ganoon din, kaya baka si Hanz nalang ang makakasama ko bukas. Hiyang-hiya na talaga ako sa kaibigan
NIKITA"Aray ko, Hanz!" Daing ko dahil nagsisimula ng sumakit ang tiyan ko. Hindi tuloy ako makapaglakad ng maayos dahil sa sobrang sakit. Kanina pa pala pumutok ang palubigan ko habang natutulog ako, hindi ko man lang naramdaman, kaya ito ako ngayon paika-ika sa sakit. Parang may tumutusok sa pwetan ko, matatae pa yata ako. Normal lang daw ang contraction kapag malapit na ang labor, hindi naman ako aware na ganito pala 'yun kasakit. Nilapitan na rin ako sa wakas ni Hanz. "Wait Niks..." Sabi niya pa bago lumayo sa akin at kinuha ang bag ng mga gamit na hinanda namin noon. "Okay let's go." Sabi niya at sinukbit sa balikat niya ang bag na dadalhin namin papuntang hospital. "Aray!" Daing ko pa habang napapapikit dahil sa sakit na nararamdaman ko. I know I'm having a contraction now. Nabasa ko ito sa google noong inaral ko kung ano ang signs na manganganak na 'ko at ang process nito. Tama nga ang sinabi ng doctor. Ngayon palang natatakot na akong hiwain ang ibaba ng vagina ko papunta