Agad napabalikwas ng bangon si Ella nang yumakap sa kaniyang mukha ang malamig na tubig. Dumaloy iyon patungo sa kaniyang buhok at leeg. Napamura pa siya sa kaniyang isip at nagtanong kung sinong gumawa no’n. Ang ganda pa naman ng tulog niya bunga ng pagod.
Sobrang pagod ang humawak sa mga binti niya pababa sa kaniyang paa. Feeling detective kasi siya kahapon at sinundan pa talaga niya si Rafael. Ewan din ba kung anong pumasok sa utak niya at nagawa siyang sundan ito hanggang sa makauwi.Akala niya kasi ay mag-iinom na naman ito. Concern lang siya sa mga bata na hindi na naman sisiputin ng magaling nilang guro, yes, iyon lang talaga ang dahilan niya.Hindi ba talaga puwedeng concern lang siya?Baka kasi kung may makaaalam ng ginawa niya ay iba na naman ang pagkaintindi. Wala siyang gusto sa lalaking ‘yon, wala na talaga.Daig pa niya ang dancer na sumayaw buong maghapon, sobrang sakit ng binti niya. Hindi na kasi siya nakapagpalit ng flat na sandal. Nagmadali kasi siyang lumabas nang makita niyang nagligpit na ng gamit ang suspect niya.Iniisip niya kasi no’n na susuntukin niya talaga si Rafael kapag uminom na naman ito. Baka nga kalbuhin niya pa. Pero pasalamat na lang din siya na hindi ito lumiko ng daan. Iyon nga lang, parang siya naman ang hindi makapasok sa trabaho, sobrang sakit ng katawan niya.Hinayaan na lang niyang dumaloy sa mukha niya ang tubig. Wala naman din kasing ibang gagawa niyon sa kaniya dahil sila lang naman ng Mama niya ang nandito sa bahay.“`Ma,” aniya at pinahiran ang mukha. Bunga ng lamig ay nagising ang natutulog niyang kaluluwa.“Mabuti naman at gising ka na,” malamig na tugon ng kaniyang Mama at pagkatapos no’n ay padabog na isinara ang pinto ng kaniyang kuwarto.Tinapik niya ang kaniyang noo. Iniwan siya agad ng kaniyang Mama na ganito kamiserable ang kaniyang hitsura. Binasa siya nito tapos iiwan lang naman pala.“Hindi mo na ba ako mahal, `Ma?” tanong niya na alam niyang hindi na masasagot ng kaniyang Mama. Muli siyang pumikit at humiga sa kama. “Hindi mo na ba ako mahal?”NAGMAMADALI siyang pumasok sa classroom niya pero hindi napigilan ng kaniyang mata na sulyapan ang classroom ni Rafael. Bakit kasi magkatabi pa sila ng classroom? Naging makasalanan tuloy ang kaniyang mata.Naka-de-kuwatro pa itong nakaupo habang hawak ang isang libro na parang fairytale yata ang tema. Hindi niya masiyadong kita kung ano ang nakaukit sa pabalat ng libro. Medyo tinatangay ng hangin ang basa nitong buhok at focus na focus ito sa binabasa.Kahit may iilan ng estudyante sa loob ng classroom nito ay hindi niya alintana. Hindi niya alintana ang ingay sa loob ng apat na sulok na iyon, tila nga ay naging isa itong musika habang minamasdan niya si Rafael.Baliw na yata siya.Embes na sa sarili niyang classroom siya papasok ay pumasok siya sa classroom ni Rafael. Abot hanggang tainga ang kaniyang ngiti nang tahakin niya ang pinto ng classroom at kumatok pa siya roon. Pero hindi man lang siya nilingon ni Rafael.“Good morning, Teacher Ell!” bati sa kaniya ng mga bata.Ngumiti siya sa mga bata pero agad niyang sinulyapan ang gurong sinaniban ng kasungitan.“Nag-greet na sa akin ang mga bata pero hindi man lang niya ako tiningnan,” bulong ng utak niya. “Bastos!”Padabog siyang naglakad pabalik sa kaniyang classroom.“DAHAN-DAHAN sa paglabas, kids!” pahabol niya sa mga bata na agad nagsitakbuhan nang sabihin niya na puwede na mag-recess.Kahit kailan talaga ang recess ang pinakapaborito ng mga bata. Kahit siya naman noon, kapag tinatanong siya kung ano ang favorite subject niya ay hindi siya magdadalawang-isip na recess ang isagot.Totoo naman eh, bakit kailangan pang mahiya?