Share

KABANATA 9

MINOR

Pagkatapos na masiguro ni ate Lilac na okay lang ako ay bumalik ito sa kanyang upuan. Si kuya Calibre ang nag-iihaw. Tumayo si sir Kaixus at pumunta sa kanyang pamangkin, tinapik nito sa likod si kuya Calibre at ibinigay ng huli ang pamaypay sa kanyang tiyuhin. Tumabi sa akin si kuya Calibre at bumulong. 

"Ano kayang nakain ni tito? Bakit parang ang sipag niya ngayon? Hmmmmn..."

Tumingin si kuya Calibre sa akin kaya napatingin ako sa kanya at saka nagkibit balikat. Hindi ko rin po alam kuya Calibre. Hindi po kami close ng tito ninyo. Bulong ko sa aking isipan... 

"Hindi ko po alam kuya..." 

Parang hindi ito kontento sa aking sagot kaya tinignan ako sa mukha. Umiwas ako kaya tumikhim si kuya at hindi na ako kinulit pa. Aba'y dapat lang dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit ang kanyang tiyuhin ang nag-iihaw ngayon. 

Tumayo si ate Avikah at lumapit sa kanyang tito. Tinulungan niya ito sa pag paypay. Inilagay rin niya sa plater ang mga naluto na mga inihaw. May mga pusit,gulay,karne ng manok at baboy at kung anu-ano pa. 

"You can it na guys...Do we have enough beer, ba? or you want more, guys?" 

Tanong ni ate sa mga kasama namin.

Sumagot si kuya Spiker at kuya Calibre ng sabay,

"I'll get more!" - Spiker.

"Ako na!" - Calibre.

"Okay, bahala kayo...get juice for Yacinda at Lilac," saad ni ate Avikah.

"Copy that ate," si kuya Spiker.

Tumayo na ang dalawang magpinsan at pumasok sa loob. Pagdating nila ay may dala silang isang cooler at may pitsel na hawak si kuya Spiker sa kanyang kanang kamay samantalang si kuya Calibre ay may hawak na mga baso sa kanyang kaliwang kamay. Tumayo kami ni ate Lilac at kinuha ang mga dala ng dalawa. Iyong pitsel ang kinuha ko at si ate Lilac naman sa mga baso. Nilapag namin sa lamesa ang mga kinuha namin. Inilagay naman nila kuya Spiker sa baba ng mesa ang cooler. May mga nabuksan ng beer pala ang mga ito bago pa kami dumating nina kuya Spiker. Mukhang kanina pa umiinom sina ate Avikah. Yung beer naman ni ate Lilac ay hindi nakabukas kaya alam kong hindi ito uminom. 

Nang matapos maihaw ang pangalawang salang ay umupo ng muli si sir Kaixus sa kanyang dating pwesto. Bumalik rin sa aking tabi si kuya Calibre. 

"Lilac, Yacinda, kung hindi kayo iinom ng beer ay kumain nalang kayo sa mga naihaw na. Grape juice iyong kinuha ko para sa inyong dalawa. Kumuha rin ako ng red wine. Baka gusto ninyo?" aniya.

"Okay na po ako sa juice kuya Calibre," sagot ko.

Maging si ate Lilac ay nagsalita rin, "Maraming salamat po sir Calibre. Iyong juice nalang po ang amin ni Yacinda hindi po kasi ako umiinom ng alcohol..." 

"I got it!" maikling sagot ni kuya Calibre. 

Mabuti naman at naintindihan niya. 

Iniabot ni ate Avikah sa akin ang isang plato na may lamang naihaw na, "You eat bunso, don't mind us, we'll have some beer. It's bad for minors. Keep away from it, okay? The wine is good but I don't recommend you trying alcoholic beverages or else you'll get addicted to it, your body and mind will crave for it, just like Love," makahulugang sambit niya. 

"Ate ang corny mo, anong kinalaman ng alcohol sa Love?" tanong ni kuya Calibre. Nakikinig pala ito. 

