Share

XV

"P-pag nakalabas na tayo dito Mara, saan ka unang pupunta?" Tanong ni Lia sa akin. 

Normal na araw lang ngayon at nandito ako, nakaupo sa may bintana. Nakikipag chikahan sa isang to. 

"Uhm, wala baka tumabay lang ako sa dorm ko" 

"Tss. Ang boring mo namang tao" Reklamo niya. Napailing ako at natawa sa sinabi nito. Yun kasi ang nakasanayan kong gawin kapag ako lang mag-isa. Madalas nasa kwarto lang at inuubos ang oras sa kababasa ng libro.

"Ikaw ba?" Natigilan siya at nag isip ng isasagot. 

"Iisa isahin ko mga sikat na pubs, sama ka?!" Na e-excite na tugon niya. 

"Talagang niyaya mo pa ko sa ganyan ha? Napaka bad influence mo talaga" Sumimangot ito bigla. 

"Bakit? Wag mong sabihing di ka umiinom?!" Panunumbat niya. 

"Umiino--"

"Oh e ba't ayaw mo sumama?!" Lalo niyang tinaasan ang boses niya.

Tinarayan ko siya. 

"Siguraduhin mo munang makakalabas tayo dito bago ka mag-aya ng ganyan ganyan, mamaya pumalpak tayo eh"

"Bakit? Sa tingin mo ba bibiguin tayo ng bebe mo?" 

Mabilis akong umiling. 

"Oh diba? Siguradong makakalabas tayo dito! At saka si Josh pa? Eh ang talino gumawa ng plano non! Hinding hindi tayo mawuwutata girl"

"Alam ko"

"So ano? G ka?!" Kinunotan ko siya ng noo. 

"Para kang timang Lia, pag nakalabas tayo ipahinga muna natin sarili natin, di yung susugod ka kaagad sa mga bar na 'yan" Tinawanan niya lang ako. 

"Pwede din, pahinga tayo mga 30 minutes hehe" Inismiran ko siya. 

"Mag bar ka mag isa mo!" 

"Ito talaga napaka kj mo!"

"Ikaw naman napaka oa mo!"

At yun nga, nagbangayan na kami. 

"Pero Mara, pag nakalabas kana dito? Babalik ka pa ba?" Tanong niya. 

"Para saan pa? Wala naman na akong dapat balikan dito. Masasayang lang oras ko" 

"Worth it pagsayangan ng oras ang memories" 

Napaangat ako ng tingin sa kanya. 

"What do you mean?" 

Ngumiti siya ng pilit. 

"Pag nakalabas na tayo, sa tingin mo ba di mo mamimiss 'tong lugar na to?"

Nagtayuan ang mga balahibo ko, napaisip ako bigla.

Malakas akong bumuntong hininga bago magsalita. 

"Siguro, pero depende na 'yon" 

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto, kahit di ko sabihin kay Lia, lolokohin ko pa rin sarili ko kung sasabihin kong hindi ko mamimiss 'to. Lumingon ako sa kanya. 

"Ikaw?"

Tumango ito.

"Babalik. Isipin mo, nasa delikadong lugar tayo pero nakuha parin nating bumuo ng masasayang alaala. Napaka thrilling ng mga pinagdaanan natin dito. Sa labas, hindi na natin mauulit 'to. Di rin malabong mag kanya kanya na tayo pagkatapos. So yung masasayang alaala, mababaon na lang dito. Kaya bakit hindi? Sayang yung saya kung hindi mo babalikan." Aniya. 

Di ko alam kung tatanggi ba ako. O hahayaan ko na siya sa gusto niya? She's such an incredible person with a golden personality. 

"Pero, diba bangungot para satin tong lugar na to? Tapos, babalikan mo pa?--" 

O.M.G

My eyes quickly widened when I saw her, wiping her tears.

Gosh! Ang bilis naman mag iba ng ihip ng hangin!

Natulala ako sa kinauupuan ko. Ito ang unang beses na makita ko siyang umiiyak. 

Pinupunasan niya iyon pero patuloy ring tumutulo. 

"N-nathalia"

"You're right. Bangungot nga ang turing natin sa lugar na ito. Pero naging tanga ako sa parteng 'yon Mara. Dapat mas minahal ko ang lugar na 'to. Di ko maipaliwanag kung anong klaseng paninibago yung naramdaman ko nung sinabi ni Josh na isa itong pagamutan ng mga nasawi sa labanan noon."

Lumingon siya sakin. 

Di ko maintindihan kung anong nais niyang iparating. Pero alam kong sobrang sakit no'n para sa kanya. 

"This place, was once used as a retreat shelter. Dito ginagamot ang mga nadamay sa mga digmaan noon. Dito sila nakulong, dito pumanaw. Hindi na nila nasilayan ang liwanag pagtapos nilang makipag laban. Hindi ba't yung naranasan nila noon ay nararanasan natin ngayon?"

"Kung sila, nasawi. Tayo naman, natuto. Alam kong nararamdaman mo din 'yon Mara. So don't act like you don't understand, alam kong natuto ka rin sa lugar na 'to." Aniya habang pilit pinipigil ang luha. 

"Noon, akala ko bangungot ang lugar na 'to. Pero hinde e, kapwa tao lang natin ang nagbigay bangungot, pero hindi ang lugar. Sa katunayan, ang sarap manatili dito. Dito ako natuto. Dito ko nasaksihan lahat. Dito ko huling nakapiling ang kapatid ko."

