Share

KABANATA 7

KASABAY nang pagbukas ng kanyang mga mata ay ang pagbukas ng pinto ng silid na tinulugan niya. Parang may bumara sa daluyan ng hangin sa katawan ni Magenta nang pumasok si Mr. Peters.

Gusto niyang mag-iwas ng tingin nang magsalubong ang mga mata nila ngunit hindi niya magawa. Tila mga magnet ang mga malalamig at matitiim kung tumingin na mga mata nito at hinihila siya. Napahigpit tuloy ang kapit niya sa kumot na nakatabing sa kanyang katawan dahil sa tensiyon.

Lumakad ito papalapit sa kanyang direksiyon habang nanatiling nakasunod ang mga mata niya rito. Inilapag nito ang dalang mangkok sa side table pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya kaya nagkasalubong muli ang kanilang mga mata. Doon siya biglang natauhan habang nakatingala rito.

Bumangon si Magenta mula sa pagkakahiga kasabay nang paghawak sa ulo at pagpikit nang mga mata nang makaramdam ng pagkahilo. May mumunting d***g ang kumawala sa kanyang bibig. Mainit at mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam ngunit hindi na kagaya kagabi na halos hindi niya maigalaw ang katawan.

Magenta sighed before opening her eyes and looked up at him. She unconsciously bit her lip when he was still looking at her. He possessed eyes that were darker than the nocturnal paired with intimidating thick brows. His nose was sharp and prominent, ang mga labi ay malaman at nangangako ng isang mapusok at matamis na h***k. Mangitim-ngitim ang baba't panga dahil sa tumubong balbas na hindi pa naaahit.

Muling napatingin si Magenta sa mga labi nito at wala sa loob na napalunok nang maramdam ang panunuyo ng lalamunan. Ano kaya ang lasa ng mga labi niya? Ano ang pakiramdam nang m*******n niya? Hindi man lang nagdikit ang mga labi nila noong gabing inangkin siya nito.

Agad na umiling si Magenta upang ipagpag ang agiw sa kanyang utak. She doesn't know where those thoughts coming from. She shouldn't feel like that towards him. But she can't explain why the sudden hit of curiousness and anticipation with the thought of him kissing her lips.

Tumigil ka, Magenta! Hindi ka puwedeng makaramdam ng ganyan! She can still remember what Suzette told her to not fall for Mr. MK Peters. But despite the fact that he was heartless and cold, well from the way she saw it and experienced first-hand, those adjectives fit him, she can't deny the fact that he was the type of a man an average woman would fall into. At hindi niya inaasahang kabilang pala siya sa mga babaeng iyon na madaling humanga sa physical appearance ng isang lalaki. Well, she was not immune to the likes of him, perhaps that was the reason why she felt jittery when he's near.

"Eat then get out of my house."

Napapitlag si Magenta nang magsalita ito at akmang ibubuka ang bibig upang magsalita subalit mabilis itong tumalikod at lumakad patungo sa pinto.

Mabilis niyang hinawi ang kumot paalis sa kanyang katawan at tumayo. Hinabol niya si Mr. Peters bago pa ito makalabas at pinigilan sa braso. He glanced back at her, the expression on her face was serious. Nang mapatingin ito sa braso nitong hawak niya ay parang napasong binitawan iyon ni Magenta.

She did not think about the consequences and the humiliation, she knelt her trembling knees in front of him. "I-I'm sorry kung... kung nagsinungaling ako. Nagawa ko lang 'yon kasi kailangan na kailangan ko ng pera para kay M-Mama..." Biglang nanikip ang lalamunan ni Magenta sa pagkabanggit sa kanyang ina, ang-init din ang sulok ng kanyang mga mata. Matinding pagpipigil ang kanyang ginawa para hindi maiyak sa harapan nito. "Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon, S-Sir. I promise that I will do what you want me to do. Kahit ano."

Nagsisimula nang manubig ang mga mata niya nang makita ang emosyon sa mukha nito. Nawalang lahat ang pag-asang natitira sa kanya dahil sa paraan ng pagkakatingin nito, tila siya isang mababang nilalang at walang halaga.

He did not utter even a single word and turned his back at her, living her humiliated, hopeless, and hurt. Her grief poured out in a flood of uncontrollable tears. She never felt so low and filthy until now. She was sorry for herself and the feeling of being alone was making her situation worse.

Napasalampak siya ng upo sa malamig na sahig habang nakayakap ang mga braso sa katawan. Kahit anong pigil ay kumawala pa rin ang mga hikbi sa kanyang bibig na siyang pumuno sa katahimikan at ang mga luha sa kanyang mga mata ay parang isang dam na nabuksan.

"'WAG MONG sabihin na iniisip mo ang inaalok ni Verna?"

Napapitlag si Magenta at napatingin sa salamin na nasa kanyang harapan. Nagsalubong ang mga mata nila ni Ricky na nakataas ang kilay at nakahalukipkip na nakatingin sa kanya.

