Share

CHAPTER 53

"H-HINDI... Prudence... Prescilla... Hindi... Hindi!" Nagising ako sa sariling sigaw.

Napahilamos ako sa aking mukha na ngayon ay basang-basa. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pawis ko sa luha dahil mahapdi rin ang aking mata. Ang aking dibdib ay marahas na nagtaas-baba na para bang sumali ako sa isang paligsahan at sabik akong manalo kaya pinag-igihan ko.

Ngunit alam kong hindi, alam kong hindi ako sumali sa paligsahan. Ito ay dahil sa isang masamang panaginip. Panaginip na kailanman ay hindi ko pa napanaginipan.

Kahit nanginginig ay sinikap kong bumaba sa kama, wala akong kasama ni isa dahil sinabi ko kaninang magpapahinga muna ako saglit at susunod din sa baba. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig para naman kahit papaano ay mahimasmasan ako.

"Hay, siguro pagod lang ako sa byahe kaya binabangungot na." Umiling ako at mabilis na inubos ang malamig na tubig.

Humarap ako sa salamin at napa-iling na lang nang makita ang pamumula ng mukha. Kumuha ako ng suk
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status