Share

Chapter 4: About Deluco Titans

CASSANDRA

"Four, five, six, seven, kick, point side..." From the white wall, wearing white bikini; the design is quite revealing, pero may suporta akong hip craft na sigurado namang maalis rin mamaya, sinusunod ko ang dikta ng baklang instructor. "...cross legs, ikot!"

Umikot ako and pointed my right toe to the right side when he said, "Point side!" and, "Untie craft!" Kinalas ko ang hip craft sa baywang ko as he says, "Ikot!" Umikot ako. "And pose!" I followed. Ginawa ko iyon sa loob ng ilang segundo lamang. Pumalakpak siya at sinabing, "Perfect!"

Nangibabaw ang palakpakan mula kay miss Miles, at sa dalawa kong kaibigan. Huminga ako nang malalim upang ibsan ang naghuhuramentadong tibok ng puso ko.

Maraming kapwa ko models ang nanonood sa performance ko. Hindi ako confidence kung magaling ba talaga ako pero masasabi kong nasunod ko lahat ang on the spot na sinasabi ng instructor sa bawat segundo.

Tumalikod ang instructor at nangibabaw ulit ang boses ng sabihin niyang, "Again!" Akala ko tapos na. Pero may hinila siyang babae na katulad kong model rin. "Tingnan natin kung sino sa inyo ang mas mabilis makaintindi."

Shit challenge! Tumingin sa akin ang babae. Shempre maganda siya, sexy matangkad mas lamang lang ako ng kunti pero pasok pa rin siya sa tall average ng mga modelo. Malamang, kaya nga siya nandito.

Straight ang buhok niya, halos parehas lang din kami, pati bikini na suot namin walang pinagkaiba since ito ang uniform namin. Sa mukha lang talaga kami makikilala. May kasingkitan ang kaniyang mga mata, cute ang mga labi pero bongga kung ngumiti.

I've seen her on posters, brochures, I'm sure one of the companies in the city has her. Ibig sabihin kabilang na siya sa mga sikat na modelo. Ginantihan ko siya ng pagngiti bago bumalik kasama niya sa dulo.

Narinig ko ang tikhim niya. Pasimple ko siyang binalingan ng tingin na siya ring ginagawa niya sa akin. I'm curious what she thinks about me. Maybe later, she will consider me as her competitor.

"Pose!"

I gasped as the instructor's voice echoed again. I adjusted my pose, placing my right hand on my waist while pointing one foot forward. "Ready!"

Hindi ako kinakabahan dahil sa mayroon akong kalaban ngayon na posibleng ikokompara ako. Mas kabado ako sa future. I still think about Tres how he ended up in the Deluco Titans and he's one of the judges, fuck!

I immediately stepped forward in a kicking way of stepping to maintain the power of beauty; be it movement or facial expression when the instructor started counting again.

I caught sight of the director's crosses his arms across his chest as if he was observing our actions. There was a woman next to him who he was also talking to. Siguro mga nasa 30 na rin ang edad ng babae.

"To the left! Ikot and Ikot and Ikot again!" Favorite steps ko talaga ang umikot, lalo na't papunta sa kaliwa at nagpose nang sabihin niya ito. "Point! Cross legs right, ikot ulit! Ikot pa! And last ikot, now pose!"

Dinaan ko na lang sa matamis na ngiti ang kamuntikan nang pagkawala ng balanse ang kasama ko. Alam kong nahihilo na siya at napapansin na rin ng lahat ang pagiging kampante ko.

Shempre, ang sabi ni Tres noon, kapag umiikot ako, huwag ko raw pansinin ang paligid ko. Kailangan damhin ko ang masarap na paghampas ng buhok ko sa balikat ko. Kaya wala akong problema sa pag-ikot.

"Point! Come in front, step one, two, three, four five, right side point, cross legs, ikot and pose! Samantha, lasing ka na!"

Umalingawngaw ang hagikhikan ng mga tao dito sa loob ng studio. Tumalikod na naman ang instructor at lumapit sa director, tinuturo ako. "Madaling kausap ito."

Sa sinabi pa lang niya, I could feel the hope. The woman next to the director looked at me then her eyes flickered to the instructor and asked about the manager. The instructor replied, "Hawak siya ni Miles..."

Lumingon siya kay Miss Miles at excited namang lumapit ang manager ko. Ngayon naman ako naglakas loob na tingnan ang kasama kong rumampa at ngayon ay napansin kong parang nainis na siya. Huwag sana siyang mag-selos kong ako ang makukuha.

Binaling ko na lang ulit ang paningin ko sa harapan kung saan nag-uusap ang manager ko, ang instructor at ang director pati ang babae sa tabi niya. What if she is the CEO of Perfect Muse?

"Oh my god!" Bumulalas sa tuwa si Miss Miles na tumingin sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang dahilan niya pero kinawayan niya ako na lumapit, hindi na rin ako nag-atubili.