“Dahan-dahan lang kasi,” ulit pa niya, “huwag magtulakan.”Mabuti na lang at may pa-libreng pagkain ang mabait nilang kagawad. Kaya parang mga nakawalang biik ang kaniyang mga estudyante. Gustong mag-unahan sa libreng ice cream at spaghetti.“Hayaan mo na.”Natigilan siya nang may biglang humawak sa kaniyang braso at pinigilan siya na habulin ang mga bata.“Hayaan mo muna, nandoon naman ang ilang mga Nanay at Yaya ng mga bata eh,” patuloy ng isang ginang na pumigil sa kaniya. “Bakit hindi ka muna kumain? May ibinigay si Kagawad Helen sa’yo.”Ang sarap ng ngiti ng ginang habang hawak sa kabilang kamay ang isang plato ng spaghetti at hinihila siya pabalik sa loob. Tila kumakaway sa kaniya ang ngiti nito at hindi niya magawang tanggihan.Bago siya tumango ay nilingon niya muna ang mga bata na naghihintay mabigyan ng pagkain. Marami rin namang nag-a-assist sa mga bata at hindi na talaga kailangan ang tulong niya. Sumunod na lang siya sa gusto ng ginang.“Birthday ni Kagawad, pupunta ka ba? Invited daw lahat ng mga nagtatrabaho sa baranggay eh,” panimula nito at inilagay na sa mesa ang plato. Ngumiti ito sa kaniya.Kahit medyo naiilang siya ay gumanti na lang siya ng ngiti. Hindi niya kilala ang ginang, ngayon pa nga lang niya ito nakita. Pero siguro kasama ito ng baranggay kagawad nila na tumulong sa pagbibigay ng pagkain sa mga bata.“Titingnan ko po kung makapupunta ako.”Tumango ito at sumulyap sa bintana. “Ang dami na pa lang bata sa baranggay natin, ano? Noong huli kong bisita sa Day Care Center ay kunti palang ‘yon eh. Kaya pala dalawa na kayong teacher ngayon.”Habang kumakain ay tumango siya sa ginang. Medyo weird lang talaga na hindi naman niya alam ang pangalan nito pero kung makapagkuwento ang ginang ay parang matagal na silang magkakilala.“Ako pala si Nilda.” Humarap na ito sa kaniya. “Diyan lang ako sa kabilang kanto nakatira. Humingi kasi ako ng kaunting spaghetti kay Kagawad pero inutusan akong bigyan ka ng pagkain.”Hilaw siyang ngumiti at nagpasalamat.Ano ba ‘yan, parang kasalanan ko tuloy kung bakit hindi siya nakakain, bulong niya.Binuksan niya ang lunch box niya at kinuha ang kutsara. Medyo marami namang spaghetti kaya kasya pa siguro ito sa kanila. Inabot niya ang kutsara kay Manang Nilda.“Kain po tayo, hati na lang tayo sa spaghetti. Hindi ko naman po mauubos itong lahat eh,” aniya pero hindi gumalaw ang matanda upang tanggapin ang kutsara. “Don’t worry po, malinis ‘to.”Humalakhak ang ginang at inabot ang kutsara. Inulit pa nito ang tanong kung sigurado ba raw talaga siya. Sumabay na ito sa pagkain hanggang sa nagkuwento na naman ito ng mga bagay-bagay.Nang matapos silang kumain ay sumilip na naman si Manang Nilda sa bintana pagkatapos ay kinalabit siya. Tinuro pa nito si Rafael na parang ang binata na naman ang naisip nitong gawing topic.“Ang pogi, ‘no?” anito at humagikhik.Seryoso? Hindi kaya crush nito si Rafael?“Kilala ko ang batang iyan, hija. Sobrang bait niyan.”Tumango-tango siya. “Mabait nga po.”Sa sobrang bait nga po ng lalaking ‘yan, pumasok ‘yan sa trabaho na lasing, bulong niya.