Share

KABANATA 27

Bunga ng pakiusap ni Doc Warren— o ni Warren sa gusto nitong itawag nila rito, ay nanatili sina Ezaiyah na nagpipigil ng inis at ‘nagpapakabuti’ para sa kapakanan ni Chase.

Para sa dalaga ay wala namang kaso ang ganoon dahil mas magaan naman ang pakiramdam niya lalo na at aware siya na puro mabubuting bagay ang nagagawa niya. Iyon nga lang ay hindi niya pa rin maiwasan minsan na hindi mapikon sa lalaki.

Sino ba naman kasing hindi mapipikon sa mga ipinapakita nito? Sila na nga itong nag aadjust para rito, parang pinapalabas pa nito na sila pa ang may mali at sila pa ang may dapat na baguhin.

Like there’s one time when she forced herself to call him for dinner. Mula sa cottage ay talagang naglakad pa siya patungo sa main house, sa music room kung saan ito namamalagi. She stood in front of his door for almost ten minutes while calling his name nonstop. Inis na inis na siya pero pinigilan niya pa rin ang pagbugso ng damdamin niya. Paulit ulit na lang niyang inalala ang pakiusap sa kanila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status