"H-Hindi..." pagsisinungaling niya sabay iwas ng tingin. Ipinagpatuloy niya ang pagliligpit ng mga gamit doon at kumuha ng walis pagkatapos upang malinis ang sahig. Ramdam ni Magenta ang mga mata ni Ricky na nakasunod pa rin sa kanya at alam niyang hindi ito naniniwala sa kanyang isinagot.

Kaninang tanghali ay naging customer nila si Verna, isang binabae na manager ng isang high-class na bar na malapit lang sa salon. Napansin nito si Magenta at hayagang inalok na maging dancer sa bar. Malaki raw magbigay ng tip ang mga parokyano nila bukod pa sa talagang susuwelduhin niya sa pagsasayaw. Agad namang tumanggi si Magenta dahil hindi naman siya ganoon ka-naïve, alam niyang hindi lang ang pagsasayaw ang gagawin niya kung saka-sakali. Hindi niya gustong matukso sa pera at ibenta ang katawan sa kung sinu-sinong lalaki, kahit pa nga ba nagawa na niyang magpabayad para sa sex. Ayaw niya na muling gawin iyon. But now she felt guilty for thinking and considering Verna's offer.

Baliw ka na talaga, Magenta!

"Maganda ka, Jen, masipag at matalino. 'Wag mong hahayaang sirain ka ng kahirapan. Payo lang, bakla, bilang mas nakakatanda sa 'yo, gawin mo ang makakaya mo para kay momshie pero 'wag mong isakripisyo ang sarili mo. Alam kong may mga pangarap ka."

Lalong nadagdagan ang usig sa kanyang budhi dahil sa sinabi ni Ricky, sa halos tatlong taon niya sa salon ay naging kaibigan na niya ito, at ang ibang mga katrabaho. Pero may mga gabay talaga na hindi niya masabi sa mga ito. Natatakot siya na baka husgahan siya ng mga ito sa kanyang ginawa. Ang tingin ng mga kasamahan sa kanya ay isang inosenteng dalagang malaki ang pangarap sa buhay.

She wasn't the same innocent Magenta anymore and now she only had one dream, a dream for her mother to get better and get through her surgery tomorrow.

Gumanti siya ng yakap kay Ricky ng yakapin siya nito. Hinalikan siya ni Ricky sa pisngi bago ito lumabas ng salon. Naiwan silang dalawa ni Andy roon na naglilinis, nang masiguro nagawa na ang kanilang mga kailangang gawin ay sinarado na nila ang salon at nagkanya-kanya ng uwi.

Instead of going home, Magenta went to the convenience store for her second job. Agad siyang nagpalit ng damit na siyang uniporme nila at pumuwesto sa likod ng cash register. Dahil wala pang customer ay mabilisan niyang kinain ang biskwit na baon at isang bote ng tubig upang maibsan ang pangangalam ng kanyang sikmura.

"Jen, mauuna na ako, ha. Sorry talaga."

"Sige, okay lang."

Sinundan ni Magenta ng tingin ang kasamahan na palabas ng convenience store. May biglaang emergency kaya maaga itong umalis.

Napabuntung-hininga siya habang inililibot ang mga mata sa loob ng convenience store na biente kuwatrong oras na bukas. Nag-iisa na lang siya roon at walang tunog na naririnig maliban sa kanyang paghinga.

Inilabas niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng pantalon at nagpatugtog upang maibsan ang kaba sa d****b dahil sa pag-iisa at katahimikan. Wala sa loob na napatingin siya sa labas ng salaming dingding at dumako ang mga mata sa pharmacy na nasa kabilang kalye at katapat ng convenience store. Alas-diyes na ng gabi at sirado na iyon.

Dalawang linggo na ang nakaraan sa kaparehong oras ay nilooban ang pharmacy, nasaksak ang may-ari na nasa loob pa na uuwi na sana dahil sa panlalaban. Kaya hindi maiwasan ni Magenta na kabahan sa maaaring mangyari, hindi niya naman hawak ang utak ng mga masasamang loob. Dalawang oras pa bago matapos ang kanyang trabaho.

Nang biglang mamatay ang ilaw at kumalat ang kadiliman ay biglang napapitlag si Magenta. Muli siyang tumingin sa labas at nakompirmang brown out nga nang makitang madilim sa mga katapat na establisiyemento, maging ang ilaw sa poste na nasa tabi ng kalsada ay nakapatay.

Agad niyang hinagilap ang flashlight na nasa loob ng drawer at ini-on. Kapagkuwan ay tumayo upang hagilapin ang mga kandila na puwede niyang gamitin na nasa storage room. Nitong mga nakaraan ay hindi na bago ang biglaang brown out kaya nakahanda na ang manager nila at nagtabi ng maaring gamitin na pang-ilaw sa loob. Nahanap naman iyon agad dahil maayos na nakahilera sa rack.

Inilagay niya ang isang kandali malapit sa entrance na nakapaloob sa isang baso kaya safe iyon na gamitin. Pabalik na siya sa likod ng counter nang makaabot sa kanyang pandinig ang tunog mula sa bumukas na pinto.

