Share

Kabanata 32

Kabanata 32: Apartment

"Ate, pwede na raw lumabas." Sabi ni Rey na ikinaayos ko ng upo.

Pang-apat na araw na ako ritong stambay sa hospital dahilan kung bakit bored na bored na ako rito. Sila Mama at Papa, doon tumutuloy sa apartment namin ni Sieme habang tagabantay ko naman si Rey. Bumibisita rin minsan si Sieme pag may oras siya kasi sabi niya, nag-apply daw siya ng trabaho sa kabilang bayan. Masyado ngang ilag ang babaeng 'yon sa akin kaya minsan nagi-guilty ako sa mga nagawa ko sa kanya. 

Baka naging ilag siya sa akin dahil baka nalaman niya ang nangyari sa amin ni Stell. Hindi ko alam pero kapag bumibisita talaga siya sa akin dito sa room ko, kinakabahan ako at parang may mabigat na presensyang nakaharang sa aming dalawa.

Hindi naman niya siguro nalaman ang mga nangyari sa amin ni Stell eh no? Hindi naman siguro sinabi ni Stell kay Sieme ang nangyari doon sa dagat na halos ikina-trauma ko.&

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status