"Tingin mo bakit sila namatay?""Alam mo tigilan mo na 'yan! Tara nalang kumain lilibre kita." bigla naman nagningning ang kaniyang dalawang mata dahil sa sinabi ko."Anong meron?" nakangiting tanong niya."Duh! Dahil goods na tayo kaya naman lilibre kita." Hinila ko na siya at tumakbo na kami papunta sa Mcdo.Katulad nga ng sabi ko ay malapit lamang ito sa school namin kaya naman kayang kaya itong lakarin."Ano order gusto mo?" Nasa loob na kami at ngayon ay parehas kaming nakatingin sa menu."Kung ano nalang din ang sayo." sagot niya at nagpaalam siya saakin na maghahanap siya ng pwede naming upuan.Kagaya nga ng sabi niya ay parehas na kami ng order. Yung order namin ay may chicken and rice na with fries and also McFlurry.Matapos kong mag-order ay pinuntahan ko na siya kung saan ang magiging upuan namin."Ikaw na ang kumuha ng order natin hintayin mo lang na tawagin ang number na ito." tinuro ko yung number na nakalagay sa resibo.Tumango naman siya bilang tugon. Nagphone muna ak
Lumipas ang gabi na iyon na hindi ko na nasagot pa ang naging tanong niya dahil dumating bigla ang naging sundo niya.Nasa work kami ngayon at dahil sabado ngayon at sobrang daming costumers."One iced coffee!" Sabi ko sa naggagawa ng coffee with is si Levi.Yes, maalam na siyang maggawa ng coffee and ngayon ang unang araw na siya na ang gagawa ng coffee na ise-serve sa costumers."Tama ba 'tong ginagawa ko?" Hindi ko alam kung matatawa ako dahil pabulong niya itong itinanong kay kuya mark.Si kuya mark ay isa din sa staff dito sa coffee shop at siya ang pinakamatagal na dito. Siya rin ang nagturo saamin nung first day namin."Tama 'yan tiwala ka lang sa sarili mo." Tinapik niya sa balikat si Levi at nag-umpisa na ulit kumuha ng order.Kami kase ngayon ang nakatoka sa kaha. "Mag-lunch muna kayo ni Levi kami na bahala dito."Tumango nalang kami bilang tugon dahil gutom na din talaga kami. Nagulat pa ako nung akbayan ako ni Levi nung makalabas kami mula sa shop."Ang bigat ng kamay mo!
"This is the reason why I like you."Pinalo ko lang siya sa balikat dahil sa mga pinagsasabi niya. Ang mga natira namin na pagkain ay binigay din namin sa ibang bata na namamalimos sa tabi ng kalsada."Wow sulit ninyo ang lunch ah, 2 pm na po baka naman gusto niyo din kaming pakainin." Pabiro na sabi ni Kuya Mark.Naging busy ulit kaming dalawa ni Levi at nung matapos naman ang shift namin ay sabay na din kaming umalis sa shop."See you on monday!" Lunes na ngayon at kakatapos lang ng aming mga klase at ngayon ay pupunta na kami sa gym dahil may announcement daw para sa mga lakan at lakambini."So biglaang 'to pero sana ay magawan ninyo ng paraan. Gusto kase ng ating principal na magkaroon ng talent portion. And sakto naman na bukas ay may event na magaganap sabi ng ating principal ay isasabay na daw siya sa event bukas." May pa talent portion? E wala naman akong talent.May tumaas ng kamay kaya natuon sa kaniya ang aming attention."Miss paano po if walang talent." Thank you sa pag
Ngayong araw na ang aming talent portion. Kahapon ay inabot na kami ni Levi sa pagpapractice ng aming talent na ipapakita."Kinakabahan ako." Bulong ko sa kaniya. Katabi ko siya dito sa unahan kasama ang iba pang mga contestants. Hindi pa nagsisimula ay kanina pa ako kinakabahan. Nagpaalam muna ako kay Levi na pupunta muna ako sa comfort room. "Samahan na kita." Alok niya sa akin."Hindi okay na diyan ka nalang." Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at agad na umalis at nagtungo sa comfort room."Shit puno na ang pantog ko!" Sabi ko at dali daling pumasok sa pinaka dulo na cubicle.Nakahinga naman akonng maluwag nung matapos akong umihi. Naghuhugas na ako ng kamay nung may marinig ako na tunog na para bang may kumalabog. Binilisan ko na ang paghuhugas at pinuntahan kung saan nang galing yung tunog. Hindi pa man ako nakakalapit ng husto ay nakita ko na at natanaw ko na mula rito ang ulo ni Xandra.Nagtago ako sa mga nakatambak na upuan nung mapatingin siya sa gawi kung nasaan
