Share

CHAPTER 84

INAYOS ni Charity ang nagulong buhok at nalihis na tshirt dahil sa kaharutan ni Cameron bago bumaba ng van. Tinototoo nito ang halik lamang, kaso ay may kasamang panghipo at ang halik ay sadyang nakakadarang. Kung wala lang sila sa van ay malamang sa malamang ay bumigay na nman siya sa mga haplos nito, lalo na at aminin man niya o hindi ay nasasabik din siya sa lalaki.

"Mamaya na lang natin ituloy?" Pilyo pa nitong bulong habang pinapanood siyang mag-ayos ng sarili.

Tinignan niya ito ng masama. "Magtigil ka nga muna sa kaharutan mo?" Angil niya sa lalaki na binigyan lang siya ng nakakalokong ngisi.

"Cold hands?" Natatawang sabi ni Cameron nang hawakan siya sa kamay upang alalayang bumaba sa van.

"Paanong hindi ako kakabahan, haharap ako sa ama mong demon-" pinigilan niya ang sarili upang hindi masabi ang huling salita.

"Demonyo?" Pagpapatuloy ni Cameron na natatawa.

"Ikaw ang may sabi niyan, hindi ako." Kumapit siya sa braso ni Cam
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Author Lemon
May mga kasunod pa pong update. Thank you
goodnovel comment avatar
Belle Galz
nak's naman bumait na c senior silvestre hehehehe. ganda miss author sana meron pa isang update please,, thank you so much.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status