Hi guys! Marami ang update ngayong araw, baka meron pang 15 chapters na paparating kaya wait lang tayo sa update. Dahil mahal na mahal ko kayo at ayaw ko kayo mabitin wait niyo lang update ko today! Basta comment and give 5 star rate po sa story para matuloy ang 15 chapters natin ngayong araw! Thank you sa pagbabasa guys!
“Mom, can you hold the twins for a while?” seryosong sabi ni Xandra na agad ikinatango ni Xyra at lumapit sa mga ito at kinuha ang kambal na umiiyak.Si Xandra ay naglakad palapit kay Tara na ikinaatras nito.“Gusto mo ba ng ebidensya para mapatunayan ang mali mong ginawa?”Napakunot ang noo ni Tara dahil sa sinabing iyon ni Xandra at hindi na nito inantay ang isasagot ng kapatid pagkatapos ay mayroong kinontak sa kaniyang cellphone.Ilang ring lang ay mayroong sumagot sa kabilang linya.“Pumunta ka dito sa emergency room.” Iyon lang ang sinabi ni Xandra at binaba na niya ang tawag.“Ano ‘yan?! Hindi magbabago na ikaw ang rason kung bakit nasa loob si—”*Pak!*Hindi pinatapos ni Xandra si Tara at muli niya itong sinampal.“Huling huli ka na gagawa ka pa ‘rin ng kasinungalingan?” diin na sabi ni Xandra dito.“How dare you slap may daughter?!”Biglang sigaw na sabi ni Angeline at tumakbo sa gawi ni Xandra para sampalin ito pero agad iyong nasalo ni Xandra.“Kung akala niyo po ay katulad
HINDI makapaniwala si Tara ng makita ang dating doktora ni Xandra. Paanong nangyari na naroroon ang babae samantalang ang alam niya ay wala na ito sa bansa katulad na ‘rin ng kanilang napagkasunduan.“S-six years ago po, pumunta si ma’am Tara kasama si ma’am Aimee sa office ko. Tinanong nila ako kung ako ba ang doktora ni Xandra—”“Hindi totoo ‘yan! Wala kaming kinalaman sa bagay na ‘yan! Puro kasinungalingan ‘yan!”Bigla nalamang sumigaw si Aimee na ikinainis ni Iara kung kaya binigyan niya ito ng malakas na sampal na ikinatahimik nito.“Ikaw ba si doktora para sumabat?!” taas boses na sabi nito habang si Aimee ay napaiyak nalang na nakahawak sa pisnge niya na nasaktan.“Galing mo girl ah,” proud na sabi ni Ginrose na natatawa pa. Alam niya kasi n amalakas sumampal si Iara kaya nga ayaw na ayaw niyang makaaway ito.“Dapat lang sa kaniya, ang ingay e.” irap na sagot ni Iara dito.“Tapang ng kaibigan ni Xandra e noh. Mana sa kaniya,” kumentong sabi naman ni Liam sa katabing si Stanlee
“Kunin mo ang huli sa anak ni Xandra at palitan ng patvy na sanggol. Palabasin mo na anak ko siya,”Rinig nila na sabi ni Tara sa CCTV at doon habang inilalagay ang bag na dala ni doktora ngayon ay binuksan iyon kung saan naglalaman ng malaking halaga ng pera. Ngunit katulad ng sabi ni doktora hindi siya pumayag at doon na nila narinig ang pagbabanta nito.“N-no! No stop it! Stop the video! Stop it!”Pagwawalang sabi ni Tara habang si Aimee naman ay tuluyan nang napasalampak sa sahig dahil tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa. Wala na, kulong sila. Kitang-kita ang kanilang muka sa CCTV na iyon at lahat ng pinag-usapan nila.Siguradong kulong sila pagkatapos niyon.Habang si Tara naman ay walang pumapansin sa kaniya. Nang matapos ang video ay kaagad na lumapit si Xandra dito at muli itong sinampal.*Pak!*“Nagawa mong magpanggap na buntis tapos kukunin mo ang anak ko para ipalabas na anak niyo ni Alexander? Ano ba ang ginawa kong mali sa’yo? Nung dumating kayo ng mommy mo sa buhay nami
“W-WHAT?!”Gulat na sabi ni Ysa na agad lumapit kay Xandra at pabalang itong hinarap sa kaniya.“Ang kapal ng muka mo para mag desisyon sa apo ko samantalang wala kang kinalaman sa kaniya! Oo ikaw ang nagsilang sa kaniya pero legally si Tara ang ina!”Dahil sa sinabing iyon ni Ysa ay nabuhayan si Tara. Tuluyan ng kinalimutan ang pag-uusap nila ni Xandra kanina.“T-tama! May karapatan pa ‘rin ako sa anak ko! Ako pa ‘rin ang ina ni Tanya ngayon kaya wala kang karapatan sa kaniya!”“Hindi tama ‘yan!” sigaw na sabi ng ina ni Xandra ngunit dinuro lang siya ni Angeline.“Shut up! Labas ka sa usapang ito Xyra!”Hindi nagustuhan ni Xandra ang ginawa nito sa kaniyang ina kung kaya inalis niya ang kamay na nakaduro dito.“H’wag mong ganyanin ang mommy ko!” sigaw na sabi ni Xandra na lalong ikinagalit ni Angeline.“Wala ka talagang modo na bata ka!”Sasampalin sana siya nito ng mayroong pumigil dito at iyon ay walang iba kundi si Alexander.“A-alexander, hijo…” utal na banggit ni Angeline ng mak
