Share

Chapter 13

"WAG po hindi ko na po kaya," pagmamakaawa ng babae. Tinakpan ni Syete ang kanyang tenga, nandoon na naman ang boses na pilit niyang tinatakbuhan.

Ayaw niyang marining 'yon, gusto niyang lumayo sa boses ng babae. Hindi niya kayang pakinggan ang pagmamakaawa nito gabi gabi.

"Parang awa mo na."

Napasabunot siya, pinagpapalo ang kanyang ulo para alisin ang nasa isip. Basang basa na ng pawis ang kanyang mukha. Mariin siyang napapikit.

"Lubayan mo ako," sigaw niya.

"SYETE! Syete, gumising ka." Napabalikwas siya ng bangon ng maramdaman ang malakas na sampal sa kanyang mukha.

Agad niyang iginala ang tingin sa paligid. Nang makita niya ang nag-aalalang mukha ni Maria, niyakap niya ito ng mahigpit. "Stay with me," bulong niya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Pawis na pawis ang buo niyang mukha.

Naalala niyang nasa loob sila ng tent. Hindi niya akalaing sa ganitong sitwasyon siya dadalawin ng masamang panaginip
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status