Share

CHAPTER 19

Binayaran ko muna si manong driver bago ako sumilip sa loob. Abalang-abala si Josh sa pag-i-entertain ng mga nagbabayad sa counter.

Pinili kong maupo sa pwesto na malabo niyang makita para magawa ko siyang pagmasdan. Tila kalkulado bawat galaw ng kamay at katawan niya. Sobrang focus niya mag-trabaho. Salubong ang kanyang kilay pero sobrang nakaka-attract talaga ang kulay berde niyang mga mata.

Sabi nila napaka-rare na magkaroon ng ganoong kulay ng mga mata. Kanino niya naman kaya iyon namana?

Nang makatitigan ko kasi si father-in-law ay itim na itim naman ang bilugan niyang mga mata. Hindi kaya kay mother-in-law? Pero hindi ko pa siya nakikita in person. Nagtatarabaho kaya si mommy sa abroad? Isa ba siyang OFW? Napahagikgik na lang ako nang mapagtanto na 'mommy' ang tawag ko sa mama ni Josh.

Hindi bale, soon magiging mommy at daddy ko na rin sila.

Maya-maya pa ay napagtanto kong wala pa nga pala akong f******k account. I need to create one para ma-stalk ko ang f******k account ni Josh.

Mabuti na lang at may pa-wifi rito sa 7-eleven kaya naki-connect ako at nag-search sa g****e kung paano gumawa ng f******k account. Nang ma-search ko ay gumawa muna ako ng g***l account saka iyon ang ginamit ko for my f******k account.

Napahagikgik ako nang lumabas ang account ni Josh pagka-search ko. Ngunit napanguso rin dahil wala man lang atang ibang laman iyon kung hindi ang kanyang profile picture na kinunan pa 1 month ago.

Sa picture na iyon ay may hawak siyang gitara habang nakapikit.

Nakasuot siya ng kulay blue na hoodie. Mukhang mahilig talaga siya magsuot no'n. Na-curious tuloy ako bigla kung sino ang kumuha sa kanya ng litrato.

Is it Tamara?

I just shrugged that thoughts and I immediately saved his photo at ginawan ko pa talaga siya ng album sa gallery ko. Saka tumingin ulit ako sa gawi niya. Nilingon-lingon ko pa ang paligid ko kung may nakakapansin ba sa mga pinagaggawa ko pero mukhang abala naman sila sa mga kanya-kanyang ginagawa.

Kaagad kong pinindot ang camera sa phone ko saka palihim na kinunan siya ng litrato. Siniguro kong siya lang ang makukunan ko at walang mga photo bomber kahit saan. Nang makuntento ay tumigil na rin ako saka ang profile picture niya na lang sa f******k ang ginawa kong homescreen at namili ako sa mga kinunan kong litrato niya at iyon naman ang ginawa kong lockscreen.

Nag-selfie na rin ako saka ko ginawang profile picture. Ginawa ko iyong private at nang makuntento ay binisita ko ulit ang f******k account ni Josh saka ko na siya in-add. Pagtingin ko ulit sa kanya ay wala na siya sa counter. I was about to panick nang makita ko siyang lumabas nang staff room. Nakasuot na siya ngayon ng kulay orange na hoodie. Kaagad kong tinakpan ng buhok ko ang kabuuan ng aking mukha nang lumabas na siya ng 7-eleven. Hinintay ko munang makalayo siya bago ako tumayo at sundan siya.

Ayoko na ring magtagal dito dahil baka dumating na rin si Jam. Shift pa naman niya after ni Josh.

Siniguro kong may kalayuan ang pagitan naming dalawa, para in case man na lumingon siya ay makakatago kaagad ako. Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya nang bigla siyang huminto dahil may yumakap sa binti niya na isang batang babae. Medyo malayo ako kaya hindi ko marinig ang sinasabi no'ng batang babae.

Ngunit hindi ko napigilang mapangiti nang lumuhod si Josh saka neto ginulo-gulo ang buhok ng bata. I don't know why but this scene makes my heart melt.

Paano kaya in the future magkaanak kami ni Josh? Magiging ganito rin ba siya ka-sweet sa anak namin?

