Rules
"Anak, gising na."
Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko kaya dahandahan akong nagmulat ng mga mata. Muli rin akong napapikit nang masilaw ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kuwarto ko.
"Dawn, gising na. Wala ka bang balak pumasok?" muling tanong ni Mama.
Sinubukan ko ulit dumilat pero kumirot ang sentido ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ang sakit ng ulo ko?
Dahandahan akong bumangon habang hinihilot ang aking sentido.
"Ayos ka lang?" tanong ni Mama kaya tumango ako.
"Masakit lang po ang ulo ko,” mahina kong sabi.
"Naku. Baka dahil lagi ka na lang puyat kaya masakit ang ulo mo. Mabuti pa huwag ka nang pumasok—
"Hindi po puwede. Kaya ko naman pong pumasok. Ililigo ko lang 'to tapos ayos na ako."
Mataman akong tiningnan ni Mama bago siya
Threat"Hindi ka umuwi kagabi, Dawn?"Napatigil ako sa pagnguya nang biglang magtanong si mama. Akala ko ay hindi nila napansin ang pagdating ko kanina. Dumiretso kasi ako agad sa kuwarto para maiwasan ang pagtatanong nila.Dahandahan akong tumango bago uminom ng tubig. Medyo kinakabahan pa ako at nagdadalawang-isip kung tama bang sabihin ko ang totoo pero sa huli ay umamin na rin ako. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni papa."Ibig sabihin magdamag kang nagtrabaho? Wala ka pang tulog niyan?" nag-aalalang tanong ni papa.Agad akong umiling. "Hindi po. Sa totoo nga po niyan, magdamag akong natulog."Tiningnan nila ako nang may pagtataka kaya alanganin akong ngumiti. Totoo namang magdamag akong natulog... sa condo ni Theros."Saan ka ba talaga nanggaling? Huwag mo sabihing sa boyfriend mo at doon ka nakitulog&md
Cousin"A-Anong kailangan n'yo sa 'kin?" nauutal kong tanong habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko.Ngumisi si Raven kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko gusto ang klase ng ngisi niya. Para bang may iniisip siyang masama."I'm just curious, why would you go to Theros's condo? Anong gagawin mo roon?" tanong niya kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya.Nag-isip ako saglit dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Aaminin ko ba na tagalinis ako sa condo ni Theros dahil may utang akong binabayaran? O magsisinungaling na lang ako? Kahit ano namang idahilan ko, dapat wala na siyang pakealam doon."Miss, you don't have to lie. I just want to know why," Raven said.Bigla namang humagalpak ng tawa si Phoenix kaya napatingin kami sa kanya.Itinuro niya si Raven. "Marunong ka
Wish"Hindi ko sinasabi ito para kaawaan mo siya. I just want to inform you so that you would avoid topics about his parents."Naalala ko tuloy noong tinitingnan ko ang family picture nila Theros, parang nag-iba bigla ang aura niya. Bigla siyang nagalit at ngayon ay mukhang naiintindihan ko na. Siguro dahil ayaw niya talagang pag-usapan ang tungkol sa kanila.Kahit ako ay hindi magawang maisip kung gaano kahirap para kay Theros ang mawalan ng magulang. Pero rason ba 'yun para lumaki siyang kulang sa pangaral? Puwede na bang gamiting excuse 'yun para hindi siya maging mabuti sa kapwa niya?"Hindi mo naman kailangang humingi ng pabor sa 'kin. Saglit lang naman akong magiging tagalinis sa condo niya," sabi ko."You wouldn't know what will happen next. So please, Theros only needs love and care from someone. Can you do it?"Bumuntongh
