Napahigop ako sa aking mainit na kape habang tinitingnan ang mga litrato na nakuha namin sa crime scene. Halos pinaliguan nang bala ang biktima sa kanyang katawan. Isa sa ulo at siyam sa kanyang dibdib.
Hindi ito homicide, talagang may galit ang suspek sa taong ito. Sabi din sa autopsy ay dalawang araw na daw ang bangkay mula nang may nag-report nito at natagpuan namin sa abandonadong gusali.
“Mukhang busy talaga ang kapitan namin ha.” sabi sa akin ni Celyn habang may bitbit nang supot na tinapay.
“Ito oh. Miryenda. Huwag kang mag-alala, libre ko na yan. Nakuha ko na kase ang bonus natin.” Pangiting inabot niya sa akin ang isang pandesyal. Tinanggap ko naman ito gamit ang aking palad.
“Sampung bala,” bulong ko sa aking sarili habang tinitingnan nang maigi ang mga litrato. Napahinto ako sa aking pagtitig nang kinalabit ako sa balikat ni Celyn at inutusan na kumain muna ako dahil alam niyang hindi pa ako nag-a-agahan.
Si Police Lieutenant Celyn Cruz ay ang aking kaibigan, simula nang nakapasok kami sa loob ng pagiging pulisya. Siya ang naging buddy o partner ko sa training, mas naging ahead nga lang ako sa rank pero hindi pa rin nagba-bago ang aming pagkakaibigan.
“Sampung bala Celyn. Hindi ko akalain na ganito ang gagawin nang suspek sa biktima at isa pa, tingnan mo nga ang mga braso at hita nito. Pinag-pu-putol pa,” wika ko kay Celyn.
“Sigurado akong tama ang hinala mo na matindi nga ang galit nang suspek na yan. Hindi ka naman talaga nagka-kamali eh,” sagot niya sa akin. Napatigil kami sa gitna nang aming pag-uusap nang pumasok sa aking office ni Patrolman Richard Samili na may dalang papel. Nagbigay saludo sa akin at kay Celyn.
“Ma’am? Andito na daw po ang magiging kasama natin sa pagresulba nang kaso,” anito sa akin. Ibinigay niya ang hawak niyang papel at tiningnan ko ang nakapaloob dito.
“Police Major Alexander Dawson.” Ang pangalan nang isa pa namin kasamahan sa SCI.
“Darating na rin po siya bukas para makita ang mga litrato at iba’t ibang dokumento patungkol sa krimen na nangyare,” dagdag niya pa sa akin. Bukod kay Patrolman Richard. Kauna-unahang lalake na papasok sa aking team galing ibang station.
“Sige, maaari ka nang umalis kung wala ka nang gagawin pa dito Patrolman Samili,” sabi ko sa kanya. Muling nagbigay saludo siya sa akin at nagpaalam na aalis na siya sa aking opisina.
Ibinaba ko ang dokumento na hawak ko patungkol sa bago namin na makakasama sa pagresulba nang krimen. Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa mga impormasyon na nakalap namin sa mga tauhan na nakakakilala sa biktima.
Robert Malinao, apat na put isang taong gulang, kasal, nakatira sa Sta. Ana Del Monte Street, isang sikat na business man at may anak na isa. Lumabas na rin ang resulta sa forensic ballistic patungkol sa examination ng bala.
Sinabi sa akin ni Lucy na isang forensic expert na ang bala ay galing sa 9mm Glisenti. Nalaman niya ito dahil sa diameter nang bullet na 9.02 (.355) at ang case length nito na 19.15 (.754).
Nakakasiguro daw siya. Tinanong ko kung may nakuhang code sa bullet o serial number na kung saan pwede namin malaman kung anong shop binili ang bala, baka kase makakuha kami nang impormasyon kung sino ang bumili nito.
Wala daw siyang makitang ibang impormasyon sa isang modern centerfire cartridge bala kundi ang haba ng case at diameter lang nito. Ang sukat nang bala at ang case nito ay halos tugma sa murder weapon na 9mm.
