Maraming salamat sa mga nagbabasa po! Bukas ulit guys! Comment kayo para mas lalo po akong ganahan mag update.
“MOM? Xander?!”Kadarating lang ni Xandra sa kanilang bahay para sana ibalita sa mga ito kung ano ang nangyari ng pumunta siya sa kanilang bahay. Ngunit wala siyang naabutan na tao sa kanilang bahay. Agad niyang tinignan ang kaniyang cellphone upang malaman kung mayroon bang text sa kaniya ang mga ito na mayroong pupuntahan ngunit wala naman.Naisipan niyang tawagan ang mga ito ngunit mayroong biglang tumawag sa kaniya kaya agad naman niya itong sinagot.“Nalaman ko kay Ginrose na umuwi ka ng Pilipinas. I’m sorry, Xandra hindi ko alam na wala na si tito. I’m so sorry, naging busy ako sa trabaho. Nasamahan ko sana kayo papunta jan.”Ang tumawag sa kaniya ay si Iara Jones, ang kaniyang matalik na kaibigan. Actually, dalawa sila ni Ginrose Flores, ang tinutukoy nito kanina na siyang secretary niya sa kaniyang negosyo.Noong lumipat sila sa New York ay doon sila nagkakilalang tatlo. Si Iara ay literal na mayaman while ganoon ‘din naman si Ginrose pero mas pinili niyang maging secretary ni
NAGKITA si Axel at Xander sa isang park kung saan maraming mga bata para hindi sila mahalata. Kasunod ni Xander ang kaniyang grandma ng makita niya ang kamuka ng kaniyang apo na nakatayo sa harap ng padulasan. Doon palang ay hindi na niya maiwasan na maiyak dahil sa wakas ay makikita na niya muli ang apo at makakausap ito bilang si Axel.“Twin!” tawag ni Xander dito na ikinalingon naman ni Axel sa kaniya.Agad na nagliwanag ang muka ni Axel at tumakbo kay Xander pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit.“I miss you twin!” tuwang sabi ni Xander.“I miss you too twin,” ngiting sagot ni Axel ngunit ng mapatingin siya sa gawi ng lola niya ay natigilan siya.“L-lola?” pagkatapos ay humiwalay siya sa pagkakayakap nilang kambal. “Sinama mo si lola?!” nanlalaking mata na sabi ni Axel sa kambal.“Twin, grandma already knows. Noong andoon ka pa sa New York alam na niya na hindi ako ikaw,”“W-what you mean?”Tumango si Xander habang nakangiti ng malaki at itinulak niya ang kambal papunta sa harap n
“Grabe ganon pala kasama si tita Tara.” Hindi makapaniwalang sabi ni Xander lalo pa’t iba ang kwento ng ina niya tungkol dito.Sa kwento ng ina ay mabait si Tara at ate na ate ang dating sa kanilang ina pero ‘yun pala ay hindi totoo ang lahat dahil siya ang dahilan kung bakit sila nagkahiwa-hiwalay.“Gusto mo bang gumanti?” ngising sabi ni Axel na ikinakunot ng noo ni Xander at tumingin sa kambal.“How?”“Mag palit ulit tayo.” Seryosong sabi ni Axel.Dahil doon ay nanlaki ang mata ni Xander at naintindihan niya agad kung ano ang ibig sabihin ng kambal niya.“Sure twin. Ako naman ang haharap kay tita Tara,” ngising sabi ni Xander at mabilis na pumalibot ang pagka-excite sa kaniyang pagkatao.“Twins nakauwi na ang mommy niyo! Kailangan na nating umuwi kasi hinahanap na tayo,” biglang sulpot ni Xyra na katatapos lang magdahilan sa anak.Nagkatinginan ang kamabal at tumango sa isa’t-isa pagkatapos ay tumayo na.“Magpapalit ulit kami lola,” seryosong sabi ni Axel.Hindi na nagulat pa si Xyr
SERYOSO lang si Xandra na nag-aabang sa may hagdanan sa pagpasok ng mommy at anak niya. Dahil nga nakausap na niya ang ina kanina ay kinontak niya ‘rin ang kaniyang private investigator at doon niya nalaman na wala naman itong kinalaman doon.Syempre nagatataka siya kung paano nangyari iyon kung kaya inaccess niya ang CCTV nila na nasa New York at doon niya nakita ang ginawa ng anak. Hindi siya makapaniwala ng una ngunit kitang kita na ang ebidensya.Ang tanong ay bakit nito ginawa ang bagay na iyon.“Anak!” ngiting sabi ni Xyra at lumapit sa anak para halikan ito sa pisnge. “May dala kaming pizza ng anak mo,” dugtong nito kahit na nakangiti pa ‘rin.Si Axel naman ay hindi maiwasan na matuwa ng makita ang ina dahil ilang linggo niya ‘rin itong hindi nakita at nakasama.“Mommy!” tuwang tawag ni Axel dito at tumakbo sa ina para yakapin ito ng mahigpit.“I miss you mommy!”Nagtaka si Xandra kung bakit ganon ang naging reaction ng anak na akala mo hindi sila nagkita. Ngunit ipinilig nalan
