"STEFANO..." salubong ni Charity sa binata nang makita niya itong naghihintay sa kaniya sa labas ng hospital. Ilang araw din niyang hindi nakikita ito at sa tingin niya ay medyo pumayat ito. "Pauwi ka na ba?" Usisa ni Stefano sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit sa kinatatayuan nito. "Oo, bakit narito ka?" Balik tanong naman niya. "Gusto sana kitang iinvite mag-dinner, since matagal na tayong hindi nakakapasyal," anito na nakangiti. Napangiti rin siya dahil namiss niya ang gala nilang laging ginagawa noon. "Sure. Sakto namiss ko na rin ang mga treat mo," biro niya. Hindi niya ipinahahalata kay Stefano na alam na niyang gusto siya nito. Hindi na rin niya dapat ishare rito kung paano niya nalaman 'yon. Ayaw niyang magkaroon ng ilangan sa pagitan nila. "No problem, bibilhin ko kahit anong gusto mo," sabi naman nito na natatawa. Inakbayan siya ni Stefano. Kung dati ay wala sa kaniya iyon at tila normal lang nilang ginagawa, ngayon ay
"SAAN ka galing?" Pinakatitigan ni Charity si Cameron at sabay pinagkrus niya ang kamay sa kaniyang harapan. "Bakit ka nagtatanong kung saan ako galing?" Nakataas ang kilay na saad ni Charity sa kaharap. "Just answer my question," matigas na turan ni Cameron. Tumawa ng pagak si Charity. "Kasama ko ang fiance ko, bakit?" Ayaw sanang sabihin ni Charity ang bagay na iyon, pero gusto niyang makita ang magiging reaction ni Cameron. "That Stefano guy?" Naglakad si Cameron palapit sa kaniya pero tumigil din nang nasa kalahati na. "Sino pa nga ba? Teka, bakit ka ba nagtatanong? Samantalang ako hindi naman ako nagtatanong kapag umaalis at dumarating ka," ani Charity na sadyang matabil talaga ang dila sa tuwinv lasing. Natahimik si Cameron at nanatiling nakamasid lang sa babaeng nasa harapan niya. "Atsaka pwede bang humingi ng request? Pakisabi sa Shabi na iyon ay huwag siyang parang ahas kung makapalupot, lalo na kapag nasa paligid lang si C
"ANONG ginagawa mo sa sarili mo?! Anong nangyari?" Bulalas ni Charity nang makita ang kaibigang si Milet na nag-ooverdose ng gamot. Hindi kasi ito sumasagot sa mga tawag at text niya kaya naisipan niyang puntahan at isinama nga niya si Stefano na pumayag naman. Dinaluhan niya ang kaibigan na umiiyak at niyakap ito. Hindi niya alam na malaki ang problema nito dahil hindi naman ito nagsasabi. Napakamasayahin ng kaibigan niya at higit sa kanilang dalawa, ito ang pinaka strong. "Iniwan na niya ako, Charity. Hindi ko kaya," anito habang umiiyak. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito. Basta niyakap na lamang niya ang kaibigan at ipinararamdam na naroon siya at handa siyang makinig at tulungan ito. Tahimik lang na nagmamasid si Stefano at siguro ay hindi nito alam kung ano ang dapat gawin kaya tahimik lamang. Mahigit isang oras bago kumalma si Millet at nagkwento ng sama ng loob nito. May boyfriend pala ito ng dalawang taon at plano na nilang magpaka
"MOMMY, is this grandpa's house?" Usisa ni Calista na katulad niya ay umiikot ang paningin sa kabuuan ng mansion na kinaroroonan nila. Nakaupo silang dalawa sa isang settee sa living room, si Servant Kim ay naiwan sa labas "Yes, baby," aniya at nginitian ang anak. Nalukot ang mukha ni Calista, for a moment she saw herself in her at hindi niya maiwasang mapangiti. "But, mom. It's so dark here and quiet. It's like Im into a horror house," komento ni Calista sa mansion. Pinigilan ni Charity ang sarili na matawa sa observation ng anak sa mansion. Halos kaunti lang kasi ang mga ilaw na bukas, may mga antigong kasangkapan at mga painting na tila napaka dark ng mga pinoportray. Sobrang tahimik ng paligid na akala mo ay walang nakatira. Idagdag pang napakalaki nun na mas lalo mong ramdam na mag-isa ka, ibang klase talaga ang taste ni Senior Silvestre. Patay at matamlay ang paligid na hindi niya nanaising tumira roon. Pinigilan din niya ang sariling sabi