Bakit? Siguro ka bang ikaw ang magiging asawa niya in the future? Napanguso naman ako dahil sa isinigaw ng kabilang bahagi ng utak ko. Sisiguraduhin ko talaga na ako ang magiging future wife niya. Dahil nakikita ko na ang sarili kong nagpapakasal sa isang Joshua Arcel Gonzales. Kung hindi man siya ang mapapangasawa ko, mas mabuti pang mag-madre na lang ako.

Nabalik lang ako sa reyalidad nang biglang sumigaw si baby girl. Masyadong malakas iyon kaya hanggang sa pwesto ko ay dinig ko.

"One day, I'll marry you!"

Kitang-kita sa mata ng bata ang determinasyon habang narinig ko namang natawa lang si Josh sa naging pahayag ni baby girl.

Talagang ako pa ang aagawan niya? Hindi pwede iyon! Ako lang ang future wife ng honeybunch ko. Pwede naman namin siyang ampunin bilang anak, pero ang maging future wife ng future husband ko? It's a no for me!

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mas lumapit sa pwesto nila pero siniguro kong hindi ako mapapansin ni Josh. Gusto ko lang talagang marinig ang magiging sagot niya.

"Eat vegetables and fruits first, before you marry me. And no to junkfoods. Okay?"

Tuluyan na talagang nagsalubong ang kilay ko. Ano 'yon? Binibigyan niya ng chance ang bata na pakasalan siya tapos ako ayaw niyang sagutin? Alam kong bata lang ang kausap niya at mali ang mang-away ng bata. Pero nakakainis lang na mas may chance pa si baby girl kesa sa akin.

Maya-maya lang ay dumating na ang mama no'ng bata. "Pasalamat ka baby girl at dumating na ang mama mo kung hindi ay baka na-kidnap na kita at ipagbenta sa iba," nakangusong bulong ko sa aking sarili.

Nagpaalam lang silang tatlo sa bawat isa. Pagkatapos nagsimula na ulit maglakad si Josh, habang ako ay bumuntot pa rin sa kanya. Medyo nawala ako sa sarili dahil sa naging sagot niya sa bata. Kaya hindi ko namalayang huminto na pala siya sa paglalakad, kaya ang naging ending ay nauntog ako sa likod niya. Bigla ay nasapo ko ang ilong kong tumama sa malapad niyang likod.

Muntik ko nang hilingin sa lupa na kainin na lang ako nang tuluyan na siyang humarap sa akin. "Hanggang kailan mo ako balak sundan?"

"Hindi naman kita sinusundan, ah!" pagsisinungaling ko saka ko iniwas ang tingin sa kanya.

Nakita ko naman mula sa peripheral vision ko ang pagtaas ng kanyang kilay.

"I swear, hindi talaga. Nagkataon lang na pareho tayo ng daan na pupuntahan."

Tumango-tango naman siya saka gumilid. "Kung hindi mo talaga ako sinusundan ay mauna ka na."

Nakagat ko naman ang labi ko saka unti-unting naglakad. Hindi ko alam kung saan na papunta ang daan na ito. Kaya kesa maligaw pa ako ay napagpasyahan ko nang umamin at huminto na lang sa paglalakad.

I admit my defeat.

"Tama ka. Sinusundan nga kita."

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya pero kaagad din iyong nawala at napalitan ng pagkunot ng kanyang kilay. "Why are you stalking me?"

"I'm not stalking you. I'm chasing you."

Balak na sana niya akong iwan pero naging mabilis ako dahil kaagad kong nahawakan ang dulo ng hoodie niya. Napalingon muli tuloy siya pabalik sa akin.

"B-bakit?"

"Anong bakit?" tanong niya rin pabalik.

"Bakit gano'n ang sinagot mo sa bata? Talaga bang mas may chance pa siya sayo? Siya pwede mong maging asawa tapos ako hindi mo pwedeng maging gilfriend? Ni hindi mo nga magawang masuklian ang feelings ko. Ano bang meron sa batang iyon na wala ako?" paghihimutok ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status