"Ano ba kasi ang nangyari? Bakit na-kidnapped si Andrie?" Hindi na ako makapagsalita kaya napahagulgol na lamang ako sa pag-iyak. Napahaplos ako sa aking mukha. Bumubuhos lamang ang mga luha ko.Kanina pa si Ann nasaharapan ko. Labis siyang nag-aalala dahil sa pagkawala ni Andrie. Hindi siya mapakali kanina pa.Alam kong sobrang naguguluhan siya nang sabihin kong na-kidnapped si Andrie. Kaya mabilis siyang pumarito para tulungan ako. Mabuti na lang sinagot niya ang huling tawag ko kanina. Maasahan talaga si Ann bilang kaibigan. Isa siyang angel sa mga dasal ko.Napayuko na lamang ako habang humihikbi. Labis akong nag-aalala kay Andrie. I love my son very much. Kahit kailan hindi ko pinangarap na mawalay sa akin si Andrie kahit sandali lang. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Labis kong inaalala ang kaligtasan ng anak ko! Baka mapano si Andrie! Hindi ko kakayanin ang mawala siya. Ikamamatay ko iyon! Sobrang malupit ang tadhana sa amin ng anak ko. Kasiyahan lang naman ang nais na
"Iris! Anak!" Bahagya akong niyakap ni mom na may pagmamahal. Ramdam ko ang kaniyang pag-aalala sa anak ko, kay Andrie. Kumakawala lamang ang mga luha ko. Kanina pa ako umiiyak. Lubos akong nasasaktan sa pagkawala ni Andrie sa tabi ko.Hindi namin alam kung saan siya dinala ng mga kidnappers? Sobra ang pag-aalala ko sa kaniya. Hindi ako sanay na mawalay siya saglit sa piling ko. Sobrang sakit ang mawala siya. Hindi ko iyon pinangarap. Ang mawalay sa akin si Andrie ay para akong pinapatay sa lungkot. Mahal na mahal ko siya. Dama ko ang paghaplos ni mom sa likuran ko. Alam kong mahal na mahal niya si Andrie bilang apo. At alam kong nasasaktan ngayon si mom. Alam kong nag-aalala rin siya!Malakas akong napahikbi sa balikat ni mom. Ramdam ko ang pagbuhos ng mga luha ko. Ang sakit sakit sa dibdib. Ang bigat bigat sa nararamdaman. Parang sinaksak ang puso ko dahil sa sakit! Hindi ko matanggap sa sarili ko! Natatakot ako! Nangangatog ang mga tuhod ko sa takot. "Mom! Kinuha nila si Andr
"Ikaw ang mom ni Andrie? Kailangan namin ng 100 million kapalit ng anak mo! Huwag kang masusumbong sa mga awtoridad kung gusto mo pang makita ang anak mo! Is that clear?"Para akong pinutulan ng hininga dahil sa narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko sa takot! Nanlumo ang mga tuhod ko.Napalingon ako kay Ann. Gusto kong sabihin ang totoo pero natatakot ako! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga segundong ito! Labis akong naguguluhan!Ang anak ko! Si Andrie! Hawak nila si Andrie! Pero ang hindi ko alam ay kung sino ang kausap ko? Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang cellphone ko. Natatakot ako!"Huwag na huwag kang magsusumbong sa mga police! Dahil hindi kami magdadalawang isip na patayin ang bata kapag ginawa mo iyon!"Napasulyap ako sa direction ni Ann. Nakatingin siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala!Natatakot ako dahil sa banta ng lalaki. Hindi ako makapagsalita. Kailangan kong iligtas ang anak ko! Kailangan kong makita si Andrie. Kailangan hindi si
Napahinto ako sa paglalakad nang bumungad sa aking harapan ang dalawang lalaki. Pareho silang may hawak na baril.Seryoso ang kanilang mga mukha. Nakakatakot sila tingnan. Lumakas ang pagtibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng matinding takot sa sarili ko.Oo nag-iisa ako! Kung iisipin wala akong laban sa kanila. Kaya nila akong paikotin. Wala akong laban sa kanila para ipagtanggol ko ang sarili ko."Mabuti dahil tumupad ka sa usapan! Nasaan ang 100 million? Kailangan naming makita." Nakatayo lamang ako sa harapan nila. Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Alam kong pinagplanuhan nila ang lahat ng ito. Matalino sila. "Nasaan ang anak ko? Nasaan si Andrie?" lakas loob kong sigaw sa kanila. Natatakot man ako pero nilakasan ko ang loob ko.Kailangan kong lumaban para kay Andrie. Kung paghihinaan ako ng loob? Paano ko ililigtas ang anak ko! "Pera muna bago ang anak mo. Kailangan naming makita ang pera bago namin ilabas ang bata." sigaw ng isang lalaki.Napalunok ako habang hawak ko ang
