Share

CHAPTER 47

Ang sarap sarap pa sana ng tulog ko dahil sa pagod at puyat na inabot kagabi pero kinailangan kong bumangon ng maaga para sa trabaho.

Naligo ako at nag ayos muna ng sarili bago lumabas ng kwarto para lang makita ang mga kaibigan at pinsan kong halos mag patong patong na sa pag tulog.

Si Lanna ay nasa ilalim ng lamesa ang ulo. Si Kio naman ay naka siksik sa pang isahang upuan. Ang iba, kung ano ano ang posisyon.

Inuga uga ko si Lanna.

"Lanna, gising."

"Hmm.." daing niya at bumaling sa kabilang gilid.

Kasi naman pag uwi ko galing sa sementeryo lasing na siya. Kulang na lang pumasok sa loob ng bote at lumangoy.

"Aalis na ako."

"Shaan ka pupunta?"

May hangover accent pa matibay!

"Sa site. Magtatrabaho ako."

"Iinom tayo diba?"

"Ano? Chlorine ba 'yong nainom mo kahapon? Hindi ka pa nga nahihimasmasan iinom ka na naman."

Sinubukan niyang bumangon pero dahil nga nasa ilalim siya ng lamesa ay nauntog ang mukha niya.

"Aww!"

"Oh
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status