Share

KABANATA 5

“WHAT the f*cking hell was that?!” galit na tanong ni Dylan kay Danica nang mapag-isa sila sa kwarto nito. Nanginginig ang mga kamay ng dalaga sa takot habang nakaupo sa kama.

“S-sorry..,” napahikbing sagot ni Danica. Hindi siya makatingin ng diretso rito.

“Sorry? May ideya ka ba sa kalalabasan ng ginawa mo?” may himig iritang tanong ni Dylan.

“W-wala.” Panay ang punas ni Danica ng mga luha kasabay nang pagdaloy sa kaniyang isipan ang eksena kaninang umaga.

Pasado alas Tres na no’ng palabas na siya ng bahay para mag-abang ng tricycle. Kinailangan niya pang tapusin ang mga gawain sa bahay para wala nang abala pag-kauwi nilang tatlo mamaya.

Isang kulay itim na sasakyan ang huminto sa kaniyang harapan makaraan ang ilang sandali. Dahil sa hindi niya na makita ang paparating na mga sasakyan ay naglakad na lamang siya nang kaonti para pumara sa unahan. Pero laking gulat niya nang harangan siya ng apat na lalaki. Pamilyar sa kaniya ang mga suot nito.

“B-bakit ho?” kinakabahang tanong niya. Bahagya siyang napaatras.

“Pasensya na,” anang isa sa mga lalaki.

Mula sa likod ay naramdaman niya ang paglapat ng isang tela sa kaniyang ilong. Matapang ang amoy niyon at nakakaliyo. Mabilis na pumaikot ang paligid hanggang tuluyan na siyang nawalan ng ulirat.

❝AYAN gising na siya.❞

Bigla ang pagbalikwas niya ng bangon subalit may mga kamay na pumigil sa kaniya para gawin iyon.

“Sino kayo?” hindi niya mapigilang itanong. Nasa harap siya ng isang malaking salamin habang inaayosan ng mga babaeng nakapalibot sa kaniya. Napansin niya rin ang matingkad at kulay pula niyang suot na damit.

“Huwag kang malikot,” anang isa sa mga babae.

“Pakibilisan, kailangan na siya sa labas.” Mula naman sa repleksyon ng salamin ay wika ng isang may edad na babae.

“Malapit na ho siyang matapos, Miss Min.”

At pagkatapos siyang ayusan ay inakay siya no’ng nagngangalang Miss Min papunta sa kung saan. Halos malula siya sa ganda at laki ng bahay.

Palihim niyang tiningnan ang kasama. Buti hindi ito naliligaw sa dami ng pasilyo. Kahit man siya, hindi na niya matandaan ‘yong silid na pinanggalingan niya kanina.

“Please do welcome, Dylan’s fiancèè!”

Rinig niyang anunsyo pagkarating nila ng pinto, kasabay rin noon ay pagtapat ng puting ilaw sa direksyon niya.

Hindi niya mapigilan ang pag-usbong ng munting inis sa dibdib nang mapagtantong si ATM boy na naman ang may pakana ng lahat. Ang akala niya tapos na sila, na pababayaan na siya nito. Pero etoh naman.

“Halika..!”

Napilitan siyang sumunod nang muli siyang akayin no’ng Miss Min papunta sa Lolo ni Dylan.

“Why not join here, Dylan?”

Awtomatikong napasunod ang mga mata niya sa direksyong tinitingnan ng matanda. At ganoon na lamang ang panghihina ng kaniyang mga tuhod. Bakit? Isang malaking BAKIT? Sobrang liit naman ng mundo at sa dinami-dami ng lugar dito pa sila pagtatagpuin. Kagat labing naikuyom niya ang mga kamay sa pagpipigil na huwag kumawala ang emosyon. Sa wakas nasilayan niya rin ang mukhang iyon. Ang mukha ng lalaking naipanalangin niya sa Diyos na makita makalipas ang isang taon. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Iyong tipong wala na siyang naririnig maliban doon. Iyong tipong dahil sa sobrang lakas, to the point na masakit na.

Napahugot siya ng hangin at pilit kinakalma ang sarili. Ang sakit. Ang sakit makita na kasama nito ang ipinalit sa kaniya. Mas masakit pa sa nabalitaan niya no’ng ikakasal ito. Akala niya kaya niya---na makita ang mga itong magkasama. Mali siya. Pakiramdam niya libo-libong punyal ang bumaon sa dibdib niya. At nahihirapan siyang huminga.

Gusto niyang tumakbo palayo at tumakas. Ayaw niyang makita ni Andrie na ganito, talonan. Pero kahit ano’ng gawin niya hindi niya maikilos ang mga paa. Animo ay nakapako ang mga iyon sa lupa.

Hanggang sa napansin niya na lamang si Dylan na naglalakad palapit sa direksyon niya at walang salitang hinila siya palayo.

Subalit agad silang hinarangan ng mga bantay bago pa man nila marating ang gate. Sila rin ‘yong mga lalaking dumukot sa kaniya kaninang umaga.

“Alis..!” mahinahong utos ni Dylan.

“Sorry, Sir. Alam ng Chairman na gagawin mo ‘to kaya mahigpit niyang ipinagbilin na palaba---.”

“I said get the f*ck off!”

“Dylan!”