“Alam mo ba na high school teacher ang batang ‘yan dati? Eh, kaso nabigo sa pag-ibig kaya hindi na muling nagtrabaho. Ang sakit pa lang magmahal.”Tumango-tango siya. Totoo namang masakit magmahal. Pero hindi naman sa lahat ng panahon ay sakit lang ang ibinibigay ng pagmamahal. Minsan nga nagbibigay ito ng inspirasyon sa mga tao.Inspirasyon upang mabuhay, inspirasyon upang magbago.Pero minsan din ay ang pagmamahal ang nagiging dahilan kung bakit nagiging masama ang mga tao. Minsan kasi dahil sa pag-ibig ay nakakasakit na ng ibang tao. Minsan din ang taong in-love ay kayang manakit ng tao upang makuha ang kanilang gusto.Nagiging makasarili.Gaya ng nangyari sa kanila ng best friend niyang si Melonie.Limang taon na rin ang pagkakaibigan nila ni Melonie. Mula noong junior high school pa sila ay kilala na niya si Melonie. Naging kasama na rin niya ito noon sa mga school project pero hindi pa talaga sila masiyadong close no’n.Nang mag-senior high sila ay doon mas lumalim ang kanilang pagkakaibigan. Mas naging malapit sila. Ito palagi ang kasama niya, ito palagi ang nalalapitan niya. Kasama sa mga lakad, kasama sa mga araw na importante sa kaniya.Halos kapatid na nga ang turing niya kay Melonie.Pero hindi umabot sa isip niya na magiging kaaway niya ito. Hindi umabot sa isip niya na mapuputol ang relasiyon nila.Mas lalong hindi umabot sa isip niya na magkakalabuan sila dahil lang sa isang lalaki. Dahil sa pipiliin nito si Kenneth at iiwan siya nito. Iiwan ang pagkakaibigan nila.Pero gano’n siguro talaga, masakit ang magmahal.Huminga siya nang malalim at nakisilip na rin sa bintana. Mapait siyang ngumiti habang sinusundan ng tingin si Rafael. Halos hindi mo makita sa mukha ng lalaki na may pinagdadaanan ito. Hindi mo makikita sa mukha ni Rafael na nasasaktan ito. Ang galing nitong magtago.Pero noong nakita niya itong lasing, nakita niya ang pait at hinagpis sa mga mata nito. Doon niya nalaman na may tinatago pala itong masakit na kuwento.Sana makaya niya, bulong niya sa isip.“Naaawa lang ako sa kaniya,” patuloy ni Manang Nilda. “Si Cindy ang gusto niyang pakasalan. Mahal na mahal niya ang babae na ‘yon kahit maraming balita na hindi maganda ang background no’n pero hindi iyon pinansin ni Rafael.“Hanggang sa nagpasiya ang dalawa na magpakasal pero mas pinili ni Cindy ang Amerikanong iyon at iniwan si Rafael.” Mapait na tumawa ang ginang. “Daig pa ni Rafael ang mga teleserye sa TV eh. Siguro kung magiging movie ang kuwento ng batang ‘yan, kawawa ang magiging bida.”“Bakit po? May mas malalim pa bang story si Rafael maliban sa lovestory niya?” hindi niya napigilang itanong sa ginang.Tumawa lang ito at tinapik siya sa balikat. Isinara nito ang bintana at inayos ang kurtina. Inaya siya nito na bumalik sa mesa at parang walang balak na ikuwento rin sa kaniya ang buhay ni Rafael.Eh halos ibulgar na nga nito ang love life ni Rafael tapos hindi pa pala ikukuwento lahat eh.Mapait na naman itong ngumiti sa kaniya. “May gusto ka ba kay Rafael, Ella Jane?”Panay sulyap siya kay Rafael. Kahit hindi maabot ng isipan niya kung bakit. Tila isa iyong obra na gusto niyang palaging masulyapan at daanan ng kaniyang mga mata. Tila isang libro na nais niyang buksan at basahin kung ano ang nakasulat.Umiling siya at humakbang palayo sa pinto ng classroom niya at pumasok. Hindi siya dapat naninilip. Nakaiinis lang kasi hindi niya tuloy mabigyan ng pansin ang mga bata dahil sa lintik na Rafael iyon. Hindi niya alam kung awa ba itong nararamdaman niya o gusto lang talaga niyang makita ang binata.Gusto niyang makita kung paano ito ngumiti.Sobrang weird, oo. Hindi siya ganito dati. Ni ngiti nga niya na natural ay hindi na niya makita, ngiti pa kaya ng iba?Isang linggo na ang lumipas mula noong pumasok siya sa trabahong ito. Isang linggo na rin na nakikita niya ang lalaki — Maliban pala noong hindi ito pumasok dahil naglasing. Hindi pa pala isang linggo.Counted na lang ‘yon, don't be shy, bulong niya sa isip. Ngayon pa ba siya mahihiya?“Teacher Ell
