Uy nakilala na ni Zoey si Xavier kilig yarn! Hahaha nagsisimula na ang mga pasabog natin guys! Marami pa kaya kumapit lang kayo at gugulatin ko kayo hahaha thank you sa mga nagbabasa! Mahal ko kayo Kimmie's! ~B.NICOLAY/Ms.Ash
LAKING pasasalamat ni Zayne at pinaniwalaan ng kambal niya ang kaniyang paliwanag. Anong sinabi niya? Idinahilan niya na si headmistress Patricia ang nagsabi na ‘wag na munang sabihin sa kaniya. Mag-sosorry nalamang siya sa tita niya at sigiradong maiintindihan naman siya nito. Samantalang si Xavier naman ay nagpaliwanag kay Zoey kahit na hindi ito magtanong dahil siguradong nagtataka ang babae. Sinabi niya na matagal na siya doon at binubuo ang trust ni Madel kaya inabot ng ilang taon. “Anong tulong ang sinasabi mo Xavier?” Baling ni Zayne kay Xavier na ikinaupo nito ng maayos. Maging si Zoey ay inaantay ang sagot nito. “Madali lang ‘yan, kailangan nating malaman kung kinuha ba talaga ni Madel si Bianca. Pupuntahan natin siya at mag rereport tungkol sa pagkawala niya.” Nagkatinginan ang kambal dahil sa sinabi ni Xavier. Not bad. Ayon kay Xavier ay malaki ang tiwala sa kaniya ni Madel at ganoon ‘din kay headmistress Patricia. Sa ganoong paraan ay maaaring sabihin ni Madel sa
“TO end this announcement, gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na the day after tomorrow na ang battle.” Sabi ni Madel na siyang ikinabigla ng lahat. “The day after tomorrow?!” “Finally ang pinakang inaantay ko!” “OMG! Kailangan kong ayusin ang mga gamit ko!” Sunod-sunod na kumento ng mga ito na ikinaseryoso ni Madel. Hinayaan niya muna ang mga ito na mag bigay ng kaniya-kaniyang kumento hanggang tuluyan na siyang nagsalita. “Okay na kayo? Ako naman?” Biglang natahimik ang paligid dahil sa lamig ng boses nito. Kanina lang ay masaya sila dahil naroroon na ang tagapagmana at susunod nilang pinuno pero ngayon mas sumaya pa sila dahil sa paparating na battle. Baliktad ang mga estudyante doon, mas gusto nila ang gulo. Mas gusto nila ang patayan kaya nga mga wala silang awa at walang inuurungan. “Now, alam kong napabilis ang battle pero dapat noong Mr and Ms Winterford University ang date ng battle. Inadjust lang namin dahil nga kay Hope. Ngayon na nandito na siya bakit h
“SIGURADO ka bang okay ka lang Selena? Ano ba talagang nangyari? Akala ko kakausapin mo na si Lili?” Takang tanong ni Tiana sa kaibigan habang may bitbit silang tray at papunta sa isang table na bakante. Nag-aya kasi si Selena na kumain at dahil nga wala silang pasok bilang paghahanda sa battle bukas ay libre sila anytime gawin ang gustuhin nila. Nahalata agad ni Tiana ang malungkot na aura ni Selena lalo na’t alam niya na kaya nito gusto kumain dahil may problema ito. Kilala na niya si Selena at ugali na nitong ilabas ang stress sa pamamagitan ng pagkain ngunit hindi naman tumataba. “Ayos lang ako—” “Look who’s here.” Hindi natuloy ni Selena ang sasabihin niya ng makasalubong nila si Hope kasama si Zoey na mayroon ‘ding dala na tray ng pagkain. “Ang liit nga naman ng mundo. Tiana, did you miss me?” Nagulat si Selena nang banggitin nito ang pangalan ni Taina kaya napalingon siya dito. Akala niya’y siya lang ang mahihirapan sa harapan ni Hope dahil sinasamahan na ito ni Zo
“HINDI ka pwedeng pumalpak bukas Hope. Kapag pumalpak ka makukuha lahat ni Tiana at Selena ang meron ka ngayon.” Seryosong sabi ni Madel na siyang ikinakuyom ng kamao ni Hope. Ang totoong pangalan niya ay Winwin, ang layo sa totoo niyang pangalan hindi ba? Pero simula nang magkaisip siya at sinabihan siya ng ina ay doon na niya sinimulang kilalanin ang sarili bilang Hope. Si Hope ay mayroong katulad ng ugali ng kaniyang ina, hindi nakukuntento. Mas gusto na makuha niya ang lahat ng hindi nahihirapan at mas lalong gusto niya na siy ang nasusunod at nakaka-angat. “Don’t worry mom, ako nang bahala sa kanilang dalawa.” Ngising sabi niya na ikinatango naman ng pekeng Madel. Ang totoo niyang pangalan ay Willow. Magulo ang lahat ng magsimula siyang magpanggap bilang Madel, kung tutuusin ay madali sa kaniya ang lahat dahil isa lamang siyang proxy at mayroon pang mas nakakataas sa kaniya na kinuha lang siya. Pero dahil ayaw niyang malamangan ay inako na niya ang posisyon at nagtayo ng sar