“Hindi ko ‘rin alam kung paano nangyari ‘yun pero iyon ang totoo. Sa ngayon ay gumagawa na ako ng paraan para malaman ang totoo. Hindi sa nambibintang ako pero iisang tao lang ang alam kong gagawa nito,” buntong hininga na sabi ni Xandra.“Si tita Tara.”Biglang dugtong ni Axel na buong akala ni Xandra ay ay Xander. Kaya nanlaki ang mata ni Xandra at hindi makapaniwalang nakatingin sa anak.“Paano mo nalaman ang bagay na ‘yan?!” tanong niya dahil ang pagkaka alam niya ay hindi naman niya ikinuwento sa anak ang tungkol doon.“Mom!” biglang tawag niya sa ina dahil alam niyang ito lang naman ang may kakayanan na magsabi ng totoo sa anak.“Mommy, ‘wag kang magalit kay lola. Nalaman ko kasi nadulas siya, isa pa bakit ayaw mong malaman ko ang totoo? Natatakot ka ba na malaman ko ‘yun at magalit ako kay tita Tara? Mommy, please stop being kind!”Napailing si Xandra sa sinabi ng kaniyang anak.“Hindi iyon anak, dahil natatakot ako na madamay ka. Na kapag umuwi tayo dito at malaman ng tita Tar
Now, kung hindi ito nakinig sa’yo na sinabi mo ng mali ang ginagawa niya, nasasakaniya na ‘yun. Then cut them off. Hindi mo kailangan ng taong walang malawak na pang unawa dahil ikaw lang ang magmumukang masama.Ayon kay Xyra ay mas mahalaga ang peace of mind keysa hayaan ang sarili mo na ma-involved sa sleepless night na kakaisip kung bakit ginagawa sa’yo ‘yun ng ibang tao.“Tama ka mommy, dapat na akong gumawa ng paraan. Ayokong mapunta sa ganoong tao ang anak ko, lalo na si daddy.”Matapos ng usapan nila na iyon ay kumain na sila ng Pizza na dala nila. Kasabay niyon ay ang pagpaplano nila kung anong gagawin sa oras na malaman ang totoo.Sinabi na ‘rin ni Xandra na uuwi doon sina Iara at Ginrose. Hindi pa nga ito nakilala ni Xander mabuti nalang at bumulong ang lola niya sa kaniya kung kaya nagpanggap siya na excited para hindi makahalata ang ina.Ang gustoni Xandra ay malaman ang totoo ay ipakita kay Tara na hindi na siya ang Xandra’ng kayang kaya niyang patahimikin noon. Nagawa si
“Kapag hindi mo sinunod ang payo ko tita Tara, ikaw ang iiyak sa dulo bahala ka.” Naiiling na bulong niya sa kaniyang sarili.“Master Axel!”Napatingin siya sa lalaking bigla nalamang dumating at hingal na hingal.“Finally nakita ‘din kita! Hinahanap ka ng daddy mo, tama nga siya na umuwi ka dito.”Hindi niya kilala ang lalaki pero sa suot palang nito ay alam niyang tauhan siya ng ama dahil naka suot ito ng puting polo at slocks.“I was looking for my sister Tanya kaya umuwi ako dito. Kaso hindi ko siya makita dito, do you know where is she?”Nagtaka ang lalaki dahil sa tanong ng kaniyang alaga.“Hindi ho ba hinatid ng daddy niyo sa bahay ng Mamita niya?”Gustong kotongan ni Xander ang sarili niya dahil nakalimutan niya iyon. Masyado siyang nawala sa sarili pero okay na ‘rin ‘yun basta may naidahilan siya kung bakit nawala sa opisina ng ama lalo pa’t mukang kasama ang kambal niya doon.“Okay, let’s go to my daddy.”“Yes, master.”Nalaman ni Xander na iyon ay si Paul, ang personal na ta
DAHIL mayroon pang kasunod na meeting si Alexander ay naiwan na muling mag-isa si Xander sa opisina ng kaniyang ama. Ang nangyaring pagkawala niya ay tila baliwala ito, tama nga ang kaniyang personal na bantay na si Paul.Nang mapag-isa siya ay agad niyang tinawagan si Axel para tanungin ang tungkol sa organization na nakita niya. Ilang ring muna bago ito sagutin ng kambal, malamang na humanap pa ito ng tagong lugar para lang sagutin ang tawag niya.“Is there any problem twin?” tanong agad ni Axel ng sagutin niya ang tawag.“Yes! What is this mafia organization?! Mafia kayo ni daddy?!”Natigilan si Axel sa kabilang linya at napatapik sa kaniyang noo. Nakalimutan niya ang tungkol sa bagay na iyon at naalala niya na mayroon nga palang issue ngayon sa underground.“Yes twin. Mafia kami ni daddy, actually I presented na ako ang mag-aayos ng issue ngayon. Naiintindihan mo ba ang report?”“Are you serious?!” malakas na tanong ni Xander na ikinangiwi ni Axel dahil halatang gulat na gulat ang