Inabot ko kay Celyn ang isang litrato kung saan nangyare ang krimen. “Alam ko may mga cctv dito. Pwede mo bang ihack ang linya ng cctv doon?” tanong ko sa kanya.
“Ang abandonadong gusali na ito ay medyo malayo sa kabahayan. Titingnan ko kung ano ang mga nahagip nang cctv sa bawat bahay at sulok bago makarating sa gusaling iyan,” sagot sa akin ni Celyn.
Hindi lang din isang kaibigan at pulis opisyal si Police Lieutenant Celyn Cruz. Dahil nakapagtapos ito sa kursong information technology kaya magaling din siya sa mga pasikot-sikot sa loob ng mga server.
“May mga security ang mga cctv nila, medyo matatagalan ako sa pagpasok sa kanilang system,” Anito sa akin.
“Mga ilang oras ang ka-kailangan mong gugulin para tuluyang makapasok sa loob nang cctv system nila?” tanong ko kay Celyn. Napahawak ako sa aking sentido habang nagbabasa nang mga ibang impormasyon patungkol sa murder case ni Robert Malinao.
“Mayroong limang bahay na may cctv bago makarating sa mismong pinang-yarihan nang krimen. Siguro mahigit isang araw ito, pero susubukan ko ngayon,” sagot niya sa akin.
“Ayaw kaseng magpa-unlak nang mga may-ari nang bahay na may cctv. Ang sabi nila ay wala naman silang kinalaman sa krimen. Dagdag pa nila ay wala silang cctv kaya wala tayong dapat hingiin sa kanila. Okay lang, hindi natin sila pipilitin. Naiintindihan ko ang kanilang sitwasyon,” ani ko kay Celyn habang tutok siya sa kanyang laptop.
Nagkita kaming muli sa headquarters kinabukasan. “Unsupported files, lahat. Wala akong nakalap ni isa, maaaring na delete na nila lahat. Wala na akong magagawa dito Luna,” malumanay na sabi sa akin ni Celyn.
“Shit.” Napayuko ako sa aking lamesa dahil halos wala kaming makitang lead sa crime scene. Walang mga finger prints o kahit anong identity na pwede namin makuha upang matunton ang salarin. Gustong kumilos nang aking katawan at gawin lahat nang aking makakaya sa kasong ito pero hindi namin alam kung paano ito sisimulan.
Inangat ko ang aking ulo nang may biglang bumukas nang pinto at iniluwa si Patrolman Richard Samili. “Good morning Ma’am Enriquez,” bati niya sa akin sabay binigyan niya ako nang pagsaludo.
“May nakuha ka ba nang magagamit natin sa kaso?” tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa at isinalaysay niya ang kanyang nalaman sa pamilyang Malinao. Binigay niya sa akin ang kanyang tickler at pinabasa sa akin ang mga sagot nang pamilya nang biktima.
“Sinabi nang kanyang asawa ay wala naman daw naikwento si Mister Malinao sa kanya kung may kaaway ba ito. Tinanong ko rin kung may kakaibang bang kinikilos ang kanyang asawa bago mangyare ang krimen. Ang sagot niya sa akin ay wala naman daw. Puro trabaho at pamilya lang naman ang inaalala niya. Hindi niya daw lubos maisip na ganito sasapitin nang kanyang asawa sa araw ng bagong taon,” sagot sa akin ni Richard.
Hindi ko maiwasan na mainis dahil wala kaming makitang lead. Walang silbi ang mga balang naiwan kung hindi man lang ito matutukoy kung sino ang pumatay. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang aking mata. “Richard? Pwede bang ipagtimpla mo ako nang kape?” paghingi ko nang pabor sa kanya. Sinunod niya naman agad nag aking utos. Napahawak ako sa aking ulo at hinilot-hilot ang aking sarili.Pagbalik ni Richard ay may kasama na siyang ibang lalake na pumasok sa aking office. “Ma’am ito na po ang kape niyo. May ipag-uutos pa po kayo?” tanong niya sa akin sabay ipinatong ang baso sa aking lamesa.“Salamat, gusto kong maghanap ka pa nang mga kamag-anak nang biktima o kaya naman ang kapatid niya, baka kase may alam sila patungkol sa krimen na nangyare,” sabi ko sa kanya. Agad naman lumabas si Richard sa aking opisina at ginawa ang aking pinag-uutos.Binigyan pansin ko ang lalake na pumasok kasama ni Richard dito.