Tumingin si ate sa gawi ni kuya Calibre.

"Teenage pregnancy, Cali. You get it?" bira pa ni ate.

Pinamukha niya na may koneksyon talaga ang inumin sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Tama naman siya doon... 

Itinaas ni kuya Calibre ang kanyang dalawang kamay ka-level ng kanyang ulo, upang sabihing suko siya sa sinabi ng pinsan. 

Nagpatuloy ang mga kwentuhan nina ate tungkol sa mga bagay bagay gaya na may kinalaman sa business at sa mga kung anu-ano pa. Hanggang sa magsalita ang kanilang tiyuhin. 

"There are broken posts and wires at the south, west and east part of the property that's why you should stay alert while you're here. I can't monitor you everyday, that's why you, Calibre, don't try to sneak out during the night. If you don't have important things to do in here, better go back to Manila as soon as possible." 

"Tito, I'll stay here for the rest of the vacation, then. I won't let you go alone patrolling at night. We are also harvesting the crops it's a bad idea if I'll go back and relax my ass while you are hustling here. I'll take responsibility too..." 

"Talaga ba, Calibre? Makakatagal ka rito? You wouldn't mind to be tan for the next semester?" puna ni kuya Spiker na parang nabigla sa sagot ng pinsan. 

"Of course. Tanning is good for men. Girls aren't going gaga for whites nowadays unlike in the old days." 

Hanga ako sa katwiran ni kuya Calibre. Kahit bata siya ay alam niya ang responsibilidad niya at kahit na sinasabi nila na siya ang pinaka playboy sa kanila ay hindi niya iyon binibigyan halaga kundi mas binibigyan niya ng pansin ang mga bagay na pangmatatanda at ikakagagalak ng kanyang angkan.

"Who will be back with me in the metro next next week, if you guys won't come?" tanong ni ate Avikah. 

"You alone, ate," kindat ni kuya Calibre sa pinsan niya. 

"You bring the papers with you Avikah, let your Dad sign it and I'll ask my secretary do the rest. You just have to ask kuya for the supervision," ani Kaixus. 

"I got it, tito. I already informed Dad about it. He agreed."

"Ako ang sasama sa'yo sa Manila next next week Avikah, I'll be personally attending the conference about that papers."

Si kuya Kalyl iyon. Mukhang mahalagang papeles at proyekto ang pinag-uusapan nila. Tahimik lang kami ni ate Lilac na nakikinig. Wala akong idea sa usapan pero alam kong may idea si ate Lilac sa mga ganoon lalo na at kay Mayor siya pumapasok bilang sekretarya. 

"We'll go, first. Maiwan na namin kayo dito. We have to go back to the west part," saad ni kuya Spiker.

Tumayo na ito at maging si sir Kaixus. 

"I'll go with you, two," ani kuya Kalyl at tumayo na rin. 

Sabay-sabay na umalis na ang tatlo at kami nalang nina ate Avikah, kuya Kaixel at ate Lilac ang naiwan. Paubos na rin ang mga naihaw kanina at maging ang beer na kinuha nina kuya Spiker. 

"Lilac, sa tingin maganda ba siya? Iyong pinakita ko sa'yo kanina?" 

"Oo naman po," sagot ni ate. 

"Okay, I see. Medyo inaantok na ako, I'll go up first." 

Sa wakas ay nagsalita na si kuya Kaixel. Kanina pa ito tahimik. 

"I'll go with you, Kaixel. Wait for me!!!" 

Medyo nakalayo na si kuya Kaixel ng nagsalita si kuya Calibre kaya niya ito hinabol. 

"Bilisan mo na baka maligaw kapa!" biro ni kuya Kaixel kay kuya Calibre at nagtawanan ang dalawa. 

"Bro, bahay natin ito, maliligaw ba ako? Are you serious?!" 

Narinig naming sagot ni kuya Calibre. Tumawa si ate Avikah. 

"Ganyan talaga iyang dalawa na iyan." 

