Share

Chapter 8: Nervous

Cheya Santia

Nakahinga ako ng malalim ng maamoy ko ang simoy ng hangin na mula sa maynila.

This is it.

Hmm...

Eto ang gusto ko noon pa man, ang makalayo at makahinga sa mabibigat na tingin ng mga taong nakapaligid sakin.

"We're here. For now dun muna tayo didiretso sa bahay ng kaibigan ko, alam nya na dun ako titira pansamantala pero hindi nya alam na may kasama ako" paliwanag ni Rendell.

Napaisip naman agad ako.

"Baka di yon pumayag, you know, babae kami tas lalake kayo, baka magalit?" nahihiyang sambit ko sa kanya.

"Nah. Yup masungit yon pero sure akong papayag yon. Trust me" sabay ngiti nya ng malapad kaya napangiti rin naman ako.

Nagkibit balikat na lang ako tsaka kami pumara ng taxi.

"Hoy Rendell! Wag mong ngiti-ngitian si Cheya jan! Taken na yan!" sigaw ni Trimma kay Rendell na nasa tabi ng driver netong taxi.

Agad namang napaharap sakin si Rendell.

"Really?" tanong nya.

Agad naman akong umiling-iling.

"Wala" maikling sagot ko.

"Asus! Jan nagsimula ang lolo at lola natin Rendell" natawa naman kami sa sinabi ni Trimma.

"Hindi ko type si Cheya, Trimma" napa ismid naman ako sa sinabi ni Rendell "Ow, don't get me wrong ha. You're beautiful. At sobrang ganda mo talaga. But my type is really something unique. Hindi ko alam pero iba talaga ih" paliwanag nya na tinanguan ko lang.

"Tsk! Kapal neto! Gwapo ka?! Ha?! Grasya na kaya pag nakuha mo si Cheya tas ikaw sasabihin mo lang na dimo sya type?! What are you kuya Rendell?!" sigaw nya kaya napa iling na lang ako.

Huminga na lang ako ng malalim at pinikit ang aking mata.

That's fine. Wala naman din kasi akong planong mang entertain ng lalaki.

Napahinga ako ng malalim ng huminto ang taxi na sinasakyan namin sa isang bahay.

I mean, parang malaki sya at maganda talaga.

Nang makababa na kami ay agad yong binayaran ni Rendell. Mag aabot sana ako ng pambayad pero tinanggihan nya agad iyon.

Agad na pinindot-pindot ni Rendell ang doorbell.

Naka-ilang minuto pa bago may lumabas na guard.

Hindi ko na nasundan ang nangyare, basta ang alam ko na lang ngayon ay nakahiga ako at nagpapahinga dito sa malambot na kama.

Tok

Tok

Tok

Pinilit kong idilat ang mga mata ko ng marinig ko ang mga mumunting katok na yon mula sa nakabukas na pintuan netong kwarto.

Doon ay nakasandal si Rendell habang ina-ayos ang suot nya. Agad syang ngumiti sakin ng makita nya ang pagmulat ko.

"Sorry kung ginisng kita, dipa kasi kayo nag hahapunan ni Trimma. I'm just worried. Kain na muna kayo?" mahinang sabi nya.

Agad naman akong napatingin sa katabi ko.

"O-ow" kinusot-kusot ko ang mata ko sabay upo ko.

"Sunod na lang kayo sa baba, naka-ready na yung pagkain don. May pupuntahan lang ako habang yung may-ari naman netong bahay ay may trabaho at hindi dito tumutuloy" paliwanag nya.

"S-sige, gisingin ko lang to si Trimma tas bababa na rin kami" nginitian nya lang ako sabay alis nya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ko tinapik-tapik ang balikat ni Trimma na katabi kong nakahiga dito sa kama.

Ilang tapik pa bago sya nagmulat-mulat.

"Hey preggy, gising na. Kain na tayo" pang aasar ko sa kanya.

Agad nyang kinuha yung unan sa ulo nya staka nya to hinampas sakin.