Boses iyon ng matanda. Napahigpit ang kapit niya kay Dylan. Pumihit ito at hinarap ang huli. Sa ekspresyon ng mukha ng binata alam niyang nagtitimpi lamang ito sa matanda.

“Stop manipulating me, Lo! Huwag niyo akong pangunahan for pete’ sake hindi na ako bata!”

“Dylan!”

Saway naman ng Daddy ni Dylan. Sumunod rin ang Mommy nito---maging si Andrie at Asawa nito.

“I am just doing what is right! I have been giving you for a long time, Dylan. I wanna learn of accepting Danica kahit alam kung langit at lupa ang agwat niyo mabawasan man lang ang mga naging kasalanan ko. But what are you doing?!”

“You don’t get me, Lo. Ang akin lang huwag niyo akong pangunahan. Huwag kayong basta-basta nagdi-desisyon dahil buhay ko ‘to...!”

“You love her, don’t you?” bagkus ay tanong ng matanda.

Matagal bago nagsalita si Dylan. Marahil ay sa hindi nito alam ang isasagot. Dahil wala naman talagang sila.

“Just yes or no, Dylan.”

“She doesn’t love me anymore..,” sagot ni Dylan sa sumusukong tinig.

“Oh, that is bullsh*t!” dumagundong na sambit ng matanda. Maging siya ay nasindak. Sa hitsura pa lang nito, natatakot ay na siya. “It’s opposite from what I have heard from her in the hospital. You always have your reasons, Dylan. Is that really so or there’s something you do not say?!”

Piping naipanalangin niya sa Diyos na sana matapos na. Hindi niya na kaya pang magtagal na makita ni Andrie. Alam niyang kanina pa siya nito tinitingnan---simula pa kanina.

“Sorry po Lolo,” puno ng kaba na singit niya. Ayow niyang umiyak pero ayaw makisama ng mga luha niya. “Ako ho ang may kasalanan.”

“Tumigil ka,” pigil ang boses na babala ni Dylan na lumingonsa kaniya.

“Nagsinungaling po ako sa Apo niyo.” pagpapatuloy niya. “A-ang totoo..,” sandali siyang huminto at lumagpas ang tingin kay Dylan. Gusto niyang ipakita kay Andrie na matagal na rin itong may kapalit. “M-mahal ko pa rin siya.”

“You what?”

Alam niyang nagulat si Dylan kaya bago pa man ito makapagsalita, mabilis niya nang tinawid ang pagitan niya rito. Patingkayad niyang inabot ang mga labi nito para hagkan. Patawarin siya ng Diyos pero hindi niya alam ang mangyayari pagkatapos nito. Ang alam niya lang kailangan niyang isalba ang pride niya kahit papaano.

“Stop crying, will you?!”

Igtad na nagbalik si Danica sa reyalidad. Parang batang nagpunas ang dalaga ng mga mata at tumingin kay Dylan.

“Pasensya na. Ang gusto ko lang naman ay patunayan sa kaniyang matagal ko na siyang binura sa buhay ko.”

“Come again?” nangunot ang noong tanong ni Dylan.

Doon na naman napahikbi ang dalaga. “Nakita ko si Andrie---si pangga ko.”

“Teka---Andrie De Chavez?!”

Marahan siyang tumango habang panay ang singhot. Gaya niya ay nagulat rin si Dylan. Subalit higit pa roon ay tila may iba pang dahilan. Sa reaksyon ng mukha nito parang kilala nito si Andrie ngunit hindi na lamang siya nagtanong.

“Jesus, can’t believe this.”

Sa tono ni Dylan para bang ang laki ng kasalanang ginawa niya. Kung tutuusin pariho lang naman sila.

“Oh, patas na tayo kung ganoon. Nagsinungaling ka rin naman hindi ba..?” mahinang usal niya. Ewan niya, pero iyon na lang ang alam niyang isasagot.

Umarko ang kilay ni Dylan habang nakatingin sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Pagkaraan ay nilagpasan siya nito at tinungo ang pinto.

“Siguradohin mong kaya mong panindigan ang mga sinabi mo.”

Nilingon niya ito subalit tanging pagsara na lamang ng pinto ang naabotan niya. Hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin.

MATAPOS ang gabing iyon ay pormal na ngang ipinakilala si Danica ng Lolo ni Dylan. Hindi na rin pinayagan ang dalaga na bumalik pa ng Pampangga ng matanda para magtrabaho. Aanhin niya pa raw iyon eh, kayang-kaya naman daw siyang buhayin ng Apo nito. Sa katunayan may sarili na siyang kwarto sa mansyon kung saan siya mamamalagi pansamantala hangga’t hindi pa sila mag-Asawa Dylan.

Sa susunod na buwan ang kasal. Lahat ng pamilya niya sa Leyte inimbita, maging ang Amo at katrabaho niya sa Cafè. Pati na rin sina Lily at Ate Sheila niya.

Bumuntong hininga siyang pumasok sa loob mula sa veranda. Sa isang iglap ay nagbago ang buhay niya. Hindi niya naman akalain na ito pala ang kahihinatnan ng ginawa niya. Paano sila magsasama ni Dylan kung walang pag-ibig? Paano niya ipaliliwanag sa mga magulang niya ang nangyari?

Si ATM boy? Ayon ang sungit na simula no’n. Ni hindi na siya kinakausap, ni nginingitian kapag nagkakasalubong sila sa pasilyo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status