"HINDI pa ba tayo uuwi?" Naiiritang tanong sa kanya ng kaibigan na nasa buhanginan na naman habang siya ay panay ang sisid sa tubig dagat."Mamaya na, pagabe na at maganda ang night swimming," sagot niya."Maganda ang night swimming kung marunong akong lumangoy, ginagawa mo lang akong audience palagi e."Tumawa siya habang inaayos ang mahabang buhok na basang basa na. Sandali siyang natigilan at napatingin sa papalubog na araw. Tumatama ang nakakahalina nitong sikat sa kanyang balat at dahil hapon na ay malamig na ang hangin. Kulay kahel na ang kalangitan na mas lalong nagpaganda sa paligid. Muli siyang sumisid sa tubig at lumangoy patungo sa malalim na parte. Gustong gusto niya ang palangoy, naaadik siya sa kulay asul na dagat at sa paghampas ng mga alon."Uuwi na ako," dinig niyang sigaw ng kaibigan. "May kasama ka na naman e," hindi niya pinansin ang sinabi nito at patuloy lamang sa paglangoy.Para siyang batang naglalaro sa
NAGISING SI Richell na nasa mga bisig pa rin ni Sais ngunit wala na sila sa buhanginan ngunit nasa kubo na malapit sa dalampasigan. Nakaupo siya sa kandungan nito habang ito ay nakasandal sa poste. Hindi mapigilan ng dalaga na sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Tiningala niya ang nakapikit na binata. Pinaglandas niya ang hintuturo sa matangos nitong ilong at napahagikhik dahil sa pagkislot nito. Hindi siya nagsasawang titigan ito dahil kung pagbibigyan lamang siya ng tadhana ay ayaw na niyang mawalay dito. "Ang gwapo mo," sambit niya."I know," sagot nito. Dahan dahan itong nagmulat ng mga mata at tumitig sa kanya. "And you're so beautiful," humalik ito sa kanyang noo.Napapikit si Richell at hindi niya namalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha dahil sa masuyong boses nito. "Mahal kita," bulong niya. Natigilan ito at hindi sumagot, namayani ang katahimikan sa paligid maliban sa paghampas ng alon. Tahimik niyang din
MAAGANG BUMANGON si Richell sa higaan, nagluto siya ng paboritong sinigang na baboy ng kanyang ama. Hinaluan niya iyon ng maraming sibuyas tulad ng gusto nito at nagsaing, gumawa rin siya ng paborito nitong avocado shake. Malaki ang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa kapayaan ng kanyang kalooban."Tay, gising na ho masarap ho ang agahan na'tin ngayon," pagtawag niya dito. Pumanhik siya sa papag na higaan nito at nakita niya itong kakabangon lang. "Nagluto ho ako ng paborito niyo 'tay," masayang bungad niya. Ngumiti rin ang kanyang ama bago tumayo."Ikaw talagang bata ka inuubos mo lang sa'kin ang sahod mo." Inalalayan niya ito pababa."Syempre naman ho 'tay wala naman ho akong dapat na paglaanan ng sahod ko kundi kayo, tatay kita remember.""Bakit nakakalimutan mo bang tatay mo ako?" Pabirong tanong nito."Naku, makalimutan ko nalang na inlove ako wag lang ang gwapo kong tatay." Kinurot nito ang tagiliran niya kaya natawa siya ng mal
TEARS ARE falling from her eyes, the pain is killing her inner peace but she can't do anything but to cry. Parang pasan niya ang mundo habang nakatulala sa higaan, kagigising lamang niya at ang unang ginawa ng kanyang mata ay ang lumuha agad.Ni hindi niya alam kung paano sila nakauwi ng ama. Ang dapat ay masayang araw nila ay naging bangungot para sa kanyang. Overthinking worsen her burden. "Richell, anak gising ka na ba?" Mabilis niyang tinakpan ng unan ang mga mata pagkarinig sa boses at mga yabag ng kanyang ama. Hanggang sa makalapit ito ay nanatili siyang nagpanggap na tulog. "Malalim na ang gabi anak kaya't kailangan mo nang kumain, naghanda ako ng hapunan."Bigla siyang tinamaan ng konsensya dahil sa kalandian niya ay ang ama pa ang nagpagod para sa kanilang haponan. Pakiramdam niya ay wala siyang kwentang anak dahil sa bigat ng kalooban na ibinibigay niya dito. "Alam kong gising ka na, bumangon ka na riyan at tama na ang pag-iyak," sambit pa nito. Napipilitang tinanggal niy
