Kabado si Nahara habang binubuksan ang sulat na iniabot sa kanya. Wala siyang ibang maisip na magpapadala sa kanya ng sulat maliban na lang kay Fabian dahil ito lang naman ang bukod-tanging nakakaalam na may isa pang katulad niya ang nabubuhay sa mundo. Nanginginig ang kanyang mga kamay pero pilit niyang tinatapangan ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng magpatalo. Hindi siya magpapadaig. Nais niyang malaman kung alam na ba nito kung nasaan siya at bakit ito nagpadala ng sulat.Unti unti niyang inilabas ang laman ng envelope pero imbes na sulat ang tumambad sa kanya, mga larawan ang naroon. Mga larawang hindi niya inaasahang makita."Hindi..." Halos pabulong niyang usal.Nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang luha. Pakiramdam niya, buong mundo ang dumagan sa kanya ng mga oras na iyon. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan masaya siya? Wala na ba talaga siyang karapatang sumaya?"Ayos ka lang ba, hija?"Napakurap-kurap siya at nasilayan ang nag-aalalang mukha ni Manang Petra. Ilang b
Marahas siyang napahilamos ng mukha gamit ang kanyang dalawang palad at aburidong napatitig sa gitgitang traffic sa unahan."Listen Manang, dalhin niyo si Nahara sa pinakamalapit na ospital. Magpatulong ka kay Adler. Kapag may nangyaring masama sa kanya, malilintikan kayong lahat sakin!" Galit niyang asik."O—opo Sir!"Pinatay niya ang tawag at napalingon sa passenger's seat. Gabriel came out. Maybe he felt he was agitated and afraid at the same time."Are you alright, Rain?" Puno ng pag-aalala nitong tanong.Sunod-sunod siyang tumango bago ito nilingon. "Please Gabriel, gate keep Hawk so he won't come out," puno ng pagsusumamo niyang ani.Tumango naman ito. "You don't have to worry about him but...""Ask help from Avira and Damian if you feel that you can't handle it anymore. I can't let Azrael take over the body this time too. Not now Gabriel..."Muli itong tumango. "Loosen up Rain. You will trigger him more kung lagi mong aalalahanin ang nangyari noong gabing yun. Forget it for now
"Adler, take in charge of Nahara security. Aalis ako," aniya sa kanyang bodyguard na kasalukuyang kasama niya sa ospital."Yeah, Sire...""Make sure nothing bad will happen to her kundi alam mo na kung ano amg mangyayari Adler," maawtoridad niyang dagdag.Muli namang tumango ang lalaki. Sinulyapan niya ng isang beses si Nahara bago niya tuluyang nilisan ang VVIP floor para puntahan ang mga taong pakay niya.Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan patungo sa kinalalagyan ng mga taong dahilan ng paghihirap ni Nahara. Kating-kati na siyang makaharap ang dalawa. He'll make sure to make their life a living hell once the three of them will face each other.His car parked outside his favorite warehouse. Nagkalat ang kanyang tauhan sa labas ng lugar but there also men which isn't his. Mabilis siyang pumasok sa loob kung saan naabutan niya si Calder kasama ang taong hindi niya inaasahang makita."What are you doing here, Alexie?" Kunot noo niyang tanong."Didn't I tell you I'll lend you a
Tumuloy na si Rain sa silid na kinalalagyan ni Fabian Ramirez. Ang walang hiyang step-father ni Nahara. Gaya ni Vera, nakatali din ito sa isang silya habang may busal ang bibig pero ang kaibahan lang, kalmado ito at tila ba hindi nito alintana ang impyernong kinalalagyan nito sa ngayon.Kaswal siyang naglakad palapit sa lalaki habang mataman lang itong nakamasid sa kanya. Marahas niyang tinanggal ang masking tape na nasa bibig ng lalaki bago siya kumuha ng silya at umupo sa harapan nito."Sino ka at anong kailangan mo sakin?" Malamig nitong tanong.Huminga siya ng malalim bago ito tiningnan ng mata sa mata. Maamo ang mukha ni Fabian. Hindi mo aakalaing gagawa ito ng kademonyohan. Ibang-iba kapag ngumisi na ito."Nandito ka sa puder ko kasi maniningil ako."Pagak itong natawa bago napailing. "Hindi kita kilala at sigurado akong wala akong utang sayo.""Sakin wala pero sa babaeng to meron," aniya bago ipinakita ang larawan ni Nahara sa lalaki.Mataman nitong pinagmasdan ang larawan ng b
