Share

CHAPTER 18

CHAPTER 18

LUMINGON ako sa aking likuran kung saan nanggaling ang boses. At natagpuan kong nakasandal sa railing ng hagdan si Tyron.

"T-Tyron. K-Kanina ka pa ba d'yan?"

Naglakad ako palapit sa kanya.

"Si Sage?"

Tumingin s'ya sa ibaba kaya sumunod din ako. Nakita kong naka-upo si Sage sa couch na nasa living room habang may hawak na libro.

"P-Pasensya na. Akala ko kasi tulog pa kayo, kaya gigisingin ko sana kayo para mag-almusal."

"It's okay, Dollface. But next time, h'wag kang magpapahuli kay Travis na umaakyat ka rito sa itaas."

Then Tyron flashed his friendly smile.

Tumango naman ako.

"Let's go down stairs."

Nauna nang bumaba si Tyron at sumunod naman ako.

"Nagugutom na ako. Pagpasok pa lang namin naamoy ko na agad 'yong niluto mo. Ano ba iyon?"

"Ah, nagluto ako ng sopas. Kumakain ba kayo no'n?"

He chuckled. "Si Travis lang naman ang hindi nagsasawa sa steak. Sa pamamalagi ko sa Hacienda, napag-aralan ko nang kainin ang pagkain ng mga tao. Kaya anything na walang bawang, okay sa ak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status