HINDI PA MAN tuluyang humuhupa ang emosyong nararamdaman ni Richell ay agad siyang natigalgal dahil sa malakas na sigaw ng kanyang kaibigang si Valerie. Hindi niya alam ngunit sa klase ng sigaw nito ay mabilis na nilukob ng kaba ang kanyang dibdib.Humahangos itong tumakbo papalapit sa kanya habang dala ang flashlight nito. Naluha luha ang mga mata at nanginginig nang makalapit sa kanya."Ba-Bakit, Val?" Utal niyang tanong dito dahil sa nakakalulang kabang kanyang nadarama."A-Ang tatay mo, ang tatay mo," natataranta ito at halos hindi niya maintindihan ang sinasabi. "Na-Nasusunog ang bahay niyo," para iyong bombang sumabog sa kanyang pandinig.Tila siya pinagkaitan ng hininga sa puntong iyon. Nanginig ang buong kalamnan niya at tumakbo ng mabilis, ilang ulit siyang muntik na madapa ngunit pinilit ng tolero niyang isip na tahakin ang daan pauwi sa kanila."Si-Si tatay," bulong niya habang tumakbo. Wala siyang pakialam sa kanyang
HINDI MATATAWARAN ang sakit na nararamdaman ni Richell dahil hindi sa pagkawala ng ama. Akala niya masamang panaginip lamang ang lahat ngunit nang magising siya mula sa pagkahimatay ay mas lalong sumidhi ang kanyag pighati dahil totoo ang mga pangyayari.Her father is gone. Nanginginig ang kanyang kamay na tinanggap ang cremation urn na iniabot sa kanya ng kaibigan. Tumatangis rin ito ngunit walang katumbas sa kanyang pagtangis.Ilang ulit siyang nahimatay bago marating ang sala ng malaking bahay ng amo kung saan siya nanirahan simula pa kahapon. Dahil sa pagkasunod ng katawan ng ama ay pinili nilang icremate iyon imbes na magkaroon ng lamay. She can't take the idea of his death. Her father is her everything and now that he's gone her world is lifeless. "A-Ang ta-tatay ko," iyon nalang ang tanging mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Gulong gulo ang kanyang buong sistema at hindi na alam ang gagawin. Kahit ang proseso ng cremation ng kanyang
"BUO NA BA ang desisyon mo na dalhin siya sa Maynila?" Napalingon si Sais sa pinto ng silid na kinahihigaan ng dalaga. Nakita niyang nakatayo malapit sa pinto ang kanyang pinsan.Tumango siya. "Yes, aalis na kami bukas.""Wala talagang makakapigil sa'yo, ano?" Napangisi siya dahil sa tanong nito. "Ano nga ulit apelyido na'tin?"Nagtataka itong sumagot. "Of course, Castillion.""Exactly, may nagmahal na bang Castillion na nagpapigil o napigilan?""Wala," sagot nito."As if you are asking for a stupid question," naiiling niyang sagot at inayos ang kumot na nalukot dahil sa paggilid ng higa ni Richell. Hindi niya ito iniiwan habang natutulog dahil natatakot siyang managinip ito ng masama. He knows the feeling of being haunted by nightmares and sadness. And he don't want her to feel alone. Gusto niyang pagkagising nito ay siya agad ang makikita nito.This is the less thing that I can do for her. Aniy
NAGISING SI SAIS na madilim na ang kalangitan at malamig na ang simoy ng hangin. Malakas na rin ang huni ng mga kulisap at mga insekto. Kinapa niya ang dalaga sa kanyang tabi ngunit agad na napabalikwas ng bangon ng mapagtantong wala na siyang katabi."Little kitten," pagtawag niya ngunit katahimikan ang sagot sa kanya. Mabilis siyang bumaba sa kama at nagtungo sa banyo umaasang nandoon ito ngunit nanlumo siya ng hindi makita doon si Richell. "Damn, little kitten don't make me nervous like shit." Hinalughog niya ang buong silid at mas lalong nilukob ng kaba dahil hindi niya rin makita ang urn ng ama nito. Lumabas siya ng silid at tinawag ang kung sinomang pangalang mabigkas niya. Patakbo siyang bumaba ng hagdan at hinalughog ang bawat sulok ng bahay nila. Mas lalo siyang nanlulumo kapag hindi ito nakikita sa bawat silid na buksan niya."Mom, dad, Seven," sigaw niya matapos niyang puntahan ang garden."Jusko Sais diyes oras na ng gabe bakit s