Share

Chapter Fourty-five: A Promise Of Forever

Hindi magkandaugaga ang lahat ng mga tao sa loob ng palasyo dahil sa paghahanda sa gaganaping koronasyon mamaya. Pagkatapos ng kasal namin ni Lucian ay hindi na sila nag-aksaya ng panahon at agad agad ng sinimulan ang paghahanda. Naipabatid na rin nila sa iba't-ibang kaharian ang mangyayare mamaya. Tanging ang kaharian lang ng Destruria ang hindi nabigyan dahil wala na ang kaharian. Nang mamatay si Queen Bernadette ay naglaho na rin ang asawa nito kaya naman walang namumuno ngayon sa Destruria.

Ang dating magarang palasyo ay mas naging magara ngayon. Nagliliwanag ito dahil sa mga gintong palamuti sa bawat sulok. Namamasa na ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba. Ang sabi sa akin ni Elizabeth ay isang sentence lang naman ang sasabihin ko mamaya pero hindi parin maalis ang kaba sa d****b ko.

I'm having a cold feet. Kung dati ay sigurado na akong gagampanan ko ang responsibilidad kong ito, ngayon ay parang gusto ko ng umatras.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status