Share

CHAPTER 43

CHAPTER 43

NAKASANDAL ako sa dingding ng kwarto habang nakatitig sa natutulog na si Travis.

Nagpapahinga na ito at malamang dahil sa pagod at pananakit ng katawan kaya mabilis itong nakatulog. Pero natutulog ba ang mga bampira? Nagpapahinga lang siguro sila.

Iyong nangyari kanina, buong buhay ko hindi ko aakalaing magagawa ko iyon. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong sugatan ang sarili ko para lang ipainom ang aking dugo sa isang bampira, na never pumasok sa isip kong mangyayari sa akin. May kung ano sa loob ko na gustong tulungan si Travis at iyon lang ang tanging paraan na alam kong magagawa ko.

Nabasa ko sa isang libro na kailangang painumin ng dugo ang bampirang nanghihina dahil sa full moon.

At hindi ko inaasahan mai-aapply ko iyon ngayon, at sa boss ko pa.

Nagpunta ako dito, tinanggap ko ang trabaho, para sa kinabukasan naming tatlo ng mga kapatid ko. Pero hindi ko inaasahan na may mala-fantasy movie rin palang mangyayari sa akin sa loob ng ilang taong ilalagi ko sa mansion na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status