Sinabihan kaming lumapit sa tabi ni ate Avikah. Lumipat kami sa gitna ng table. 

"Now, we are the only three left, you guys wanna drink the wine? I go and get cold cuts, nuts, bread and cheese...Masarap iyon for wine. You should try." 

"Naku Ma'am, nakakahiya naman po," turan ni ate Lilac. 

Nakikita ko lagi tuwing handaan dito ang sinasabi ni ate Avikah pero hindi ko pa natikman kailanman ang wine. Iyong mga ibang sinabi lang niya ang natikman ko na. 

"Ummmnnn, don't be. Wait for me, I'll go and get wine glass too. It's actually a good night to drink some wine."

Tumayo na nga si ate Avikah at tumakbo pa punta sa loob ng Mansion. Nagkatinginan nalang kami ni ate Lilac at sabay nagkibit-balikat. Hindi naman kami makatanggi o maka hindi kasi si ate Avikah na ang nag-alok, medyo nakakahiya lang talaga na siya pa ang maghahanda. 

"Palagi bang ganito ang handa rito tuwing okasyon, Yacinda? Nakatikim kana ba ng ganoon? Keso na galing sa kambing, baka at kalabaw lang ang natikman ko bukod sa eden cheese at margarine." 

"Minsan lang ate, masarap po iyong mga banyagang keso at mga banyagang cured meat ang palagi kong nakikita ni hinahanda ni ate Mae." 

Tumango tango ito, "Iinom kaba? Sabagay malapit ka ng mag dise-otso, pero konti lang, ha? Samahan mo lang kami kung okay lang sa iyo. Hindi naman siguro mahigpit si Nanay Ana." 

"Sige po ate..." 

I promised her that I'll accompany them if they'll drink.  

Ngumiti ito sa akin. 

Bumalik si ate Avikah pero kasama na si ate Mae at kuya Felix. 

"Inimbita ako ni Ma'am, mahirap ng tumanggi."

Napakamot ulo si kuya Felix. Ngumiti kami ni ate Lilac at pati si ate Avikah. 

"Kunyari kapa Felix... Tumigil ka nga diyan..." ani ate Mae.

"It's okay, Felix, huwag ka ng mahiya...Mae, dito mo nalang dalhin iyang hawak mo." 

Tinuro ni ate Avikah ang table. Nilapag naman ni ate Mae ang hawak niya doon.

Inayos namin ang pwesto ng mga upuan sa table. Maging ang mga bote at iyong naihaw kanina. Umupo na kami sa mga pwesto namin. Binuksan din ni ate Avikah ang isang Cabernet Sauvignon. 

"Alam ni Mae ang mga ito dahil palagi niyang hinahanda tuwing may okasyon dito sa Mansion. It's called charcuterie... Or just cheese and wine."

Inulit ni kuya Felix ang sinabi ni ate Avikah na charcuterie. 

"Charcuterie...Iyan pala ang tawag diyan, Ma'am." 

"Oo, Felix...You go guys, try it," ani ate Avikah.

Kinuha ni ate Avikah ang aking wine glass at nilagay ng konti lang, "Konti lang sa'yo bunso, ha..." 

Ngumiti ako, "Salamat po." 

Nilagyan din ni ate Avikah ang mga baso ng iba naming kasama. Nagpasalamat ang mga ito. 

Sinubukan nga naming apat nina ate Mae, Lilac at kuya Felix ang sinabi ni ate Avikah na ipares ang wine sa mga nasa plater. Masarap nga! Tamang tama ang pagsasama ng aroma at lasa ng prutas, cured meat, keso at tinapay sa wine. May olibo rin na berde at hinog at mga iba't-ibang klase ng nuts. 

"Naku! ang sarap pala nito, Ma'am... Tamang tama ang lasa ng lahat..." puna ni ate Mae.

Ngumiti si ate Avikah, "Diba? Sa Manila ito ang uso na pasalubong ng mga foreigners sa kanilang mga kaibigan o mga kasintahan bukod sa bulaklak." 

