PAGKABUKAS ni Xander ng kanilang pintuan ay nagkagulatan silang dalawa ni Liam na siyang kakatok sana sa pintuan nito.“Axel! Sakto pala, sasabihin ko sana sa’yo na ‘wag mo na ‘daw intayin ang daddy mo, may need pa kasi kaming tapusin e,” sabi nito sa kaniya habang kinakamot ang batok nito na tila nahihiya sa kaniya.“But I need to talk to daddy right now.” Seryoso niyang sabi na ikinalunok ni Liam.Alam niya kapag seryoso si Axel ay masama ang mood nito. Oo laging seryoso si Axel pero alam nila kung ano ang pinakang seryosong mood nito at takot sila dito kapag ganon na si Axel. Para siyang si Alexander gowrn up version kahit pa na bata palang siya what more pa kaya kapag lumaki siya diba?Kaya nga minsan hindi nila alam kung masaya ba na mayroong little version na Alexander silang kaibigan e.“Busy pa ang daddy mo Axel, ano ba need mong itanong saakin mo nalang itanong baka alam ko.” ngiting sabi ni Liam.Mahal pa niya ang buhay niya pero need niyang lakasan ang loob niya dahil baka
“GANITO kasi ‘yan Axel, kasal ang mommy at daddy mo ng limang taon, kaso sa ika fifth anniversary nila bigla nalang umalis ang mommy mo. Hindi ‘rin kasi naging maganda ang pagsasama nila since it was a loveless marriage pero later on minahal ng daddy mo ang mommy mo. Kaso nabuntis niya si Tara, ang tita Tara mo, kaya nanjan ang kapatid mong si Tanya.I know matured enough ka na para maintindihan ang lahat ng to dahil hindi ka simpleng bata lang Axel. Pero maniwala ka saakin, ang ina ni Tanya ang sumira sa relasyon nila ng daddy mo. Malakas ang kutob ko lalo na naabutan siya ng daddy mo sa restaurant kung saan dapat sila magkikita nung anniversary nila at siya nagsabi na sumama sa ibang lalaki ang mommy mo.” Naupo si Liam sa dulo ng kaniyang higaan at doon nagpatuloy ng kaniyang kwento.“Kilala ko ang mommy Xandra mo. Kaya ‘din sinasabi ng daddy mo na ‘wag mong husgahan agad ang mommy mo ng iwan ka niya sa harap ng bahay niyo. Malamang may dahilan si Xandra, mabait na tao si Xandra kah
Kahit na nakita niya ang mga larawan na nanglalaki si Xandra ay handa siyang tanggapin iyon dahil mas malala pa nga ang ginawa niya sa asawa noon. Kung maibabalik niya lang talaga ang oras ay mamahalin niya ito at poprotektahan katulad ng kaya niyang gawin ngayon.Ngunit huli na ang lahat dahil wala na ito. Hindi na niya maibabalik ang buhay ni Xandra.Tandang tanda pa niya ang gabing mabalitaan niyang wala na ito. Ang sunog na katawan nito ay gusto niyang yakapin kahit pa na sunog na ito kung hindi lang siya pinigilan ng mga kaibigan niya.Alam nila kung gaano niya kamahal si Xandra at handa siyang gawin ang lahat para lang dito. Kaya ng malaman niya mula sa ina ang dahilan kung bakit ito namatvy ay hindi siya nagdalawang isip na pumasok ‘din sa ganoong sitawasyon para lang maipaghiganti ang asawa. Hinding hindi niya mapapatawad ang taong pumatvy sa kaniyang asawa.Mabuti nalang at nanjan si Axel, si Axel ang pinakang dahilan kung bakit pa siya umuusad ngayon samahan mo pa na anjan ‘
NAGISING si Xandra ng makaamoy siya ng mabango na pagkain. Tinanghali siya ng gising dahil late na siya nakatulog kagabi sa pag asikaso ng mga bagay na gagawin niya ngayong umaga. Pagtingin niya sa orasan ay 7am na.Wala sa tabi niya si Xander kung kaya mabilis siyang nag-ayos ng sarili at lumabas ng kanilang silid. Hindi pa ‘rin niya makalimutan ang naging pag-uusap nila ng anak kagabi. Hindi niya inaasahan na mapapa-amin siya ng totoo ng oras na iyon pero kasabay niyon ang tila pagkahinga niya ng maluwag.Ang tagal na niyag tinatago ang bagay na iyon kay ng masabi niya ito sa anak ay lumuwag na ang kaniyang loob. Hindi na siya natatakot na baka madulas siya sa anak dahil alam na ‘rin nito ang totoo.Natigilan siya ng makita ang anak na nagluluto sa kusina.“You’re cooking Xander?”Agad na napalingon si Axel sa ina ng magsalita ito at alam niya na kagigising lang nito. Napangiti siya sa ina at inilagay ang mangkok na hawak sa island type na lamesa.“Yes mommy, let’s eat breakfast mara