Deal"Dahil...matagal na akong itinakwil ni Mama bilang anak."Natigilan ako sa sinabi ni papa. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya nilingon ko si mama. Nang tumango siya ay doon ko napagtantong totoo nga."I-Itinakwil po kayo ni lola? Pero bakit po? May nagawa po ba kayong kasalanan?" naguguluhang tanong ko.Wala akong maisip na dahilan para itakwil ni lola si papa. Napakabuting tao ng papa ko at hindi ko maisip na kayang ipagtabuyan ng isang ina ang kaniyang anak.Muling huminga nang malalim si papa bago pilit na ngumiti."Simula nang piliin kong makasama kayo ng Mama mo, itinakwil niya na ako,” sabi ni Papa kaya mas lalo akong nagulat.Si mama naman ngayon ang bumuntonghininga."Hindi kasi tanggap ng lola mo ang relasyon namin ng papa mo. May iba siyang gusto na pakasa
BoyfriendKinabukasan, alas-singko pa lang ng umaga ay nandito na ulit si mama. Kaya naman may oras pa ako para umuwi at makapag-ayos. Gusto ko mang bantayan na lang si Danico ay hindi puwede dahil may klase pa ako."Mag-iingat ka, Dawn," bilin ni Mama.Tumango ako. "Opo, 'Ma. Alis na po ako."Lumabas ako mula sa kuwarto at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko pa sila Papa at Laiza na kumakain ng almusal kaya sumabay na ako."Anak, pakisabi doon sa kaibigan mo, salamat sa pinahiram niyang pera," sabi ni Papa bago uminom ng tubig.Napahinto ako at bigla kong naisip si Theros. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung siya ba talaga ang nagpahiram sa akin ng pera. Alam ko naman na may tinatago talaga siyang kabaitan pero hindi lang talaga maisip na siya pa ang tutulong sa akin."Sige p
MessagePabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako patungo sa Dean's office. Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ni Dean pero pakiramdam ko ay may masamang balita akong maririnig."Sige Miss, pasok ka na," sabi ng secretary ni Dean bago binuksan ang pinto para sa akin.Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Naabutan ko si Dean na may binabasang papel."Good morning Dean. Pinatatawag n'yo raw po ako?"Mula sa mga papel ay nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti."Take a seat, Miss Celeste," he said and motioned the seat in front of his desk.Tumango ako at agad na umupo. Mas lalo akong kinakabahan at hindi mapigilang manlamig ng kamay ko. Idagdag pa ang malamig na atmospera ng opisina nang dahil sa aircon."Miss Celeste, naging busy ka ba masiyado nitong mga
Hidden"Miss Celeste, I'm glad to see you here," Mr. Demeza greeted me as I entered his office.Inilibot ko ang paningin sa paligid at doon ko napansin na malawak itong opisina niya. Walang ibang taong naroon kundi kaming dalawa lang. Ang sekretarya niya kasing naghatid sa akin dito ay iniwan kami agad.Iminuwestra niya ang upuan sa harap ng kaniyang mesa."Have a seat," sabi niya kaya sinunod ko iyon.Habang papaakyat dito kanina ay hindi ko makita kung may iba pa bang model na narito. Parang ang tahimik nga ng buong building at hindi halatang isa itong kompanya ng isang soap brand."Before I let you proceed to the shooting area, you have fill up this paper. It contains your informations para na rin may ideya kami kung sino ka," sabi ni Mr. Demeza.Tumango ako kinuha ang papel na inabot niya sa akin. Sinagutan ko iyon ag
DateWalang nagsasalita sa amin ni Theros habang nasa sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas habang yakap ang sarili ko. Hindi ko siya kayang tingnan dahil nahihiya ako. At mas lalo akong nahihiya sa suot ko.Kahit pa nakasuot pa sa akin ang suit niya ay pakiramdam ko kulang pa rin ito. Iniisip siguro ni Theros na gano'n na ako kadesperada sa pera. Pero totoo naman. At kung gano'n nga ang iniisip niya sa 'kin, bakit bumibigat ang puso ko?Huminga ako nang malalim bago siya nilingon. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho."S-Salamat. Hindi ko alam kung anong pinunta mo ro'n pero salamat dahil... isinama mo ako," mahinang saad ko.Gusto ko siyang pasalamatan kahit hindi ko alam kung ako ba talaga ang dahilan ng pagpunta o baka tungkol sa negosyo iyon. Nadagdagan ulit ang utang ko sa lalaking 'to."You went