"Kaya pala siguro ang daming mga wine sa bahay nila Mayor, uso pala talaga ang mga ganitong pasalubong..." kwento ni ate Lilac. 

"Yup, that's true..." si ate Avikah. 

Inubos naming apat ang laman ng isang bote ng Cabernet at pagkatapos ay niligpit ang aming mga ginamit. 

"Sa quarters nila Mae na po ako makikitulog, Ma'am," paalam ni ate Lilac. 

Sayang at sasabihan ko paman sana siya na sa aking silid siya makikitulog. 

"Sure, sige sige, ayaw mo ba sa itaas?" ate Avikah asked.

"Hindi na po, kina Mae na po ako..." 

"Okay, okay, no problem." 

"Mauna na ako sa inyo," ani kuya Felix, tumingin ito kay ate Avikah, "Maraming salamat po ulit Ma'am." 

"No problem, Felix..." 

Umalis na nga si kuya Felix. Nagpaalam na rin sina ate Mae at ate Lilac at sabay ng naglakad papunta sa quarters nila Lola. 

Umukbay sa akin si ate Avikah, "Let's go upstairs too, bunso. I'm a little sleepy na rin... Sa room ko  nalang kaya ka makitulog. Para may kasama ako. May pasalubong ako sa'yo. Hindi ko sinabi kanina dahil baka mamaya eh, magtampo si Calibre," tawa ni ate. 

"Sige po ate, magsisipilyo lang po ako sa aking silid saglit." 

"Sige, I'll wait for you in the room." 

Nagkahiwalay muna kami ni ate Avikah ng nasa itaas na kami. Tumungo ako sa aking silid at nagsepilyo at nag shower. Matapos ay kumatok ako sa silid ni ate Avikah. Binuksan naman niya iyon at pumasok na ako sa loob. Hindi naman na bago sa akin ang silid ni ate, nakikitulog ako sa kanya lagi maging noon pa man. Iginaya niya ako sa kanyang bed at umupo kami. Inabot niya ang isang paper bag na may tatak na pang mamahaling gamit. Kinuha ko iyon at tumambad sa akin ang isang sapatos at dress. Napa-bukas ang aking bibig dahil kahit hindi ko pa nabubuksan ang box ng sapatos ay alam kong maganda iyon at iyong dress ay sobrang nagpapakita na mamahalin ang presyo. 

"How was it?" tanong sa akin ni ate Avikah. 

Lumingon ako kay ate,"Maraming salamat po ate. Napakaganda." 

"Go, you fit it..." aya niya.

Kahit medyo nahihiya ay sinukat ko iyong sapatos. Puti ito at may sign na GG maging ang dress ay peach ang kulay ay ganun din ang tatak sa tag niyon. Tumayo ako upang makita ang itsura ng sapatos. 

"Ang galing, ang ganda, I knew it! It fits you well... May ganyan akong pair that's why I got you one para parehas tayo. I have that dress too...go fit the dress, bunso." 

Hinubad ko ang sapatos at pumunta sa bathroom ni ate Avikah, I wear the dress and look at myself in the human size mirror inside the shower room. I look like a prominent girl, the one I always saw online. Those models who are beautiful and women from the high society. I smiled sadly... I heave a sigh. Huhubarin ko na sana ang dress ng kumatok si ate Avikah. 

"You go outside bunso, patingin ng fitting ng dress sa'yo? I'm not sure kasi if I get the right one for you. I just guess it kasi..." ani ate kaya lumabas ako. 

Nagulat ito paglabas ko.

"Oh my goodness!!! You can surpass a model bunso. It suits you so well. Let me take a photo of you. You sit on the queen chair. Dali! I'm so excited, ipapakita ko ito kay Lola... I'm sure may idea na iyon for your debut dress... Oh, my!" 