The instructor signaled Samantha to return to her seat. Miss Miles reached for my arm and at hinarap ako sa kanila. "Ahm...Cass," malambing niyang sabi sa akin pero parang natatae na sa kilig. Napatingin naman ako sa babaeng hindi ko pa nakikilala.

Maiksi ang buhok niya, malinis tingnan sa puti niyang coat na hanggang tuhod para siyang korean business woman. At mapula ang labi, pero simple lang ang make-up. "Since kanina ka lang talaga dumating, so may ipakilala ako sa'yo. She is Miss Britney Galleite, the CEO of Perfect Muse."

Sabi ko na nga eh, isa siyang CEO. I gave a polite smile and she extended her soft hand to me, "Cassandra Vallega..."

Tinanggap ko ang kamay niya at tumango ako bilang confirmation. "Yes, ma'am!" Ang lambot.

"According to your documents..." Kinuha niya ang papel sa isa sa mga agent. Alam ko papel ko ang mga iyon. "8 years ka nang nagmomodel and 23 ka na ngayon, so 15 ka nag-start."

"Yes ma'am." Ngumiti lalo ako at tumingin kay miss Miles na ngayon ay pigang-piga ang braso ko sa excitement.

"How young, pero kahit hanggang ngayon para ka paring 18," papuri niya and the director chuckled. "May magic ka ba?" My eyes bugged out sa biglaan niyang pagbiro. Ang unique naman ng CEO na ito pero nanatili pa rin siyang seryoso. "You are from Elbero, but that company was no longer exists. I mean galing ka sa kalaban ng white kiss."

Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko inasahan ito. Bakit kalaban? "But it doesn't matter." Nakahinga ako nang maluwag. Binalik niya sa empleyado niya ang papel ko and crosses her arms across her chest staring at me.

"And ah...Miss Cassandra Vallega." Cocking her head to the side, she told me, " Nakita ko ang potential mo, you're perfect, you're good and I want to hire you as a Perfect Muse participant in the White Kiss modeling contest."

Both of my hands flew to my mouth to cover my jaw dropping. My eyes wandered around as applause hit every corner of the walls.

Hindi ko akalain na makukuha ako. I mean, Samantha was good, nahilo lang talaga siya sa pag-ikot at doon ko siya natalo pero kahit na, mahirap pa rin maniwala na umabot ako sa ganito.

Pero sa kabila ng achievements na ito, may pangangamba na nararamdaman ang puso ko. Ibig sabihin habang paakyat ako nang paakyat sa taas nagiging mas malapit ang pagkikita namin ni Tres. Curious ako sa iisipin niya once malaman niyang kasali ako. Alam ko hindi pa niya nakakalimutan ang pangalan ko.

I just dropped my ass on the couch. I hissed to take off my high heels because I was so tired and finally it also breathed. I just put it next to the couch, since tinatamad akong kumilos, but Maple took the initiative to pick it up and put it on the shoe rock. I feel sleepy because I don't know how many hours I auditioned.

Galing pa kami sa byahe tapos deretso na sa studio, sinong hindi mapapagod? Ngunit mukhang sanay na talaga si Miss Miles sa multi-tasking, may inasikaso pa talaga siyang mga phone calls, lista-lista sa journal niya at kung ano-ano pang mga emails ang binigyan niya ng pansin.

"Sandra, naihanda ko na ang panligo mo ah."

Tumalim ang paningin ko kay Painch na lumabas ng kwarto at tumungo kay Maple na ngayon ay nasa kusina na. "Bakit ka naghanda, hindi naman kita yaya?"

Umalingawngaw ang boses niya mula sa kusina. "Assistant mo ako, tanga!" Minura pa nga ako.

But Miss Miles who was in front of me, asked randomly, "Ano gusto niyo guys, kakain ba tayo sa labas o, oorder na lang?"

Lumabas si Maple mula sa kusina may hawak na basong may lamang tubig. "Libre mo ba kami, Madame?"

Nakangisi siyang lumapit sa akin at inabot niya ang baso ng tubig. Kinuha ko naman iyon matapos kong magpasalamat. Pero si Miss Miles imbis na sumagot may nilabas na card mula sa bag niya at tumingin sa amin.

Umupo si Maple sa single couch na nasa kaliwa ko. Nagsalita si Miss Miles saktong dumating si Painch, "Makinig kayo ha." Pinakita niya ang black card na nasa kamay niya habang naka-cross naman ang mga paa niya. "You are now a member of Perfect Muse, the three of you. Ikaw Maple need mo mag-asikaso ng papeles, para dito ganon ka rin Painch. Yes, kinausap ako ni Madame."

Nagkatinginan kaming tatlo but before we celebrate, we listen to Miss Miles. "Itong card, budget natin ito. Dito kukunin ang mga pangangailangan natin dito sa quarter; pagkain, cosmetics, personal needs. Ibig sabihin, wala kayong pera nailalabas para mabuhay. Lahat dito ay Libre basta ayusin mo lang trabaho mo..."