Rain was driving his car back to the hospital when he received a call from Adler that Nahara escaped."Are you all that fúcking stupid?!" Singhal niya sa kabilang linya. "Nahara is just a woman who doesn't have enough strength to fight against you! Paano siya nakalabas ng silid?!" Gigil niyang asik."Sorry, Sire. Someone made a commotion in the VVIP area kaya nawala ang atensyon namin sa kanya," paliwanag nito."Damn it! Kapag may nangyaring masama sa kanya. Manangot kayo. I will fúcking kill each one of you!" Singhal niya bago pinatay ang tawag at ibinato ang kanyang cellphone sa passenger's seat.Mariin siyang napapikit bago binilisan ang kanyang pagpapatakbo. Nang makarating siya sa harap ng ospital, kita niya ang maraming taong naroon at nakatingala sa tuktok ng building.He looked up and saw a familiar person on the top of the building. It was Nahara. And she's planning to jump off."Shít!" He hissed bago patakbong nagtungo sa loob ng ospital.Agad niyang tinawagan si Adler para
Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok. Kahit na hindi siya nakatapos ng pag-aaral, alam niya ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Rain. Unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon."The hell! Why are you crying? Ayaw mo bang mahalin kita?" Kunot noo nitong tanong.Magkahalong tawa at iyak ang kanyang ginawa. "Hindi. Hindi sa ganun...""Then why are you crying then?""Masaya kasi ako. Tears of joy to," humihikbi niyang sambit.Kinabig siya nito ng yakap mas lalong nagpaiyak sa kanya. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad niya ay mamahalin ng lalaking kagaya ni Rain. Kung tutuusin, sobrang daming babaeng pwede nitong magustuhan. Siya pa talaga. May nagmamahal pa pala sa kanya. Akala niya ay mananatili na siya sa madilim na parteng iyon ng buhay niya pero hindi. Nandyan si Rain at iniahon siya nito mula sa putik na kinasasadlakan niya."If you are happy, then you should smile, My queen..."Sandali siyang nat
"Hmm... Ang sarap," tila batang sabi ni Rain habang kumakain sila.Napangiti siya. Parang tumataba ang puso niya sa naging komplimento nito. Nang makita nito ang naging reaksyon niya ay iniangat nito ang kutsarang may pagkain at sinubuan siya. Buong puso naman niya iyong tinanggap."I like how you constantly smile these days.""Lagi mo akong pinapangiti," walang pag-aalinlangan niyang tugon.Akmang sasagot sana ito sa sinabi niya nang tumunog ang cellphone ng lalaki. Sandali pa itong natigilan habang nakatingin sa screen."Sagutin mo na," hikayat niya dito.Nagpakawala ito ng isang buntong hininga. "Istorbong kutungero," bulong nito habang nakatitig sa cellphone. "I'll just answer this. Just continue eating, okay," masuyo nitong ani.Tumango siya. Tumayo na ang lalaki. Sinundan muna niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kusina bago siya nagpatuloy sa pagkain.Rain went to his study room to answer Isaac's call. Nayayamot talaga siya dahil napakaistorbo ng loko. Huminga siya ng m
Hapon na ng matapos sina Nahara at Manang Petra sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak sa garden. Kahit papaano ay nalibang naman siya sa kanyang ginagawa at hindi na nga niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras mula ng makaalis si Rain.Akmang pupunta siya sa likod bahay para maghugas ng kamay nang mamataan niya ang sasakyan ni Rain na papasok ng garahe. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya ay gabi pa ito uuwi subalit mukhang napaaga yata. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang lalaki na nakalabas ng kotse kaya't kinawayan niya ito para makuha ang atensyon ng binata."Sir Rain!" Nakangiti niyang sigaw.Agad naman itong lumingon sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa pwesto niya subalit agad niyang napansin ang paraan ng paglalalakad nito. Hindi niya lubusang maipaliwanag subalit para bang may mali."Sir Rain," mahina niyang anas.Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa dumako ang mga mata nito sa mga kamay niyang puro putik. Kita