Hi Kimmie's! Wait lang sa Chapter 30.2 (ENDING) konti nalang patapos na me tapos sama ko na 'din ang announcement! Kapag antok ka na po tulog ka na po at bukas nalang ituloy ang pagbabasa hehe wait lang hindi naman aabot ng 1AM ito! Sorry din sa typos nagmamadali na ako eh hehe
“THANK you doktora.” Ngiting sabi ni Claire at inayos na ang kaniyang mga gamit. “Your always welcome Princess Claire,” pang-aasar na sabi ng babaeng doktor sa kaniya. “Doktora naman e!” ayaw na kasi ni Claire na tinatawag siyang ganon nito lalo na’t madalas na silang magkikita nito. “Hahaha inaasar lang kita, sige na at may flight pa kayo papuntang Paris. Remember don’t forget your vitamins!” “Copy that!” Nagkatawanan sila dahil doon at lumabas na si Claire doon. Dala niya ang isang bag kung saan naroon ang kaniyang surpresa sa pamilya. Malaki ang ngiti niyang umalis sa lugar na iyon, walang iba kundi isang ospital. Ngayon ang flight nila papuntang Paris. Dahil ayaw nga’ng mahiwalay ni Zekiel sa kaniya ay nag request nalang siya dito na sumama sila sa Paris. Dinahilan niya na para iyon sa trabaho pero ang totoo ay hindi iyon dahil doon. Walang alam ang mga kaibigan niya sa totoo niyang plano lalo na’t sila lang pamilya ang umuwi sa Paris. Siguradong magugulantang ito sa
Hi Kimmie’s! Kamusta ang SEQUEL ng story ni Claire at Zekiel? Na bitin ba kayo? Ako ‘din! Unang-una gusto kong mag thank you sa inyong lahat sa pag subay-bay sa story nilang dalawa at sa paparating pang story ng mga anak nila. Sobrang thankful ako kung alam niyo lang lalo na sa mga gumagastos talaga. Supper thank you po! Pero don’t worry hindi dito natatapos ang love story nila ang kaibahan lang ay sa iba na mafo-focus ang susunod pa na story na maisusulat ko dito ngayon at hindi na POV nila ni Claire at Zekiel. Makikita niyo pa ‘rin sila at mababasa but still sure akong mas mag eenjoy kayo sa paparating na stories! So, ito na ang announcement. Halata naman kung paano nag-end ang SEQUEL hindi ba? Yes! Story ng kambal ang susunod! Ang title ng next book na dito ko pa ‘rin idudugtong ay “Twins adventure” Sa totoo lang individual stories na sana ang isusulat ko pero narealize ko na ma-mimiss niyo na magkasama ang kambal kaya unahin ko na muna ito bago tayo tumalon sa individual l
“NASAAN ang baby girl ko?!” Napalingon sila Claire, Zekiel at Bea sa bagong dating na si Dylan at hinihingal pa. Nang matanggap niya ang text ng asawa ay dali-dali siyang pumunta sa bahay nila Zekiel. “Love nasaan si Bianca! Hindi mo naman siya pinaalis ng hindi ko nakikita diba?!” Lapit na sabi ni Dylan sa asawa at hinawakan nito ang magkabilang balikay ni Bea. Ngunit napaiwas lang ng tingin si Bea habang nakakuyom ang kamao lalo na’t alam niya ang kasalanan niya. “Answer me Love!” Sigaw pa muli ni Dylan kaya tumayo na si Claire at nilapitan ang kaibigan. “Dylan please calm down—” “Calm down?! Paano ako kakalma Claire kung pinadala niyo ang anak ko sa isang mission without my consent! At hindi ko manlang siya nakita!” kusang tumulo ang luha ni Dylan pagkasabi niya niyon. Naging busy kasi ito sa trabaho kung kaya hindi siya makauwi ng maaga sa kanilang bahay. Pero sa kabila niyon syempre hindi niya nakakalimutan ang pamilya. Kaya nang mabasa niya ang message ni Bea ag dali-dali
Doon na nagsimulang maghiyawan ang mga tao dahil sa tuwa. Nagtanguan sa isat-isa naman ang tatlong taong iyon dahil natapos na nila ang unang hakbang. “Pero hindi pa kayo tuluyang nakakapasok sa Gangster world. Kailangan ay lima pataas ang grupo niyo para maging opisyal kayong kabilang saamin. Bibigyan namin kayo ng isang buwan, kung kulang pa ‘rin kayo ay hindi kayo makakapasok sa mundo namin.” Biglang seryosong sabi ng MC na ikinatango naman nilang tatlo. “Kami! Kami na ang pupuno sa grupo niyo!” “Ako! Sasali ako sa inyo!” “Ako ‘din!” Nagsimulang magsigawan ang mga tao sa paligid at pare-parehong gustong sumali sa grupo nila. Pero hindi pinansin iyon ng mga ito at naglakad na palabas. “Bakit mo naman sinira ‘yung pinto Zoey! Sabi ko sa’yo hindi dapat tayo mapansin ng mga tao doon!” Inis na sabi ng babaeng may pulang buhok na walang iba kundi si Bianca. “Sira! Paanong ‘di mapapansin e tatalunin naman talaga natin ang Rank 1!” “Ay oo nga noh?” natatawang sabi ni Bianca na iki
