Share

Chapter 52

NAGIMBAL si Cassandra nang sabihin ni Tobi na nakausap nito si Stefan. Nabunyag na rin nito ang totoo kay Stefan na buntis siya. Nainis siya sa ideya na nagduda pa si Stefan. Lalo tuloy siyang naudyok na ipagkait dito ang karapatan nito sa bata.

“But he’s obviously jealous of me. Iniisip niya na may relasyon tayo, kaya siya nagduda,” bawi ni Tobi.

Katatapos lang ng check-up niya sa OB at lulan na sila ng kotse nito pauwi sa kaniyang bahay. Mataman siyang tumitig kay Tobi na seryoso sa pagmamaneho. Siya ang nahihiya rito dahil sa inasal ni Stefan.

“Wala namang dahilan para magselos siya. Baka hindi lang matanggap ng ego niya na kaya ko siyang balewalain,” aniya.

“That’s not the reason, Cass. Stefan has a point and also has reason to feel jealous. Natanto ko na sobra naman talaga ang care ko sa ‘yo. Hindi ko naman ikinakaila ‘yon. At hindi ka lang basta pasyente sa akin.”

Walang kurap na muli siyang tumitig dito, hindi makuha-kuha ang nais nitong ipahiwatig. Kalaunan ay naisip niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status