Makalipas ang isang linggo na walang usad ang kaso ay tumambad sa aking lamesa ang isang pang murder case. “Ano to?” tanong ko kay Richard.“Bagong kaso po ma’am. Inutusan po ako ni Police Colonel Santos na ibigay sa ating headquarters ang kaso na ito,” sabi niya sa akin.Hindi ko naman masisisi si Colonel Santos dahil alam kong malaki ang tiwala niya sa namin na Special Crime Investigation. Pero hindi ko rin inaasahan na magkakaroon ulit agad nang panibagong murder case na kailangan maresulba.Hinawakan ko ang papel na nakalapag sa aking lamesa at binasa ang nakapaloob dito. “Emilio Perez, apat na put anim na taong gulang, kasal, nakatira sa Sta. Lucia Del Monte Street, isang business man na may apat na anak,” pagbabasa ko. Napahawak ako sa aking sentido dahil biglang sumakit ang aking ulo.Napatayo ako sa aking kinauupuan nang biglamg pumasok si Alexander sa pintuan nang hindi man lang kumakatok. &
“Bakit mo naisipang itanong sa kanyang motibo nang krimen?” tanong ko kay Alex. “Nagkaroon sila nang alitan nang kanyang asawa at sinabi niya pa na may babae ang kanyang mister. Posibleng paghihiganti, galit o puot ang nararamdaman niya nang malaman niya ito. Posible din na siya ang pumatay sa kanyang asawa. Sinusubukan ko lang siyang hulihin siya. Pero natunugan niya ako,” sagot niya sa akin. “Sabagay may punto ka rin, kaso lang sa iyong tanong ay hindi na tayo makakabalik sa bahay niya,” ani ko sa kanya. “Wala siyang magagawa, oras na malaman natin ang totoo, siya man o hindi ang pumatay ay magkikita pa rin tayo sa korte para ihain ang kaso na kinakasangkot nang suspek ngayon,” sagot sa akin ni Alexander. Muli kaming bumalik sa kanyang kotse at pumunta sa address na binigay sa amin ni Misis Perez bago niya kami palayasin sa kanyang bahay. Kumatok kami sa kanyang pinto nang nasabing babae ni Mister Perez at pinagbuksan kami nang isang singkit
Gabi na ako nang nakauwi sa aking bahay binuksan ko ang telebisyon at pinapanood ang mga kapulisan na kinu-kolekta ang mga bala na naiwan sa krimen.“Ang tatanga niyo naman!” Sigaw ko sa kanila habang umiinom nang alak sa loob nang aking kwarto. Inilipat ko nang ibang channel ang telebisyon at napanood ko rin ang mga pamilyang nagpo-protesta sa mga kapulisan sa kadahilanang hindi pa umuusad ang kaso.“Mga inutil! Dapat lang sa kanila ang mamatay. Hindi binubuhay ang mga taong kagaya nila.” Nagpakawala ako nang isang malakas na halakhak habang pinaglalaruan ko ang baril sa aking kamay.“Hanggang kailan kaya nila malalaman ang totoo? Hanggang kailangan pa kaya sila iikot sa krimen na ginawa ko?” bulong ko sa aking sarili. Dalawang tao na ang napabagsak ko. Ilan pa kaya ang kulang? Hindi na ako makapag-hintay na ubusin silang lahat.Kinabukasan ay nag-jogging ako papuntang sementeryo at hinanap ang dalawang puntod nila Rob