"For this is all I knowI'll never go far away from you" Halos para na akong nabingi dahil sa hiyawan na aking naririnig mula sa mga manonood lalo na sa mga kaklase ko. Pero ang bagay na naiintindihan ko lang ay ang mga words na 'yon na binanggit ni Levi, alam kong kasama 'yon sa lyrics pero iba kase ang naging dating nito sa akin. Until now ay yakap pa din ako ni Levi pero dahil awkward masiyado ay humiwalay na ako dito. Nagsalita lang ang host sa unahan habang kami naman ay umalis na sa harap ng stage. Nung nasa backstage na kami ay doon ko lang naramdaman ang kakaibang saya ko. Ngayon nalang ulit ako nagperform sa harap ng tao at malaki ang pasasalamat ko kay Levi dahil hindi niya ako pinabayaan at sinalo niya yung ibang lines ko. "We did it!" Humarap ako kay Levi at dahil nga sa sobrang saya ko ay hindi ko na namalayan na nayakap ko na pala siya. Nagulat din siya sa biglaang pagyakap ko. "Nahumaling ka na ata ng pagyakap sa akin." Nakita ko naman kung paano sumilay ang ngis
"It was specifically designed for you to wear." Pumunta siya sa harap ko para tignan ang suot ko na dala at bigay niya. Ngumiti siya sa akin at bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam kung bakit ganito niya ako bigla itrato. "Thank you." Ito na ang last na usapan namin at umuwi din agad siya pagkahatid niya sa akin. Nung umuwi ako ay deretso na ako sa pagkain at pagtulog dahil sa din sa sobra ang grabe din ang mga nakita ko nung araw na 'yon. Ngayong araw na ang pinakahihintay ko sa lahat, sahod day na! Maaga ngayon ang aking shift mula 6 am to 1 pm. Gumising ako ng 4 am para maghanda ng aking makakain at makaalis dito before 5:30 am.Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nung marinig ko ang cellphone ko na tumutunog, may tumatawag. Tinignan ko ang name ng caller at nung makita ko na si mama iyon ay sinagot ko agad ang tawag niya."Mama! Miss na kita, bakit ngayon ka lang tumawag?" Halos manggilid ang luha ko sa mata nung sagutin ko palang ito."Anak miss na din kita." panimula na s
"Yung ex ko... ex-girlfriend ko."Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang pwede ko na maging tugon sa sinabi niya. Hindi ko alam. Kahit ako ay nagulat.Pero sa ilang kataga ay napatigil ang mundo ko. Bakit ko ba tinanong ang tanong na dapat hindi ko na tinatanong sa kaniya dahil sa mukha at paghihinagpis palang niya ay makikita na agad sa kaniya."Mahal mo pa ba?"Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa nung dahan dahan siyang lumingon sa akin. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Hindi siya nagsalita. Basta tinitigan niya lang ako.Gusto kong hanapin sa mga mata niya ang sagot sa tanong ko. Pero hindi ko makita dahil sobrang dilim ng expression niya."Gusto mo pa bang kumain."Ako din ang unang sumuko, alam kong mahal pa niya ang ex niya at tanggap ko 'yon. At teka bakit naman hindi ko matatanggap? E kaibigan lang naman niya ako.Kaibigan niya lang ako.Oh teka bakit ako nasasaktan?Bakit biglang bumibigat ang aking damdamin?Siguro dahil sa hindi ko inaasahan na pinagdadaanan niya ng
Nandito pa din kami ngayon sa labas ng Jollibee naghihintay kami dito sa may parking lot na matapos ang order namin.May iniabot sila sa amin kanina na iba't ibang uri ng burger at pati na din french fries. Binigyan din nila kami ng drinks.Kanina ko pa inaaway si Levi pero siyempre palihim lang baka sabihin nung driver ay kinakawawa ko si Levi kahit ang totoo ay ako ang kawawa sa kaniya."Manong kain po muna kayo." Inabot ko sa kaniya yung dalawang burger at mga drinks para naman kung sakaling nagugutom siya ay makakakain siya.Tumingin muna siya kay Levi bago niya kunin yung mga pagkain mula sa kamay ko."Tara muna sa labas Levi." Tumango naman siya sakin at lumabas sa sasakyan.Pagbubuksan niya sana ako ng pinto pero huli na siya dahil nabuksan ko na ito."Ano ba 'yan Ali, ulit!" Sinarado niya ulit ang pinto. Narinig ko ang tawa nung driver kaya naman natawa nalang din ako. Ano bang pakulo ito Levi?Binuksan niya ang pinto at ngumiti sa akin ng pagkakalaki. "At your service Miss G