“WHAT the h*ll?!” Sigaw ni Zoey at sawa na kakaiwas sa mga arrow na papatama sa kanila. Sinalo niya ang arrow na paparating sa kaniya at ng masalo ay agad na binali iyon. “Ano ba?! Lumabas kayo ‘wag kayong duwag!” Sigaw niya na siyang ikinatigil naman ng mga arrow na umaatake sa kanila. “Nice one Zoey, lalo mo atang ginalit.” Bulong ni Bianca na tumabi sa kaniya at ganon ‘din ang kuya niya. Maya-maya ay nagulat sila ng kusang bumukas ang malaking gate na nababalitan ng mga dahon-dahon. “I guess ‘yon ang paraan nila para malaman kung talaga bang deserve nating pumasok sa school na ito.” Seryosong sabi ni Zayne na ikina-realize naman ng dalawa. “Welcome to Winterford University!” Bigla nalamang mayroong sumulpot mula sa mahamog o mausok na loob ng gate na bumukas. Hindi nga nila alam kung sinadya ba nila iyon para hindi makita ang nasa loob at para magmukang hunted ang paligid. “I am George, ang gate keeper ng school na ito. Based sa pinakita niyong galing ay pwede na kayong pum
“A-ah hello, anong kailangan nila?” ngiting alanganin na tanong ng isang babae na mayroong mid length na buhok na itim na itim. Mayroon ‘din siyang bangs na siyang bumagay sa kaniya at lalong nagpalitaw sa kaputian nito. Almond shape ang kaniyang mga mata at matangos ang ilong. Ang labi nito ay manipis kahugis ng bow na mapula-pula na tila normal lamang. “Hello! Ako nga pala si Lili, dito ang dorm namin!” ngiting sabi ni Zoey at kinuha ang kamay ng babae at nakipag-shake hands dito. “Ako naman si Nikka!” this time si Bianca naman ang nakipag shake hands dito. “I’m Kai, kapatid ni Lili.” Seryoso lang na sabi ni Zayne na tinaguan ang babae na gulat sa ginawa ni Zoey at Bianca. “A-ah ako naman si Selena—” “Selena! Sinong kumatok?!” Naputol ang sasabihin nito at biglang lumitaw ang isa pang babae na mayroong mahabang buhok katulad ng kay Zoey ngunit blonde ang kaniya at may bangs. Ang sa babae ay walang bangs at kulay brown iyon. Maganda ang babae, morena siya at matangos a
SINIPA ni Zoey ang papasugod na sana sa kaniya at papaluin siya ng isang bakal na pamalo. Nawala na sa paningin niya ‘yung lalaking nasa stage kanina kaya lalo siyang nainis at hindi pa siya maka-alis sa daming estudyante na nakaharang sa daan niya. Hinayaan nalang muna niya ang hinahabol niya dahil sigurado pa naman siya na magkikita pa sila. Papasugod na sana siya sa mga estudyante ng biglang may humawak sa kaniyang balikat. “Don’t show them that you know how to fight.” Napalingon siya sa bumulong sa kaniya at nakita niya ang kuya niya. “What?” “Hindi nila pwedeng malaman na tayo ang bagong pasok sa GW.” Dahil sa sinabi ni Zayne ay natauhan si Zoey. Bakit nga ba hindi niya iyon naisip? Alam nila na darating ang point na makikilala silang lahat bilang bagong salta sa gangster world pero hindi pa sa ngayon lalo na’t mayroon pa silang mga kailangan na gawin. “Pero paano sila Selena at Tiana?” tanong niya dito at napalingon sa kinalalagyan ng dalawa kung saan nakita niyang hinaha
HINDI sila makapaniwala sa ibinunyag sa kanila ni Tiana. Gusto pa sana nilang magtanong sa dalaga ngunit pinigilan sila ni Zayne dahil nakikita niyang nanginginig na ito. Pinahatid na nila si Tiana sa loob ng kwarto nito kay Selena para magpahinga. “Grabe anak pala si Tiana ng may-ari ng school na ito?!” hindi makapaniwalang sabi ni Bianca ngunit tahimik lang ang kambal at malalim ang iniisip. Nang mapansin ni Bianca ang pagkatahimik ng kambal ay napaupo siya ng maayos dahil alam niya ang iniisip ng mga ito. Walang nabanggit sa kanila si Claire at Zekiel na may anak si Madel Winterford. Madel Winterford, ang main suspect nila, ang kanilang main target. Ayon kila Claire ang Winterford University ay dating kilalang private school na sikat sa mayayaman and that was fifteen years ago. Simula nang ma-aksidente ang pamilya Winterford ay doon na nagsimulang akuhin ni Madel Winterford ang University. Hanggang sa mawala na ang existence nito at hindi na naalala pa. Tila nabura o kusang bin