Share

Chapter 33

HINDI na madalaw ng antok si Cassandra kaya tumambay sila ni Stefan sa hardin, sa may gilid ng artificial lake na naliligiran ng malalagong halaman. Umaga na sa Pilipinas at iyon ang nasanayan ng katawan nila. Umiinom sila ng pure blueberry juice habang nakaupo sa bench na yare sa bato.

Si Robin pala ang nag-renovate ng garden, lalo na ang landscape. Ang husay ng mga kamay nito sa paghulma ng mga artificial furniture na yare sa bato. Mga artist pala ang side ng daddy ni Stefan. Mucisian din si Uncle Bob, magaling ding sculture.

Nang maubos ang inumin nila ay niyaya niya si Stefan na mamitas ng berries na nakahilira sa gilid ng bakod na yare sa bato pero may design na parang kahoy. Iba-ibang berries variety ang mga ito at hindi niya kilala ang iba. Dahil ignorante, isa-isa niyang tinikman ang mga ito.

“Baka puwede nang mamitas ng apple!” sabik niyang wika nang makita ang puno ng mansanas.

“Hilaw pa ang mga ‘yan. Green apple mga ‘yan at hindi ko gusto ang lasa, mas maasim. Doon tayo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status