SAMANTALANG sa kabilang banda naman kung saan andoon si Xander, umalis sila ng ama niya at ni Liam para puntahan ang ipinapatayo nitong hotel sa lugar. Actually, malapit na iyong matapos dahil ilang taon na ‘rin itong ongoing at habang papatapos na ang hotels ay mas dumarami ang gustong mag invest sa hotel ng ama kung kaya busy ito.Si Xander ay namamangha sa kaniyang mga nakikita. Katulad ng nakikita niya kapag kasama ang ina sa paghahanap ng mga properties hindi niya akalain na mayroon silang ganon. Well, hindi man sa kaniya pero sa daddy niya at proud na siya doon palang.Ngayon ay chinechek nila ang mga applicant na nag-aapply sa kanilang hotel. Tahimik lang naman si Xander sa isang tabi at nakikinig sa interviews at halata niya na kinakabahan ang mga ito. Sinong hindi? Nalaman niya na isang bilyonaro ang kaniyang ama at kilalang kilala sa buong mundo!Kaya pala familiar sa kaniya ang pangalan ng ama dahil nakita na niya ito minsan sa social media. Samahan mo pa na ang daming nakak
HABANG nagmamaneho si Xandra ng kotse ay busy si Axel sa kaniyang likuran i-text si Xander. Dinadalangin niya lang na sana ay mag reply ito agad sa kaniya or di kaya makita nito agad text niya.‘Twin nasa New York na kami! We should arrange a meet up by tomorrow!’ ‘yan ang sabi niya sa text.Si Xander naman ay naramdaman ang pag vibrate ng kaniyang phone kung kaya binasa niya ang text doon. Nag-iikot sila ng daddy at tito Liam niya sa buong hotel ngayon kaya nagulat siya sa message na natanggap.Naalala niya na three days nga lang pala sila sa Hawaii kaya nakauwi na ang kambal nito.‘Okay twin, sabihin mo kay mommy punta kayo ng mall bukas. Sasabihin ko ‘din kay daddy and doon tayo mag switch place okay?’ reply na sabi ni Xander sa kambal niya.Si Axel naman ay agad na nalungkot ng mabasa na magpapalit na sila ni Xander. Sa totoo lang ay ayaw pa niyang umalis sa tabi ng kaniyang ina.“Are you okay, son?” tanong ni Xandra ng makita niya ang malungkot na expression ni Xander sa rear view
“ANAK, apo ko!”Napatingin si Axel sa matandang papalapit sa kanila ngunit kahit ganon ay kitang-kita pa ‘rin ang kagandahan nito na kamuka ng mommy niya. Mukang iyon ang grandma na sinasabi sa kaniya ng ina.Una nitong niyakap si Xandra at hinalikan ito sa pisnge.“Kamusta ka dito mom? Hindi ka ba na-bored?” ngiting tanong ni Xandra sa ina.“Sus kilala mo naman mommy mo anak, dami ng gadgets ngayon kaya hindi na ako maiinip. Hindi ba Xander apo? Apo ko nagturo sakin sa mga gadgets e!” tuwang sabi nito at lumapit kay Axel para yakapin ito.“Hindi mo ba na-miss ang grandma, apo?” ngusong sabi nito ng humiwalay sa yakap nilang dalawa.“Syempre na-miss lola! Nabighani lang ako sa kagandahan mo,” ngiting sabi ni Axel ngunit ang totoo ay galing talaga iyon sa kaibuturan ng kaniyang puso.Masaya siyang nakilala niya ngayon ang kaniyang lola. Dalawa na ang lola niya ngayon, sa side ng daddy niya at side ng mommy niya.“Naku! Kelan ka pa natuto mang uto apo ko?! Hahaha!” tawang sabi nito sa ka
MAYROONG hawak na bulaklak ang ina niya at iba-ibang bansa ay ganon ‘din.Agad niyang narealize kung ano ang tinutukoy ng lola niya. Kada bansa ay binibilhan niya ng bulaklak ang ina at pero iisa lang ang bulaklak kahit iba iba ang bansa, puro tulips lang iyon.Naka labing lima na silang bansa ayon sa album at checklist na nakita niya.“It’s okay apo, siguradong kasama na ako sa susunod at makakabili tayo. Nagkataon kasi na kayo lang ng mommy mo ang pumunta ng Hawaii e. Kaya nga gustong gusto kong sumama kasi siguradong hindi mo ‘to magagawa at wala kang kasama, kaso nagkasakit ako e.”Napatingin si Axel sa kaniyang lola at ngumiti dito.“Okay lang po lola! May susunod pa naman po kaya walang problema!” pagtatakip niya sa pagkagulat niya sa katotohanan na iyon.Mayroon palang goal ang kambal niyang si Xander, kung alam niya lang edi sana nagawa niy noong nasa Hawaii pa sila lalo na may nakita siyang nagtitinda ng bulaklak sa may hotel na tinuluyan nila.“Yes apo, sabi sakin ni mommy mo