“Ate, gising na,” pambubulabog sa kaniya na siyang ikinaalimpungatan niya. Naramdaman din niya ang panghahatak ng kumot na siyang agad dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa katawan.
“Ano ba, Maria? Umalis ka nga. Putragis naman, e,” iritableng sagot niya bago muling kinapa ang kumot na natanggal. Ni ayaw pa niyang idilat ang mga mata.
“Ate, umalis na sina Inay at Itay. Kailangan mo ng gumising. ’Di ba pupunta tayo sa bayan? Baka parating na si Kuya Brent?” anitong niyuyugyog pa siya.
“Ano ba, Maria. Kayo na lang ang pumunta tinatamad ako. Gusto kong matulog,” sagot niyang nakapikit pa rin. Hinayaan na niya ang kumot na hindi
“Okay ka na, Love?” tanong ng nobyo matapos siyang bitiwan. Napapunas naman siya ng pisngi gamit ang mga palad.“Okay lang ako. Pasens’ya ka na sa mga nangyari. Hindi ko gustong makita mo ang mga bagay na iyon sa pamilya ko, Brent. I’m so sorry.” Agad siyang tumayo at kinuha ang kumot na nasa tabi nito.“No worries, matagal ko ng nakita ang mga bagay na iyan. Sanay na ’ko,” nakangiting balik nito na siyang ikinatitig niya rito. Agad naman itong tumayo’t humalik sa noo niya na siyang ikinanlaki ng tingin niya rito.“I love you, Love.” Sabay kindat nito. Nananatili naman siyang nakatulala rito kaya humalik din ito sa labi niy
“Naks, guwapo talaga.” Nakangiting titig niya sa salamin. “Iba talaga.” Ibinaling pa niya sa magkabilang gilid ang mukha.Nasa katamtamang laki siya ng silid na mula rito nakikita niya ang sarili sa salamin. Natatanaw rin niya ang kama na kasya ang dalawang tao
“Kumusta?” Sulpot ng kung sinong kakapasok sa pintuan.“Inang Reyna—”naisabibig niyang titig sa hindi katandaan na ginang. Bagamat may edad na ito kita pa rin ang pagiging elegante at maganda. Ang Queen of Cups ng buong palasyo.May maamong mukha, matangos na ilong, makapal na kilay at labi ngunit may seryosong mga mata na parang laging may hinahanap o inaalam na mga bagay. May pansit kanton din itong buhok na nakukulayan ng naghalong kayumanggi’t pula.“My dearest king, kumusta na? Namiss kita, Anak.” Agad itong lumapit sa kaniya at yumakap bago siya hinalikan sa noo. “Tama na iyan,” tukoy nito sa akmang
Nai-iling siyang nakaupo sa bench na nakukulayan ng maroon. May lawak itong labinlima na kataong puwudeng maupo ng tabi-tabi, maging sa itaas ay ganoon din. Sa suma-total tatlumpo na katao ang puwede mamalagi sa lugar na iyon. At nang mapatingin kaliwang dako hindi nakaligtas sa kaniya ang buong lugar. Napapalibutan ito ng bulaklak na kalatsutsi na may iba’t ibang kulay na siyang bahagya niyang ipinagtaka. Bukod kasi sa mga bulaklak na ito, puwede namang rosas o ano pang puwedeng gamitin pangdesenyo na lang sa paligid ngunit mas pinili pang ito ang gamitin. Weirdo lang. “Tsk!” Sa huli binalewala na lang niya at nagpatuloy sa pagkakadekuwatro sa tabi ng malaki at matandang punong nagpapakubli sa bench na iyon. Makapal at maagap ang pag-ugoy ng sanga ng puno kaliwa’t kanan na siyan
“Kumusta ang pinapagawa ko, Demetrio?” Agad siyang nagulantang sa bagong dating. Napatayo pa siya sa pagkakaupo sa lamesa. “G-Ginang Lucenia—”aniyang halos bulong na lang. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan na niya ito. “Nahanap mo na ba si Azucena,” sa halip na tanong nitong inililibot ang tingin sa loob ng kubo niyang maluma na. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang mapunuri at mainsultong tingin nito sa tinutuluyan niya. Gayon din, kumikintab ang suot nitong mahabang kalimbahin na may kumikinang na mga bato. Hawak-hawak pa nito ang pamaypay na hindi inaalis ang tingin sa bahay-kubo niyang nakatagilid na. Kaunting tulak na lang tuluyan na itong maibubuwal pa. Hindi rin nakaligt
Habang nasa biyahe siya halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, dama niya ang pakiramdam na parang sinasakal siya na hindi malaman, animo’y may nagtutulak sa kaniyang huwag ng tumuloy at umatras na lang, ngunit malakas ang loob niyang kakayanin niya ang kung anumang magaganap dahil ginusto niya ito. Siya ang pumili nito para sa sarili kaya wala ng atrasan pa. Ganoon naman kasi dapat, kung anuman ang desisyong gagawin o susundin, handa rin sa maaring maging kinalabasan lalo’t hindi pa nakikita ang kalalabasan, pero sabi nga nila, kung hindi lalabas sa comfort zone o sa familiar place na nakasanayan paano malalaman ang hinaharap. Paano makikita ang liwanag sa kadiliman kung sasanayin na lang ang sarili sa dilim. Paano makikita ang araw kung tatakpan ang mga mata. Paano malalaman ang pakiramdam na mapaso, malamigan, masarapan kung hindi nanaising sumubok na maramdaman.
“Careful,” anito na siyang ikinasalampak niya sa lupa dahil sa pagbigay ng mga tuhod. “Make sure na umiwas ka ng landas ’pag makita mo ako dahil kung hindi—” “Tama na ’yan, Lil’Ad,” dinig niyang putol ng kasunod nito pero napalingon pa rin siya sa mga ito. Nakalingon pa rin sa kaniya ang lalaking may masamang tingin. Napalunok pa siya dahil doon ngunit agad na itong naglakad palayo na ngumisi pa sa kaniya. Nakasunod pa rin naman dito ang lalaking naka-maroon na T-shirt. Guwapo sana ang isang ito kaso parang walang kaemo-emosyon sa buhay. Hindi niya alam kung ano bang iniisip niya, sa halip na matakot sa banta ng nauna parang abnormal pa siyang pinupuri ang kasama nitong mula sa awa sa kaniya bumalik sa pagiging seryoso. &nbs
“Nasaan na kaya ’yon?” bulong niyang palinga-linga sa paligid. Kanina pa siya paikot-ikot pero hindi pa rin mahanap ang Business building na pupuntahan. Tumingin pa siya sa suot na relos. “Geez, Alas-Nuebe na? Shit!” Mula ng makapasok sa higanteng tarangkahan kanina pa siya palinga-linga. Tumitingin-tingin din siya sa bawat departamento nagbabakasakaling ito na ang kanina pa hinahanap. Natatanaw rin niya ang nagtataasang gusali na purong maroon na may itim na poste at lining sa buong paligid. Mula rin sa kinatatayuan kita niyang tig-anim lang ang bawat palapag na pari-pariho ang kulay. Gayon din, ang isa pang dahilan kung bakit interesanti ang lugar, noong nag-apply siya for enrollment isang normal na eskuwelahan ang nasa litrato kabaliktaran sa itsura nito ngayong parang puzzle building. Mula sa