Share

Chapter 30

NAKAYUKO si Maria, nakakuyom ang mga kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. Walang ideyang pumapasok sa isip niya kung ano ang dapat sabihin kay Syete.

Napagpasyahan niyang dalawin ito bago siya umuwi sa kanilang probinsya. Tutol ang isipan niya sa desisyong ito ngunit hindi niya matiis ang puso.

Gulat na gulat ito ng makita siya. Mag-isa siyang dumalaw, ni hindi niya sinabihan ang kanyang abogado pati na si Tari kung saan ang punta niya. Hindi niya magawang matitigan sa mata ang binata, samantalang ramdam niya ang titig nito mula n'ong makita siya nito.

"Ku-Kumusta si baby?" Tumikhim pa ito ng ilang ulit, binasag ang katahimikan.

Nasa loob sila ng isang silid, nakaupo sa magkaharap na silya na pinapagitnaan ng lamesa. Huminga siya ng malalim bago tinatagan ang kalooban, tumingin sa mga mata nito.

Hinaplos niya ang tiyan. "Ayos lang siya, malusog at walang problema."

"Hindi ka ba niya pinapahirapan?" Nangangalumata ito, itim a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status