Maagang dumating ang baranggay nila. Sila nga ang pinakaunang baranggay na dumating sa City Hall. Mas mabuti na rin iyon kaysa sa makipagsiksikan pa sila sa maraming tao upang magpalista sa attendance. Palinga-linga pa siya sa loob ng City Hall, nagbabakasakali na biglang lumitaw si Rafael at sasabihin na "it's a prank". Hindi kasi ito nagpakita gaya nang sinabi nito kahapon. Ano na naman bang gusto no'n? Siya na naman ang magbantay sa mga bata 'tapos hati sila sa sahod? Unfair naman yata.Inakay niya ang mga bata papunta sa isang staff na may hawak ng attendance sheet. Pero agad siyang napahinto, Day Care student itong mga kasama niya, baka abutin sila ng gabi sa paglista pa lang ng mga pangalan.“Dito lang kayo ha? Walang aalis,” aniya at tiningnan ang isang ginang. “Bantayan niyo po muna ang mga bata, kakausapin ko lang ang staff.”Agad namang tumalima ang ginang at inakay ang mga bata sa puwesto nila.Mapapatay ko talaga si Rafael kapag nagkita kami, bulong niya. Sila dapat ang n
Mabilis lumipas ang isang linggo na halos hindi man lang niya namalayan. Nang bumangon siya sa araw na iyon ay napabulong siya. Iyon na ba talaga ang weekend? Seryoso na ba? Bakit parang ang bilis? Wala na ba talagang extension? Parang isang oras lang daw eh. Hindi man lang niya nasulit.Nagmamadali lang siyang naglakad papunta sa Baranggay Hall. Laking pasasalamat talaga niya na walking distance lang mula sa bahay nila ang Baranggay Hall. Hindi na niya kailangan pang ipagsiksikan ang sarili tuwing sasakay siya ng tricycle. Sawang-sawa na siyang ipagsiksikan ang sarili niya na daig pa niya ang isang isda na pinasok sa sardinas.Nagbuga siya ng hangin at hinubad ang high heel niya. Ngayon pa talaga nagloko ang pinakamamahal niyang high heel, nakipag-away pa naman talaga siya sa tindera dahil ayaw magpatawad. Trenta pesos lang naman ang gusto niyang ibawas pero sobrang sakit pala sa bangs iyon ng tindera. Akala mo naman ikayayaman niya talaga.“Seryoso ka na, girl? Sira ka na talaga?” b
Nagsalubong ang kilay niya nang makitang pangiti-ngiti si Rafael na pumasok ng Baranggay Hall. Nasa ikalawang palapag sila ng mga oras na iyon at as always, late na naman si Rafael. Sa lahat ng meeting ng mga staff sa baranggay nila na nakadalo sila ay palagi naman talagang late ang binata. Walang bago roon.Ang tamis pa ng ngiti nito na hindi kailanman dumaan sa isip niya na kayang ngumiti ni Rafael ng ganoon. Maliban sa pagsimangot at wala ng kayang gawin ang binata. Mayroon pa pala, ang sungitan siya.“Good morning,” anito at kumatok pa sa pinto sa nakabukas naman. “Sorry at late na naman ako.”Nagtawanan ang mga staff at tumayo si Kuya Marlon.“Palagi kang late, Rafael. Pati mga bata mo ay nasanay na,” tukoy ni Kuya Marlon sa mga estudyante ni Rafael.“Nah, nasanay ang mga bata ni Rafael na si Ella Jane ang nag-aalaga,” singit naman ng isang Kagawad nila na pinabaunan pa ng tawa.“Ano ba kayo, nakalimutan niyo na bang mag-asawa ang dalawang ‘yan?”Hindi na niya alam kung sinong n