I sit on the vanity mirror as ate Avikah instructed me to, she told me to put my right hand sa aking baba tapos ay mag pout ako. I should act cute daw. She took a photo of me until she is satisfied. I photo is that, me sitting straight and smiling with my eyes closed. Another is that I act like I'm getting the camera and the last one is the one that I'm pouting. All three photos she got are perfect shot. She is into photography too and infact a professional photographer. She said she will add my photos on her portfolio. 

"I sent your photos in the group chat. You're so beautiful bunso, you can be a model or anything you want in the future..." ngiti ni ate sa akin. 

Nakapag palit na ulit ako ng pantulog at kasalukuyang nakahiga sa tabi ni ate Avikah. 

"Who is this girl, Miss Avikah? Can she do a collab with us?" 

Umagang umaga ay tumitili si ate Avikah. Hindi ko alam ang dahilan pero nagising ako sa tili niya mula sa balcony ng kanyang kwarto. 

"Diba? I told you, my sister is superb... I only used my phone to capture those ones..." 

Bumangon ako at inayos ang duvet at saka pumunta sa may balcony. Binati ko si ate. 

"Magandang umaga po!" 

Sumulyap sa akin si ate Avikah at ngumiti. She waved her hand signaling me to go closer to her. Pinutol muna niya ang tawag galing sa kausap niya sa kanyang telepono. 

"Bunso!!! I am so happy!" 

Iginaya ako ni ate sa upuan at umupo rin siya sa tabi ng upuan ko. 

"There are so many brands and designers that wants to scout you! Both locally and internationally...Yaaaaaay!!!!" 

Lito ako sa sinasabi ni ate Avikah pero ngumiti ako ng pilit. Hindi ko talaga alam kung anong meron. 

"Look!, open your account and see my business account..." 

Ngumiti ulit siya... 

Kinuha ko ang aking cellphone at tsaka nag online at tinignan ang sinasabi ni ate Avikah. 

Nagulantang ako sa aking nakita. Hindi ko alam na may isa pa palang litrato na kinuha si ate. Nakatayo ako at nakaharap sa kurtina ang aking likod at saka side ang aking ulo. Baka kuha niya iyon noong nagpapalit ako dahil hindi niya iyon pinakita sa akin. Napakaperpekto ng angulo ng pagkuha niya at ang aking pose ay maganda rin. Marami iyong likes at mga comments. Umabot ng trenta mil samantalang wala pang bente kwatro oras. Milyones ang followers ni ate doon sa photography at videography account niya kaya siguro ganun.  Karaniwang mga nature at hayop ang mga larawan na naroon at ako lang ang nag-iisang tao na kuha niya sa litrato. 

Binasa ko ang ilan sa mga komento ng mga tao doon. 

"Can I do a collab with her? I sent you a dm, Avikah thanks" galing iyon sa isang Giselle Luxhouse.

Kilala siguro siya ni ate. Binuksan ko ang account na iyon at puro mga magagarang mga dress ang larawan at video. May roon ring kuha na video na may mga modelong naglalakad at gumagawa ng pose samantalang maraming mga manonood sa gilid ng stage. 

May like at reply si ate kay Giselle. 

"Got you, girl!" iyon lang ang comment ni ate. 

May isa pang nag-comment na tumatak sa akin,

"Gorgeous! Bellisima!" 

It's from a username, sammys. 

Binasa ko rin ang iba pang mga komento at halos pare pareho ang tanong. Anong pangalan ko, paano ako ma-contact. Pwede daw ba akong makipagkolabo sa kanila. 

"I told you! You can surpass a model...Photo mo lang iyan. How much more if you're already in the runway." 

Kinumpay ko ang aking mga kamay kay ate. 

"Malayo po iyan, ate. Alam naman po ninyo hindi ako sanay sa mga ganyan," palusot ko. 

"You're still young, when I was your age I am not as friendly as you. I always want to be alone. I prefer to be alone but as I age, I learned things and I became more lenient towards myself. I enjoy things and appreciate things." 

Tumatak sa aking isipan ang mga sinabi ni ate Avikah. Baka nga pagdating ng araw ang mga bagay na sinasabi nating ayaw natin ay siya pala ang magsasalba sa atin. 

