Blair Castro
MARAHAN kong pinasadahan ng daliri ang bawat letra ng pangalan ni Lira. Pakiramdam ko'y may kuryenteng dumadaloy sa daliri ko sa bawat pagsayad ng balat ko sa papel. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin sa kamay ko ang paghawak niya dito at nakikita ko pa rin sa isip ko ang matamis niyang ngiti lalo na nang sunduin siya ni Lukas kanina.
Bumuntong-hininga ako saka binitawan ang papel at lumingon kay kuya na kalalabas lang ng banyo. Nakasuot siya ng pants at simpleng sando habang tinutuyo ng tuwalya ang basa niyang buhok.
Bigo pa rin siyang makahanap ng clue tungkol sa umampon sa kambal dahil confidential raw ang impormasyon na iyon ayon sa nakausap niyang tao.
“Ano iyan?”
Napangiti ako kay kuya at ipinakita sa kaniya ang papel na galing kay Lira. “Pangalan ni Lira. Hiningi ko ito sa kaniya kanina matapos niyang isulat.”
“O
Blair Castro WALA akong imik na bumalik sa school matapos kong magpaalam kay kuya. Kumain naman na ako ng pananghalian kasama si Lira kaya tutuloy na ako sa school para sa susunod na klase ko sa isa pang section ng kindergarten na pang-hapon. Pagkatapos umalis ni Lukas kanina ay inaya ako ni kuya na kumain pero tumanggi ako dahil tapos naman na ako. Nawalan talaga ako ng gana at biglang nanghina. Ni hindi ko na naitanong kay kuya kung kumusta ang lakad niya—hindi rin naman siya nagsalita marahil ay sa pag-aalala. Literal na tulala ako. Hindi katulad kaninang umaga na magana ako sa pagtuturo, ngayon ay para akong lantang gulay. Nagbigay nalang ako ng assignment sa mga bata at hinayaan ko na silang maglaro. Kinuha ko ang cellphone ko saka pinakatitigan ang nasa lockscreen ko. Litrato ito ni Lira habang nakangiti siya at bakas sa mga mata ang saya. Kinuha ko ito sa social
Blair Castro NANG sumapit ang sabado ay hindi ko napigilang mapasimangot. Gusto kong lumipas na kaagad ang weekend para makita ko na ulit si Lira. Pagkatapos ng engkwento ko kay Lukas ay napansin kong mas maaga na itong dumarating para sunduin si Lira kaya hindi na ako nagkakaroon ng pagkakataon para makasama si Lira tuwing tanghali. Alas tres ng hapon nang mapagpasyahan kong lumabas muna. Agad akong naligo at nagbihis ng simpleng damit saka lumabas. Gusto ko muna sanang magliwaliw at kalimutan ang mga problema ko—kahit ilang oras lang marelax ko ang isipan ko. Pauli-uli lang ako sa mall. Naglalakad ng walang direksyon at napapatigil sa tuwing mapapadaan ako sa lugar kung saan may mga bata—saglit silang pagmamasdan saka muling maglalakad ng walang direksyon. Pumasok naman ako sa bookstore nang mapadaan ako dito. Nagtingin-tingin ako ng mga libro hanggang sa mapadako ako sa mga babasahin
Blair Castro“INUMIN mo muna ito.”May kaonting panginginig pa rin na kinuha ko ang iniabot ni kuya na tubig. Nakaupo ako sa sofa at hinang-hina na nakatingin sa kawalan. Matapos umalis ni Alicia na may iniwang banta ay nakaramdam ako ng labis na takot. Hindi pwedeng lumipas ang buwan na ito na hindi ko makakasama ang kambal. Kailangang masiguro ko ang kaligtasan nila.Narinig ko ang buntong-hininga ni kuya. Naupo siya sa tabi ko saka marahang hinaplos ang braso ko. Nilingon ko siya, pilit tinatagan ang loob ko dahil ayokong mag-alala siya.“'Wag kang mag-alala, Blair. Hindi ako papayag na saktan niya ang kambal.”Umiling ako. Walang nakasisiguro. Kilala ko si Alicia, alam ko ang takbo ng utak niya at kapag desperada siya ay hahamakin niya ang lahat.Matagal kaming natahimik ni kuya. Pumasok sa isip ko ang iba't-iba
Blair CastroNAKATULALA ako sa telescope na nakalagay sa may bintana ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at bumili ako nito. Nananaig sa puso ko ang pananabik na mabantayan si Lira at mali man ang ginagawa ko ay hindi ko mapigilan dahil pakiramdam ko'y tama ito—sa puso ko'y tama ang ginagawa ko.Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa telescope. Hindi ako sigurado kung makikita ko ba si Lira gamit ang bagay na ito dahil—una, hindi ko alam kung paano iaadjust ang mga nalakagay dito at pangalawa ay gabi na at nakikita kong sarado na ang ilaw sa bahay ni Lukas.Nang sumilip ako sa eye piece ay mariin akong napapikit at bumuga ng hangin. Tama ang hinala ko, wala akong makikita dahil madilim na sa mansion ni Lukas de Marco.Bagsak ang balikat na humilata ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Sinapo ko ang mukha ko at nagmulat ng mata saka natulala