NAGULAT pa si Charity nang biglang may tumama sa mukha niya habang nagccellphone siya sa may living room nang gabing iyon, hindi naman masakit iyon pero ikinagulat niya. Nakita niyang mga tela iyon na kulay itim na may halong puti bandang leeg at manggas. Pag-angat ng mukha niya ay si Cameron ang mabungaran niya. Walang kangiti-ngiti, matiim ang titig sa kaniya at blanko ang mukha. Pero ganoon pa man, hindi maitatanggi ni Charity na napakagwapo talaga ni Cameron. At teka kailan pa pala dumating ito? Wala siyang kaalam-alam. "Ano 'to? Bakit mo tinapon sa mukha ko?" Angil niya sa lalaki. "Those are your uniforms." He smirked. Nagsalubong ang kilay ni Charity. Teka, anong uniform? "Uniform? Para saan? Wala akong natatandaan na kailangan ko ng uniform," aniya na medyo nabubuhay na ang inis sa kaniya. "You need to wear those uniform when you're here in my house. No buts." Tinignan niya ng masama ang lalaki at kinalkal ang mga tela at nakita niyang tatlong
HAPON na ng matapos si Charity sa paglilinis sa living room ng mansion na sobrang laki. Kahit anong alok na tulong ni Ms Salve ay tumatanggi siya para walang masabi si Cameron at isa pa, baka mapatalsik pa ang mga kasambahay dahil sa kaniya. Iniba niya ang lahat ng pwesto gaya ng sinabi ni Cameron at nagdagdag siya ng ibang decorations para kahit paano ay mabuhay ang matamlay na living room. Ramdam niya ang pagod at gusto na lamang niyang mahiga. Sa isip niya ay kinukulam na lamang niya si Cameron para kahit paano ay maibsan ang kaniyang inis dito. "Mommy, are you not done yet?" Hindi na alam ni Charity kung makailang beses na tinanong na 'yon ni Calista sa tuwing bumababa ito. "Finally, anak. Mommy is done na!" aniya at niyakap ito nang lumapit sa kaniya. "Really? Are we going to play na?" Kita ang excitement sa mukha ni Calista nang itanong iyon. Gustuhin man niyang makipaglaro sa anak pero pagod na pagod na siya sa paglilinis maghapon.Sabik
HINDI nga nagbibiro si Cameron, dahil kinabukasan ay pumasok pa rin sa hospital si Charity pero hindi na raw siya maaring bumalik pa. "Pero bakit? May kontrata ako rito, " aniya sa head ng hospital na 'yon. "Gusto kong makausap ang may-ari ng hospital, please," pakiusap niya sa babae.Umiling ito. "Ipinag-utos na po ni Sir Cameron Silvestre na hindi na kayo maaring makabalik pa rito," tila final na saad ng babae.Pero halata niya na tila ilang ito sa kaniya na animo'y isa siyang mataas na tao. Bagay na hindi maintindihan."Bakit siya ang masusunod? Siya ba ang may ari ng hospital?"Umiling ang babae. "Pero siya po ay kaibigan ng may-ari ng hospital at sila po ang nag-usap. Wala na po kaming magagawa roon Dra. Mercaez," anang babae.Hindi na siya nagpumilit pang makipagtalo. Bakit ba kasi ang lawak-lawak ng kapangyarihan ni Cameron? Bakit ba kahit saan siya magpunta o tumingin ay hawak nito ang lahat? Sumisikip tuloy ang mundo niya. Sa paglabas niya sa hospital ay nakasalubong niya an
NABIGLA si Charity nang nagtungo sila sa isang malaking mall. Napatingin siya kay Cameron na may pagtataka sa mukha. Tinignan din siya nito. "She told me na gusto niyang mag-mall," tukoy nito kay Calista na nakatulog sa byahe "And pinagbigyan mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Cameron. Nag-iwas ng tingin si Cameron na tila nahiya dahil wala sa bokabolaryo niya ang magpupunta sa mall o pagbigyan ang kapiratso ng iba, lalo na ng bata. But, damn. Calista is different, she is his daughter. Lihim na napangiti si Charity. "Why are you smiling?" Masungit na tanong ni Cameron. Itinikom ni Charity ang bibig at nagkibit balikat. Binalingan niya si Calista na nakaunan sa kandungan niya. "Wake up, baby. We're here," untag niya sa anak na agad naman nagising at sabik na napatingin sa labas ng sasakyan. "Mall!" Anito sa sabik na tinig. Kita niya ang ning-ning sa mga mata nito. Inabot ito ni Cameron at bumaba ang lalaki habang karga-karga