Tumigil siya sa paglalakad at biglang tumahip ang d****b sa kaba kasabay nang paglingon upang makita kung sino iyon.

Pakiramdam niya'y tumigil ang oras habang nakatingin sa taong papasok sa loob. Imbes na makalma dahil alam niyang hindi ito kabilang sa mga taong nanloob sa kaharap na pharmacy ay lalong lumakas ang kabog ng kanyang d****b habang magkahinang ang kanilang mga mata.

Anong ginagawa niya rito? Iyon ang katanungang naglalaro sa kanyang isipan subalit naumid ang kanyang dila. Kahit na madilim at tanging ang ilaw mula sa kandila na malapit sa may entrance ang nakatanglaw sa paligid ay malinaw niyang nakikita ang mukha ni Mr. Peters.

Hayon na naman ang pamilyar na kaba na parati niyang nararamdaman tuwing nasa malapit ito.

Apat na araw na ang nakakaraan mula nang huli niya itong makita sa loob ng bahay nito. Kinabukasan, sa pagkagulat niya ay nakatanggap siya ng tawag galing kay Suzette at sinabing nasa account na niya ang four hundred thousand pesos na nakalagay sa kontrata. Pagkatapos niyon ay wala na siyang kumikasyon kay Suzette at hindi na muling tumawag sa kanya si Mr. Peters. She concluded that the contract was terminated, but why was he here?

Malaki ang pasasalamat niya rito dahil sa perang ibinigay nito kahit pa sabihing iyon ang halaga ng kanyang puri. She was silently thankful that he did not sue her for lying in their contract.

He stopped on his track and their eyes met. Kakaiba ang paraan nang pagkakatingin nito sa kanya ngayon na para bang may pinag-iisipan at inaanalisa at inaarok ang kanyang buong pagkatao. She felt like he was torn between the decision he will make or he will not, kung ano man iyon ay ito lang ang nakakaalam.

Magenta became oblivious to her surroundings while standing in the middle of the store and stared at him, the only sound that can be heard was the sound from her phone's playlist. Playing a song of Air Supply, a song that never gets old, only lovers do.

Naputol lang ang pagkakahinang ng kanilang mga mata nang biglang bumalik ang kuryente kasabay nang pag-iwas nito ng tingin. Lihim siyang napabuntung-hininga nang malanghap ang pamilyar nitong amoy. Hindi iyon matapang at hindi masakit sa ilong, tamang-tama lang ang mamahaling pabango na humalo sa natural nitong amoy.

Sinundan ito ni Magenta ng tingin at nakitang kumuha ito ng mga beer. Mabilis siyang tumalikod at nag-iwas nang tingin nang humarap ito sa kanyang direksiyon. Bumalik siya sa likod ng cash register habang sa gilid ng kanyang mga mata ay lihim na pinapanood ang paglapit nito.

Hindi niya sinalubong ang mga mata nito habang inilalapag nito ang mga can ng beer sa counter. Magenta did her job even though she was uncomfortable with his presence. "Four hundred fifty-five, Sir," she said, but still did not give a peek at him.

Tinanggap niya ang isang libong inabot nito at napakagat labi nang sumalakay ang kilabot sa kanyang katawan nang bahagyang maglapat ang kanilang mga balat, maging ang mga balahibo niya sa batok ay nanayo.

Akmang susuklian niya ito ngunit mabilis nitong dinampot ang supot na kinalalagyan ng mga lata ng beer at malalaki ang hakbang na lumabas.

Nakatangang sinundan ito ni Magenta ng tingin hanggang sa makasakay sa pulang sasakyan na nasa harap ng convenience store. Natauhan lang ang dalaga nang hindi na maabot ng tingin ang kotse.

"Ano 'yon, Magenta? Bakit ka kinakabahan?" bulalas niya at napahawak sa tapat ng d****b. Isang huling sulyap ang kanyang ginawa sa labas ng store bago pinuno ng hangin ang mga baga.

Nang matapos ang shift niya ay mabilis na lumabas ng convenience store si Magenta. Humihikab siya dahil sa antok habang patungo sa sakayan, dadaan na muna siya sa ospital bago umuwi.

Malamig na at tahimik, wala nang masyadong tao dahil alas-dose na ng umaga. Iniyakap niya ang mga braso sa kanyang katawan habang nasa tabi ng daan at naghihintay ng pampasaherong jeep. Pipikit-pikit pa ang kanyang mga mata dahil sa pagod at antok.

Tulalang napatitig si Magenta sa poste ng ilaw na nasa katapat na kalye. Ilang sandali na siyang nakatayo roon nang biglang may tumigil na isang pamilyar na sasakyan sa kanyang harapan. Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka. Dahan-dahang bumaba ang bintana sa may passenger's seat kaya bahagya siyang napayuko upang makita kung sino ang nasa loob.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Mr. Peters iyon, muli niyang pinasadahan ng tingin ang sasakyan at napagtantong iyon ang nakita niyang sinakyan nito kaninang lumabas ng convenience store pagkatapos bumili ng beer.

"Hop in."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Analiza Horquita Ticman
great story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status