Blair CastroSABAY kaming natawa ni Lira dahil sa pinapanuod namin sa cellphone ko. Nandito kami sa bleacher sa labas ng school habang hinihintay si Lukas. Nanunuod kami ng Red Shoes and the Seven Dwarfs at tuwang-tuwa talaga siya. Ang totoo ay kanina ko pa siya gustong ihatid pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong sumama na naman ang tingin sa akin ni Lukas.Nahilot ko ang sintido kong sumasakit. Mabuti nalang talaga at cancelled ang pasok ngayong hapon bilang paghahanda sa Family day bukas kaya magagawa ko ang gusto kong magpahinga at matulog dahil kulang na kulang talaga ang tulog ko.Napatitig ako sa kaniya nang hindi namamalayan. Bakit ba wala siyang nakuha sa akin kahit kaonti lang? Kahit labi lang sana para naman may kahit kaonti akong ebidensya na anak ko talaga siya. Umaasa pa naman kasi talaga ako na may makakapansin sa pagkakapareho namin pero wala naman pala siyang nak
Blair CastroHINDI ako sumabay kina Lukas gaya ng gusto ni Lira. Ayokong magkaroon ng problema sa pagitan naming dalawa ni Lukas kung sakaling hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan na naman si Lira. Pakiramdam ko'y mas lalo akong nagiging desperadang makuha ang mga anak ko at alam kong hindi na maganda ito—maaari akong mapahamak, maging ang mga bata.Habang tahimik akong nagmamaneho ay natanaw ko ang kotse ni Lukas na sumusunod lang sa akin. Napalunok ako dahil hindi pa rin kumakalma ang puso ko dahil lang nakita ko siya kanina. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na yata ako. Paano ako magkakagusto sa lalaking hindi ko naman pinapansin noon dahil abala ako sa sarili kong buhay?Nagkakilala na rin kami ni Lukas noong highchool dahil schoolmate namin siya ni Alicia. He's our senior at snob talaga siya. Masipag siyang mag-aral pero kataka-taka na palaging matamlay a
Blair CastroBAGSAK kaagad ang katawan ko nang makauwi ako sa bahay. Ni hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil sa pagod. Agad akong nakatulog sa unang pagpikit palang ng mata ko at nang magising ako ay umaga na. Mabuti nalang talaga at walang pasok ngayon dahil sabi ng Principal ay tiyak raw na pagod ang mga bata dahil sa event kahapon.Tamad pa rin na naligo ako at nagbihis ng pambahay saka bumaba. Tamang-tama naman na may narinig akong katok sa pintuan. Kunot-noo akong lumapit doon at pinagbuksan ang kumakatok.“Good morning, teacher!”Napakurap-kurap ako habang nakatingin kay Lira na nakatingala sa akin. Ngiting-ngiti siya habang may hawak na plato na may lamang dalawang pancake. Umawang ang labi ko kasabay ng pagkalam ng sikmura. Mukhang masarap kasi 'yung pancake lalo na't may chocolate syrup sa ibabaw.Kumislot ako nang hawakan ni L
Blair CastroNAGISING ako ng alas kwatro ng madaling araw na may pumipintig na sintido. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakasalpak sa gitna ng kama saka sinapo ang ulo ko. Napangiti ako nang maamoy ko ang sarili kong hininga dahil amoy alak pa rin ako at hindi talaga maganda iyon sa pakiramdam.Agad akong dumiretso sa banyo at naligo. Habang nagsasabon naman ako ng katawan ay pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi bago ako matulog pero wala akong maalala kahit anong piga ko sa utak ko.Halos kalahating oras rin ang itinagal ko sa pagligo. Nang matapos ay agad akong nagbihis at suot ang uniform ay lumabas ng kwarto bitbit ang bag ko. Magddrive thru nalang ako para sa almusal dahil wala naman akong stock na lulutuin. Nang lumabas ako ng bahay ay hinagis-hagis ko pa ang susi ng kotse sa kamay ko habang palabas ng gate pero natigilan ako nang makitang may nakat