“Nakikita niyo ba ang dalawang ‘yun? Sila ang target natin, kailangan natin silang ma-eliminate kaagad.” Bulong ni Hope at tinuro si Selena at Tiana. Napalingon sa kanila ang dalawa at natigilan ng makita sila. “K-kailangan na nating tumakbo!” dali-daling sabi ni Tiana lalo na’t sa sama palang ng tingin ni Hope ay alam niyang may binabalak ang mga ito kaya hinila na niya si Selena paalis doon. “Bakit nila tayo hinahabol?!” sigaw na tanong ni Selena kay Toana na nagsisimula ng magalit. Naniniwala siya sa kambal pero ngayon ay unti-unti na iyong nawawala dahil maging sila’y gusto silang saktan. Ang mga gustong manakit sa kanila ay kaaway niya. “Selena makinig ka, itatakas kita dito. May alam akong daan, ‘wag mong pansinin ang humahabol saatin!” Seryosong sabi ni Tiana kaya napatango nalamang si Selena at sumunod sa kaibigan. “We lost them!” inis na sabi ni Hope at sinipa ang bato na nasa harap niya. Habol nila ang dalawa kanina pero nawala ito sa paningin nila. Ang totoo ay dini
Good morning Kimmie's! Gusto ko lang po gawin itong pagkakataon para magpasalamat sa inyong lahat. Maraming-maraming salamat po sa pagbabasa ng mga stories ko. Nang dahil po sa inyo ay malaki ang naitulong nito saakin at sa pamilya ko. Kahit simpleng panonood lang po ng Ads ay malaking tulong na po saakin iyon, syempre sa mga bumibili po ng chapters maraming maraming salamat po! Yes po, career ko na 'din po itong passion ko na noon ay minamaliit nila dahil isa lamang akong writer na walang future. Pakiramdam ko sobrang worth it ng mga puyat, paglalaban sa mundong ginagawa ko at sakit ng ulo ko sa pagsusulat. Pero yung katotohanan na nagbabasa kayo kada update sobra sobra na po saakin 'yun kaya maraming maraming salamat po! Ang dahilan po kung bakit hindi ako nakapag update kagabi dahil naging busy po at sisimulan na pong ipagawa ang bahay namin today. Gusto ko po kayong pasalamatan dahil kayo po ang dahilan kung bakit sa edad kong ito(20) ay nagagawa kong mabili ang gusto ko, matust
HABANG nagkakagulo sa CCTV section at hindi alak ni Madel kung ano ang nangyayari, sa kinalalagyan lugar kung saan naroroon ang kambal na kasama si Hopd ay kusa silang napahinto sa pagtakbo ng abutan nila ang mga walang buhay na tauhan. “What happened?! Mayroong kumakalaban saamin?!” Inis na sahi ni Hope habang tinitignan ang tatlong walang buhay na tauhan niya. Pero maya-maya lang ay natigilan silang kambal ng makaramdam sila ng presensya sa paligid. “Hope! May tao sa paligid!” Sigaw ni Zayne dito at para na ‘rin maging aware ang mga nasa paligid niya. Si Zoey ay mabilis na inilibot ang mata sa paligid while si Hope ay mabilis na tumayo at dumikit sa kambal. Biglang tumahimik ang paligid na tila ba walang ibang tao samantalang dapat ay mayroon dahil sa nararamdaman nilang presensya.So Xavier na nasa paligid lang at nagtatago ay napahanda ‘din dahil sa hibdi inaasahang bisita. Ramdam niya ang kakaiba sa aura ng taong iyon at sigurado siya na hindi ito basta-basta. Maya-maya pa n
“’Wag na muna natin siyang pansinin ang mahalaga ay makabalik na tayo sa school dahil sugatan na ang pekeng tagapagmana. Siguradong ayaw naman ng pekeng Madel na mamatay ang anak niya.” Walang nagawa si Xavier kundi sumunod kay Zoey at tinulungan si Zayne na kalabanin ang dumarating na mga assassin. Itinabi ni Zoey si Hope sa isang tabi pdahol dugo ng dugo ang sugat nito sa tiyan. “D-don’t leave me Lili natatakot ako!” naiiyak na pigil ni Hope sa kaniya nang akmang aalis siya para sana tulungan ang dalawang lalaki. Sa huli ay wala siyang nagawa at si Xavier at Zayne ang tumalo sa mga ito. Dahil na ‘rin takot na takot si Hope ay hindi na nito pinansin kung si Xavier na gustong-gusto pa niya ang kaharap. Basta gusto nalang niyang makaligtas at makabalik sa school. “B-bumalik na tayo please! Iuwi niyo na ako!” Nagkatinginan silang tatlo dahil doon at maya-maya pang tinulungan na si Hope para makalakad paalis doon. Dalawang uri ang maaaring paraan para matalo ka sa battle na iyo