NAKIKITA ni Xandra sa muka at ramdam niya na tinuturing nga ni Tara na tunay na anak ang kaniyang anak ngunit hindi magbabago ang katotohanan. Masama ang ginawa nito sa kaniya at sa pamilya niya, hindi naman mangyayari ang lahat ng iyon kung hindi niya kinuha ang anak.Hindi naman siya ituturing na ina ni Tanya kung hindi niya ito pinamukang anak niya. Siya dapat ang nasa kalagayan nito ngayon. Hindi nga niya alam kung matatanggap ba siya ni Tanya bilang ina lalo pa’t alam niya na mahal ‘din nito si Tara.Nagpupumiglas pa ‘rin si Tara ngunit wala na siyang magawa at ganon ‘din ang mommy nito at mommy ni Alexadner. Si Aimee naman ay tila suko na sa mga nangyayari at tahimik lang itong sumusunod sa mga guards.“Wait!”Bigla niyang sabi na ikinatigil ng mga ito. Naglakad siya papunta sa kaniyang ama na nasa wheelchair at niyakap ito.“I’m sorry daddy kung hindi ko sinabi na kasam ako si mommy. Ayaw ko lang masaktan ulit si mommy,”Bulong niya dito at pagkatapos ay humiwalay na siya dito
DAHIL sa kaniyang narinig mula kay Tara, lahat ng iniisip niya tungkol sa dating asawa ay biglang nawala. Ultimo ang inis niya dito ay nawala dahil ang lahat pala ay isang malaking kasinungalingan. Ngunit kahit na ganon, kung tatanggapin niya ang inaalok sa kaniya ng lalaki anong susunod na mangyayari?Matagal na silang wala at hindi niya alam kung malaki ba nag pinagbago ng lalaki. Paano kung bumalik ang pagiging babaero nito? Paano kung umiyak nanaman siya ng dahil sa lalaki at ayaw na niyang mangyari iyon.Kung siya ang papipiliin ay gusto nalang niyang makasama ang mga anak at mamuhay ng tahimik. Isa pa hindi sila magkasundo ng ina nito. Paano nila mapapangatawanan nag pagiging mag asawa kung in anito mismo ang ayaw sa kaniya?Oo maipagtatanggol siya nito pero hanggang kailan? Lalo na ngayon na nalaman niya na ito pala ang dahilan kung bakit naipalabas na siya ay patvy na.“Alexander, sorry pero hindi ko matatanggap ang alok mo.”Napakunot ang noo ni Alexander dahil sa sinabing iy
NANG milipat si Tanya ang tanging naririnig nila sa loob ng room nito ay ang tunog ng makina na nasa tabi nito. Wala pa ‘rin itong malay at nagpapahinga mula sa operasyon. Ayon sa nurses maaaring bukas o sa isang araw pa ang gising nito dahil na ‘rin hindi biro ang naging operasyon nito.Pero isa lang ang nasisiguro nila na maayos ang naging operasyon at ligtas na ito. Iyon palang ay sapat na sa kanila basta magaling na si Tanya at hindi na iyon mauulit.Dahil doon ay nag stay na sila sa silid ni Tanya, mabuti nalang malaki iyon at mayroon dalawang extra bed na naroroon. Tila hindi nga ospital ang kinalalagyan nila kundi isang hotel!Ano pa nga bang aasahan kasama nila ang isang Alexander Bautista at alam ni Xandra na ito ang may kagagawan niyon.“Hey girl, kamusta kayo ni Alexander huh!”Maya maya pa ay pinagitnaan na ni Ginrose at Iara si Xandra ng mapag isa ito. Nakausap na ‘rin niya si Stanlee at Liam, natatawa pa nga ‘rin si Xandra kapag naaalala niya ang pananakot niya dito at n
HINDI nga nagkamali si Xandra dahil kinabukasan lang ay nagpunta doon si Tara at kasama ang lawyer nila at sinasabi na siya pa ‘rin ang legal guardian ni Tanya. Dahil doon nag desisyon nalang sila na mag shifting sa pagbabantay kay Tanya.Sa umaga si Tara at sa gabi naman ay si Xandra. Wala namang problema iyon kay Xandra dahil alam niyang hindi nito sasaktan ang anak niya.Sa ngayon nga dalawang araw na nag lumipas at hindi pa ‘rin ito nagigising. Lahat sila nababahala na dahil doon pero sabi ng doktor ay normal iyon.Sa tuwing oras na niya para mag bantay sa anak naririnig niya muna na kausap ni Tara ang kaniyang anak. Siguro kung hindi lang ganon ang ginawa nito sa kanila ay baka magkasundo sila ng anak niya kaso wala, ganon ang ginawa nito sa kanila kaya wala siyang magagawa.Tuloy pa ‘rin ang plano niya na ipakulong ito.Sa tuwing magbabantay siya sa kaniyang anak ay nagtataka siya dahil andoon ‘rin si Alexander. Sa totoo lang ay wala iyong problema sa kaniya ang kaso kinukulit s