"Siguro po kapag nasa edad ko na rin po kayo. Pero sa ngayon ay, sa pag-aaral ko muna ibubuhos ang aking oras, hangang sa makapag tapos." 

"That's a good verdict, bunso." 

Hinawakan ni ate ang aking kaliwang pisngi at saka ang aking buhok. Naiintindihan niya siguro ang aking pinupunto. 

"Baba na tayo, nagugutom na ako, kanina pa text ng text sa akin si Calibre. Tinatanong kung may gagawin ba ako, gusto niya raw pumunta ng kanluran." 

Tumayo na si ate at maging ako. Naabutan namin sa sala sina kuya Kaixel at kuya Calibre. Nakatingin sa kanilang mga telepono at saka tumingin sa akin nang nasa tapat namin sila. 

Itinapat pa ni kuya Calibre sa mukha ang kanyang cellphone at saka nag thumbs up. Na intriga ata si ate Avikah sa ginawa ni kuya kaya niya hinablot ang aparato sa kamay ng huli. Pagkatingin niya doon ay ibinalik niya agad.

"Akala ko pa naman kung ano iyan." 

"Ate naman eh, panira ka talaga, pero mas magaling parin ako sa iyo na kumuha ng larawan..." pagmamalaki ni kuya Calibre.

"Tama na nga iyan, Calibre. Aminin mo na bro, ate Avikah is genius..." saad ni kuya Kaixel.

Umismid si kuya Calibre sa kanyang katabi, "Pinagkakaisahan ninyo ako ah, baby halika nga dito tayo nalang ang magkatabi..." 

Tumawa kaming tatlo nina ate Avikah at kuya Kaixel.

"Ang putik! Ang baduy! Umagang umaga..." tawa ni kuya Kaixel, "Kain na nga tayo, ate... Kayo lang hinintay namin ni ugok." 

Kumakain na kami ng may dumating. Una kong nakita si kuya Kalyl na patungo sa amin. Kinabahan na ako pero hindi ko pinahalata. Sumunod kay kuya Kalyl si kuya Spiker. Nakaligo na ang mga ito dahil iba na ang mga damit mula kagabi. 

Umupo si kuya Kalyl sa dulo at sa tabi niya si kuya Spiker. Walang naka-upo sa tapat ng aking upuan kaya nakahinga hinga ako hangang sa magsalubong ang aming tingin ni Sir Kaixus. Muntik na akong mabulunan kaya tumikhim ako at uminom ng tubig. Ipinagpatuloy kong kumain at hindi kailanman nag-angat ng tingin. Ako ang unang nakatapos kumain. Hindi na ako nag panghimagas. 

"You're done already, bunso?" 

It's ate Avikah. 

Tumango at tumayo na sa akin upuan, "Maraming salamat po." 

Tuluyan na akong umalis sa dining room at pumunta ng kusina. Wala nga pala si ate Mae ngayon. Si aling Marta lang ang naabutan ko doon. 

"Magandang umaga po aling Marta..." bati ko sa mayordoma. 

"Magandang umaga rin iha, paki kuha mo nga iyang ubas at paki dala sa main dining room. Siguradong kakain si Señor Kaixus niyan mamaya." 

Kinuha ko na ang plater kung saan nakalagay ang ubas at dinala sa dining table. Naabutan ko silang nag-uusap. Si sir Kaixus ang nagsasalita. 

"She's still a minor... Not a good idea," aniya.

Nagkasalubong muli ang aming tingin pagkalagay ko ng ubas sa lamesa. 

Ako ba ang tinutukoy niya? Bakit nakasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Bakit laging ako ang nakikita niya? Wala bang ibang tao rito?

Ibagsak ko sa pagmumukha mo ang ubas para makain mo agad, eh! 

Agad akong tumalikod pagkalagay ko sa ubas at pumanhik na pabalik ng kusina. Bahala ka diyan Kaixus, magalit ka hangang ma stroke ka! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status