Share

Kabanata 46.2

Blair Castro

NAKAUWI ako sa bahay na iniisip pa rin ang naging reaksyon ni Dr. Marasigan matapos akong makilala. Hindi ko maintindihan ang dahilan ng ginawa niya pero malakas ang kutob ko na may itinatago siya. Kung tungkol saan ay hindi ako sigurado.

Bumuntong-hininga ako saka inayos ang mga cookies na ginawa ko. Inilagay ko ito sa lalagyan—siniguradong maayos at kaaya-kaya ang hitsura bago ko isinara ang lalagyan.

Lumabas ako ng kusina bitbit ang lalagyan ng cookies saka sumilip sa katapat ng bahay. Nakabihis na lumabas ng bahay si Lira at hindi ko alam kung sino ang kasama niyang lalabas.

Habang wala pa ang kasama niya ay dali-dali akong lumabas para lapitan siya. Agad niya akong nakita.

“Lira,” ngumiti ako.

Iniangat ko ang hawak ko. “Gumawa ako ng cookies. Pwede mo bang tikman?”

Tumingin s

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status