"No!" I whispered. My knees trembled down in fear. My tears streaming into my face."Parang-awa niyo na! Pakawalan niyo si Andrie! Nagmamakaawa ako! Kung pera ang kailangan niyo. Ibinigay ko na!"Patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi ako mapakali. Labis akong naguguluhan. Ayaw ko nang mawalay si Andrie sa tabi ko."Bitawan niyo ako! Mommy!" sigaw ni Andrie habang umiiyak.Tatakbo sana si Andrie para lapitan ako ngunit tinutukan siya ng baril sa ulo ng lalaki. Napahikbi siya sa pag-iyak."Huwag! Huwag niyong sasaktan ang anak ko! Huwag niyo siyang sasaktan, please! Parang awa niyo na!"Napahikbi ako sa pag-iyak. Ang sakit sakit sa dibdib. I shook my head. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Andrie at umiiyak.Ang bata pa ni Andrie para maranasan niya ang mga ganitong sitwasyon. Isa siyang inosente sa mga nangyayari.Napatayo ako para lapitan si Andrie. Nanginginig ang mga paa ko. Sabay sabay ang pagpatak ng mga luha ko. Labis akong umiiyak.Agad akong tinutukan ng lalaki ng bari
"Mommy!" sigaw ni Andrie. Humahagulgol lamang siya sa pag-iyak. Tumatakas ang mga luha sa kaniyang mga mata. Labis siyang nahihirapan."Tayo na! Baka maabutan pa tayo ng mga pulis. Kailangan na nating umalis!" sabi ng isang lalaki.Marahas nilang hinawakan ang mga braso ni Andrie para sapilitang pasakayin sa sasakyan. Humahagulgol lamang si Andrie. "Andrie anak!" lumuhod ako sa harapan nila para magmakaawa. Kahit sobrang sakit ang pagbagsak ng mga tuhod ko sa semento pero wala akong maramdaman."Mommy! Bitawan niyo ako!" sigaw ni Andrie. Humahagulgol lamang siya sa pag-iyak."Parang awa niyo na, please! Huwag niyong ilayo sa akin ang anak ko! Andrie anak!" napahikbi ako sa pag-iyak. Nag-uunahan lamang ang mga luha ko.Nananatili akong nakaluhod. Gusto kong mag-makaawa ng paulit-ulit huwag lang nilang ilayo sa akin si Andrie. Hindi ko kakayanin ang mawalay sa akin si Andrie. Humahapdi na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko. Labis akong nahihirapan. Nasasaktan ako dahil sa kalagayan
Lucas' POV"Nalaman kong may bata dito sa bodega. Siya ang anak ni Iris. Ano ang ginagawa ng batang yan rito Lucas?" Agad na nanlaki ang mga mata ni Clara Mondragon. Nalaman niya ang tungkol sa bata. Kay Andrie. Hindi siya makapaniwala. Napalunok siya nang marahan. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat. Nagtataka siya kung bakit nandito ang anak ni Iris?"Relax my wife! Huwag mong alalahanin ang batang yan! Isa lamang siya sa mga basura na dapat ligpitin."Marahan kong hinaplos ang mukha ng asawa ko. Clara Mondragon is my legal wife. Siya ang babaeng pinakasalan ko. I loved her so much. Ayaw ko ng humanap ng ibang babae dahil siya lang ay sapat na.Naibibigay naman ni Clara ang lahat na gusto ko bilang asawa niya. Hindi niya ako binibitin. Alam niya ang pangangailangan ko bilang lalaki.Hinaplos ni Clara ang mukha ko matapos ko siyang halikan. Sinisigurado kong hindi ako magkukulang sa sarili ko bilang asawa ni Clara."So what do you mean?" seryosong tanong niya.Alam kong gusto ni
"Anak Iris! Huminahon ka mo na, okay! Kanina ka pa umiiyak! Hindi kita maintindihan! Nasaan si Andrie? Nasaan ang apo ko?" Kita ko ang lungkot sa mga mata ni mom. Lubos siyang nag-aalala sa akin at kay Andrie. Hindi siya mapakali habang hawak ang mga kamay ko."Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko na alam kung saan ako pupunta? Wala na akong ibang matakbuhan! Kinuha nila sa akin si Andrie." I shook my head. Pumapatak lamang ang mga luha ko. "Hindi ko man lang nailigtas ang anak ko! Wala man lang akong nagawa bilang ina! I'm sorry!" Napahikbi ako at napahagulgol sa pag-iyak. Labis na lungkot ang nararamdaman ng puso ko. Nag-uunahan lamang sa pag-agos ang mga luha ko.Napailing si mom habang nakatingin sa mga mata ko. Napaiyak na rin siya. Alam kong nararamdaman ni mom kung gaano ako nasasaktan. Kung gaano kabigat ang dinadala ko ng puso ko. Mahigpit niya akong niyakap. Naramdaman ko na lang ang paghagod ng kaniyang kamay sa likuran ko. Alam kong nasasaktan siya ng sobra. Kulan