Tumabi sa kaniya si Melonie na halos hindi maipinta ang mukha. Padabog pa nitong inilapag ang bag kasama ang Physical Education uniform nito. Pinagmasdan niya itong pagalit na binuksan ang hawak nitong junk food.“Ayos ka lang?” tanong niya at ipinasok ang cellphone sa bulsa ng uniform. “Bad mood?”Huminga ito nang malalim at tiningnan siya. “Sobra. Akalain mong iba pala ang crush ng crush ko.” “Ano naman ngayon kung iba ang crush niya?”“'Wag mo kong kausapin kung hindi mo naiintindihan ang sitwasiyon ko.” Hinawakan nito ang dibdib at binitawan ang junk food. “Masakit sa dibdib, Ella. I can’t accept the fact—”“Na wala kang dibdib.”Natigil ito sa pagdadrama at tiningnan siya nang masama. Natawa na lang siya sa pinagsasabi nito na para bang katapusan na ng mundo.Totoo naman na wala itong pakialam kung iba ang gusto ng crush nito. Hindi nito hawak ang puso ng lalaking ‘yon. At totoo rin naman na wala talaga itong dibdib. Kahit anong gawin niyang pagtitig ay wala talaga siyang makita
HAHAWAKAN na sana ni Ella Jane ang baso nang biglang narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Napatayo siya at hinarap si Rafael na may hawak ng kaniyang cellphone. Kampante pa itong tiningnan ang screen at pinindot iyon. Narinig niya ang boses ng kaniyang Mama.Hinablot niya iyon at lumayo kay Rafael.Loko! Ano kayang balak ng lalaking ‘yon?“Hello, ‘Ma?” Halos hindi niya marinig ang boses ng kaniyang Mama sa sobrang pagkabog ng puso niya. Hindi lang naman siya umuwi kagabi, siguradong puputak ang kaniyang ina.Ano naman din kasing pumasok sa isip niya? Kasalanan talaga ni Rafael ang lahat! Kasi kung hindi ito gumawa ng kahina-hinala, hindi naman niya susundan ang lalaki. At hindi rin siya makararating sa bar kung hindi niya ito sinundan. Si Rafael talaga ang may kasalanan.Nilingon niya ang lalaki nang makalabas na siya sa pinto. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa Mama niya ang lahat. Hindi niya alam kung anong kasinungalingan ang gagamitin niya ngayon. Ayaw niyang mala
UMUWI si Ella Jane na naging artista. Daig pa niya ang nag-audition na bigla agad natanggap at hindi pa magawang i-acting ng tama ang lines nito. Pero sa sitwasiyon niya nang makauwi siya sa bahay nila ay siya na ang naging writer, siya pa ang artista.Hindi niya alam kung effective ba ang pag-acting niya o uma-acting lang din ang Mama niya na niniwala sa mga sinasabi niya. Naalala niya tuloy ang mga pagsasadula niya noon sa High School, bagsak siya dahil ang pangit ng pag-acting niya.Hinampas niya sa mukha ang hawak niyang unan. Patay na talaga siya, palpak pa naman siya sa ganito.Isang oras na yata siya na nasa loob ng kuwarto. Mula nang nakauwi siya sa bahay ay hindi na siya lumabas. Ayaw niyang magsinungaling na naman na masama ang pakiramdam niya.Kasalanan talaga ni Rafael ang lahat.Pero kahit anong gawin niyang pagsisi sa binata ay hindi na naman nito mababago ang lahat. Ano pang silbi no’n? Isa pa, siguro nasarapan naman din naman siya sa ginawa nila.Muli siyang napaungol
“Nandiyan na si Teacher Ell!”Napakunot ang noo ni Ella Jane nang marinig ang malakas na sigaw ng isa niyang estudyante nang papalapit na siya sa gate ng Baranggay Hall. Nakita niya ang mga pagsulyap ng mga bata sa kaniya mula sa bintana ng classroom niya at agad na sinara naman ng mga bata.Weird.Nagpatuloy lang siya sa paglakad papasok sa Baranggay Hall kahit medyo nakapagtataka ang mga galaw ng mga bata. Bakit naman kaya may tila spy na sumigaw na paparating na siya?Hindi kaya may surprise ang mga estudyante niya? Agad siyang napailing. Sobrang unrealistic naman yata itong naisip niya. Mukhang nakalimutan niya na kadalasan ay five years old ang mga tinuturuan niya. Imposible na gumawa ang mga ito ng surprise para sa kaniya.Kahit elementary nga ay mukhang imposible pa. Saan naman kukuha ng pera para sa surprise-suprise na iyan diba? Okay lang siguro kung mga yayamanin ang mga bata.Pero hindi naman maikakaila ang isa niyang rason kung bakit siya nagpasiyang maging teacher kahit s