"Wag mo kong simulan Cheya" agad nyang kinusot ang mga mata nya tsaka sya tumayo at inayos din ang sarili "Si Kuya Rendell?"

"May pupuntahan daw" sambit ko sabay labas ko atsaka ako dumiretso sa baba.

Grabe. Ang ganda talaga dito.

Napaka old ng design pero maganda dahil refreshing sa mata.

Ang ganda ng ayos. Basta ang ganda.

Pinapaalala sakin ng bahay nato ang pinagmulan ko. Ang Queencess Teresa.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Ngayon ko lang to napagmasdan ng maayos dahil kanina ay agad kaming pinapasok ng guard ng marining nya ang pangalan ni Rendell tas pinagpahinga agad kami ni Rendell sa isang kwarto kaya yon. Nakatulog kami ni Trimma.

Nang makababa ay naamoy ko agad ang bango ng pagkain.

Hmmm...

Sino kayang nagluto?

Agad akong naglakad papuntang kanan kung san ko naaamoy ang pagkain.

Nang makarating ako ay agad akong natigilan.

Ow! Andaming pagkain!

Dali-dali akong naglakad papunta sa mesa tsaka ko sinandukan ang plato sa harap ko at katabi ng plato ko para kay Trimma.

Shocks! Gutom na ko!

NANG matapos kami sa pagkain ni Trimma ay agad kaming nag-asikaso para sa pagpasok namin ng unang araw sa trabaho.

Sa restau kami na pagmamay ari ng kaibigan daw ni Rendell na may ari daw netong tinitirhan namin ngayon.

"Sanaol maganda" biglang sambit ni Trimma ng makalabas ako ng kwarto.

Agad ko naman syang nginitian.

"Maganda ka rin kaya" sambit ko sa kanya.

Agad naman syang ngumisi sabay flip nya ng hair nya.

"I know right!" napatawa ako sa sagot nya.

Sinuot ko muna yung flatshoes ko staka ako lumabas at agad namang sumunod sakin si Trimma.

"Sang restau ba?" tanong ko sa kanya.

"CosaRida daw. Dunno. Basta yon" sabi nya sabay para ng taxi.

"Ahh" tango-tango ko lang sabay suklay ko ng buhok ko gamit ang mga kamay ko.

Nang may humintong taxi sa harap namin ay dali-dali kaming sumakay sa likod.

"Kuya sa CosaRida po" sambit ni Trimma ng makasakay kami na tinanguan lang ng driver sabay paandar nya ng taxi.

Nanliit ang mga mata ko ng titigan ako ni Trimma mula ulo hanggang paa.

What's wrong with her?

"Ibang-iba ka simula ng una kitang nakita." sambit nya habang nakangiti kaya lalong nakunot ang noo ko.

"Panong iba? God! Tumaba ba ko?" natataranta kong tanong.

Need ko na bang mag diet?

"Nah" sabay wagayway nya ng kamay nya "Mas simple ka lang ngayon. Hayst! Maganda pa rin kahit simple. Sanaol!" sabay sandal nya sa sandalan dito sa inuupuan namin.

"God Trimma, maganda ka nga! Wag ka ngang ano jan" sabay sandal ko rin sa sandalan.

Napahinga ako ng malalim.

Namutawi ang katahimikan saming dalawa pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sa sobrang tahimik, piling ko yung tibok lang ng puso ko yung naririnig ko dito sa loob ng taxi ih.

"Kinakabahan ako" napatingin ako kay Trimma.

And yeah! Kinakabahan din ako pero ayokong sabihin dahil lalo akong kakabahan.

D*mn! I thought ako lang ang kinakabahan pero ng malaman kong kinakabahan din si Trimma ay parang dumoble ang kabang nararamdaman ko

"Same. But please wag ka na lang maingay. Kinakalma ko yung sarili ko" sambit ko sabay pikit ko.

This is my first work here.

First adventure kumbaga, first experience at kinakabahan talaga ako ng sobra!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status