Tinuro niya ako at binanggit ang pangalan ko, "Cassandra. Dapat mapasok ka sa top 6 dahil ikaw ang aasahan ng Perfect Muse." Heto na naman, naduduwag na naman ako sa impormasyon niya. "Kapag makapasok ka sa top 6, magkakaroon ng malaking lugar ang Perfect Muse sa Deluco Titans. Lalo na sa White Kiss."

Kumunot ang noo ko at nagtanong halatang interesado. "Ano ba ang Deluco Titans? Company rin?" Pinanood ko ang pagbalik niya ng card sa bag niya at tumingin sa akin.

"Seryoso ka hindi mo alam?" tanong niya halos hindi makapaniwala.

Si Maple ang sumagot, "Three years po kaming walang TV sa bahay."

"Oh..." Iyon lang ang nasabi ni Miss Miles na halatang hindi alam kung ano ang i-react kung matatawa ba siya o maawa. "A-Anong walang TV? Ang weird niyo naman." Pinagbigyan niya ang sarili niyang tumawa.

Si Painch ang sumagot, "Binenta kasi namin dahil nga sa wala namang may nanonood. Rason kasi namin may kaniya-kaniyang CP naman kami bakit pa magti-TV?"

Sinamaan siya ng tingin ni Miss Miles at pakunwaring hinampas sa hangin. "May CP naman pala, tapos wala kayong balita sa Deluco? Kung ano sila?"

Sumagot si Maple. "Hindi ako nanonood ng balita sa CP ko Madame."

"F******k?" Tumaas ang kilay ng manager namin.

"Hugot po ang dumadaan," sagot naman ni Maple.

Dumugtong rin si Painch ng, "K-pop rin po ang sa akin."

Tumaas ang kilay si Miss Miles sa akin na animo'y nagtatanong at si Maple ang sumagot, "Puro g****e iyan, Madame."

"Kahit You Tube?" Para talagang sobrang sikat ang Deluco na umaakto siyang hindi makapaniwala sa harapan namin kung bakit wala kaming idea. Nakakapagtaka naman talaga pero kami lang nakakaalam ng dahilan.

Sumagot si Painch, "K-pop rin napapanood ko sa You Tube at wala talagang may dumadaan na Deluco." Humagikhik siya.

Sumagot rin si Maple, "Mukbang po lumalabas sa You Tube ko."

Tumingin sa akin si Miss Miles. Si Maple pa rin ang sumagot, "G****e lang talaga iyan, Madame." Ang paghahanap ko kay Tres ang tinutukoy niya.

"Ay ewan ko!" Napahampas na lang si Miss Miles sa hita niya. Tumawa naman kaming tatlo dahil sa kingkoy na usapan. Nagsalita na lang siya, "Sasabihin ko na lang para gets niyo."

Nakaramdam ako ng excitement na magkaroon ng impormasyon at sa kaniyang pagpatuloy nagulat na ako ng literal.

"Ang Deluco, apelyido nila." Tumingin ako kay Maple, tumingin rin siya sa akin at pag-flicker ng mga mata niya sa kaibigan namin, tumingin rin ako kay Painch. Ang reaction namin ay pareho lang, gulat na gulat.

Nagpatuloy si Miss Miles, "Kaya Deluco Titans, dahil puro CEO ang magkakapatid na ito."

Bumulalas si Painch, "Magkakapatid?"

"Six CEOs of six companies," paglinaw ni Miss Miles.

I sucked my breath thinking that Tres had siblings that I didn't know about. "First, si Sir Uno—panganay, Uno Antor De Luxeriel Deluco."

De Luxeriel? Kaano-ano niya si Hayes De Luxeriel? "He owns Crowned Queen, the bridal gowns company." Wow! Sikat ang brand na ito. "Then Dos Klein Concord Deluco or better known as Dos, second of the six. Iba iba ang middle name nila kasi, shempre, iba-iba ang mga Nanay. Siya naman ang CEO ng Blue Jewels."

And si Tres ang ikatatlong anak? Miss Miles went on, "Next is Sir Third Zachary Salveirus Deluco, the third son, obvious naman sa pangalan." He chuckles.

Nakukurot ko na ang sheet ng couch sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Buti na lang hindi napansin ni Miss Miles, "He is the CEO of White Kiss! Favorite CEO kasi nga, ang company niya ang nag-provide ng modeling contest. Tulad ng sabi ko, isa sa mga sikat na Lingerie brand ang White Kiss. Kung sakaling pumasa ka dito, halimbawa manalo ka, imagine ikaw ang model ng kompanya na ito. Magkakaroon ka ng maraming commercial at sinasabi ko sa'yo, Cassandra. Aangat ang buhay mo once manalo ka. Kaya galingan mo at kung halimbawa manalo ka..."

Ngumisi siya at bumulong pero rinig naman naming tatlo, "Landiin mo si Sir Third."

"Ha?" Para akong tanga na tumingin kay Painch na ngayon ay nakatakip sa bibig niya ang mga palad niya. Humagalpak naman ng tawa si Miss Miles. Makulit!

Gumatong pa si Maple, "Agree ako diyan Madame. Sakto, walang boyfriend iyang, si Dria."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status