Isang buwan na walang usad ang kaso. Napapa-isip nalang ako kung paano mare-resulba ang krimen na ito. Naisip ko rin kung kailan kaya muling aatake ang killer sa kanyang mga target. Hating gabi na at hindi pa rin ako mapakali sa kai-isip kung ano ba talaga ang motibo sa sa krimen.Tumayo ako sa aking pagka-higa dahil gusto kong uminom nang gatas. Nag-lakad ako papuntang kusina at nag-timpla.Huminga ako nang malalim at inilapag ang isang bagong gatas sa aking lamesa. Tumungo ako sa loob nang aking kwarto at kinuha ang aking laptop saka bumalik sa may kusina. Binuksan ko ang aking laptop at muling tiningnan ang iba’t-ibang kuha nang litrato sa crime scene. Hindi pa rin maalis sa isip ko na baka isa itong series murder.Una, sampung bala at pangalawa ay siyam na bala ang nakuha sa loob nang crime scene at ang dalawang ito ay may tama sa kanilang ulo.Napa-hinga ako nang malalim
Pinanood namin ang video. Nakita ko ang isang tao na pabalik-balik sa abandonadong gusali sa lugar na kung saan pinatay si Mister Robert sa mga oras na bandang ala dyes hanggang alas dyes trenta. “Ito lang ang nahagip nang cctv at wala na?” tanong ko kay Celyn. “Wala na akong makita. Sinubukan ko pang mga hanap pero ito lang ang na-recovered ko. Mukhang sinadyang burahin nang mga may- ari nang cctv ang mga record nila para hindi sila masangkot sa kahit ano mang pangyayare,” sagot sa akin ni Celyn. “Kailangan natin matunton at malaman kung sino man ang tao na iyon,” sabi ko sa kanila. “Ako na pong gagawa Captain Enriquez,” pagbu-boluntaryo naman ni Richard. Ngayon ko lang napapansin si Richard na mag-mula nang sumama din siya sa aming team. Masipag siya at mapag-matiyag kaya pala inilagay siya sa amin ni Colonel Santos.
Day off ko ngayon at na-gising ako sa isang tawag galing kay Lucy. Sinabi niya sa akin na may nadiskubre pa daw siyang pwedeng mag-bigay nang lead sa killer. Nang dumating sa aking condo ang papel na nagla-laman ng blood type nang magka-ibang tao ay doon ko na kinuha ang aking cellphone para tawagan si Luna. Mas mabuting malaman niya ito dahil kailangan niya rin nang ideya. Ayokong pakawalan ang kaso na ito at pursigido akong masara ang kaso. Nang makarating na dito so Luna ay sinabi ko sa kanya ang aking nalalaman at sinabi ko rin sa kanya na kailangan namin pumunta sa bahay ni Misis Elena Malinao. Andito na kami sa kanilang bahay at naka-harap na namin ang isang may edad na babae. “Andito kami para i-hatid sa inyo ang isang magandang balita. Nagkaroon na kami nang panibagong lead sa pagkamatay nang iyong asawa na si Mister Robert Malinao,” pagsasaad sa kanya ni Luna. “Maramin
“Salamat sa impormasyon Richard umupo ka muna dyan sa iyong silya at tulungan si Ma’am Celyn kung ano man ang ipaga-gawa niya sa iyo,” sagot ni Luna sa kanya. Nag-padala pa pala si Colonel nang isa pang kasamahan namin. Napatayo kaming lahat nang dumating ang isang lalake na kasing tangkad ko.“Hi! I am Austin Gray. Pinadala ako ni Colonel Santos para tumulong sa pag-usad nang kaso, nakita ko na rin ang background nang dalawang biktima at nakakuha na rin ako nang copies sa lahat ng mga dokumento nila,” sabi niya sa amin. Inabot ko ang aking palad para makipag-kamay sa kanya.“I’m Alexander Dawson, Alex nalang,” pagpaki-kilala ko sa kanya at ganun din ang mga kasamahan ko sa loob. Lima na kaming lahat para mag-tulong-tulong upang umusad lang ang kaso. Umaasa kaming lahat na any