Sandali siyang tumigil at tumingin sa mga mata ko. Now she's slowly breaking my heart with her words of realization.

"Dito ko napagtanto na, mas masarap bumangon mag isa. Mas masarap magpalakas sa dilim. Kase dito, sarili mo lang magiging kakampi mo. Sarili mo lang makakasama mo. Sarili mo lang magiging sandalan mo. Natutunan kong di pala malungkot maging mag-isa" 

Bigla akong tinamaan sa sinabi niya. Di ko akalaing ganoon pala ang nararamdaman niya. 

At ngayon, naliwanagan na ko sa gusto niyang iparating. She's motivating me. Encouraging me to look at the bright side of this darkness.

Yes, tama nga siya. Ang lugar nato ay bangungot para samin kasi dito kami nakakulong. Pero kung iisipin mo, dito rin kami natuto, dito namin nakilala ang isa't isa. Ang mga totoong 'kami' na hindi namin pinapakita sa maraming tao. Dito kami naglabasan ng mga sikreto. Dito kami bumuo ng maraming alaala. Kaya dapat, minamahal namin 'to. 

Nginitian ko siya. Yung ngiting magpapagaan ng loob niya. 

"So, saan mo nga ulit balak pumunta paglabas mo dito?" Tanong ko sa kanya. 

Hahahahahahaha!

Halatang natigilan siya sa turan ko. Ilang segundong tumalim ang mga mata niya sa'kin. 

"Ang gaga mo" Aniya. 

Tuluyan nang humagalpak ang tawa ko dito. Pero pinipigilan ko iyon dahil baka may makarinig. Ngayon mukha na siyang tangang pinapahid yung luha niya. 

"Kidding sis. Just tryna make you laugh" Sabi ko dito. 

Pero tinarayan lang ako. 

"Panira ka ng moment. Sana hinayaan mo muna kong magdrama. Wala kang puso. Naudlot tuloy tsk umatras luha ko bigla!" 

Napapahawak nako sa tiyan ko, di ko mapigilang matawa. 

"Siraan pala ng moment ha?" Pang aasar ko pa lalo sa kanya. 

"Anong moment na naman ba sinira ko sayo?!" Sumbat niya sakin. 

"Sinira mo lang naman moment namin ni Josh. Yung ano? 'So kayo na?! Omygodd!!!" Panggagaya ko sa sinabi niya nung nakita niya kami ni Josh na magkahawak kamay. 

Umirap siya sa akin. 

"Ang hirap mo iyakan, imbes na icomfort mo pinuputol mo pa yung drama ng tao"

"Oy ultra comfort yung ginawa ko sayo, edi sana ngayon humahagulgol ka pa diyan kung di kita inasar, tss" 

"That's an unpleasant way of comforting someone" Aniya. 

"So saan ang unpleasant don?" Ganti ko. 

"Yung bigla mo'kong binwiset" Pagtataray niya sakin. 

"Si Carlos nga na binwiset buong buhay mo di mo kinompronta ng ganyan e. Tas akong nag cocomfort sayo pinagsusungitan mo?" 

Tumawa siya ng malakas.

"Ibang usapan na pag si Carlos te baka sunugin ako no'n" 

"Oh diba? Ngayon tatawa tawa kana?" 

"Alangan namang humagulgol pa ko lalo diba?!" Saad niya. 

Sus. Di talaga papatalo. 

"Ang gulo mo sis, mood swings eh?" Sabi ko sa kanya. 

"Atleast totoong nararamdaman ko yung mga pinagsasabi ko sayo kanina. Di basta basta 'yon timang"

Tinignan ko siya nang may nakakaasar na ngiti. 

"Naks namern, yan good yan girl, kesa naman puro pang aasar sa'kin ang inaatupag mo. Mas mabuti na yung magdrama ka lagi at totoong nararamdaman mo yung pinagsasabi mo. Don't worry, I'll always comfort in an unpleasant way." Pang aasar ko pa lalo. 

"Pwe nakakainis ka" Aniya. 

Buong araw kaming kantyawan lang ng kantyawan ni Lia. 

Sabi niya, magdaldalan lang daw kami lagi, part daw yun ng mga memories na masasarap balikan dito. Deep talks na asaran. So game, I'm fine with that. 

Tutal, masarap nga naman talagang makipag asaran sa kanya, nakikita ko sa kanya si Zea. 

Hapon na nang pumasok ako sa banyo at naligo ulit. Inayos ko ang sarili ko, kumbaga todo kuskos todo sabon. Ilang araw din akong di nakaligo dahil sa lagnat no? Kaya babawiin ko lahat ngayon. Actually, dalawang beses nakong naligo ngayong araw. And I'm proud of myself for doing that haha.

"Maralicious!" 

( ☉д⊙)

A-anongg

"Aochhh!" 

Napasigaw ako sa hapdi, pumasok yung sabon sa mata ko nang mabigla ako.

"H-hey, what's wrong?" Rinig kong tanong ni Iyah sa labas. 

"Ano na naman bang pinag gagagawa mo dito?" Sumbat ko sa kanya saka dinali dali yung paghihilamos.

Tapos nako magshower, sinabunan ko na lang yung mukha ko. At wrong timing naman tong si kupal. 

"I brought your dinner" Aniya. 

Binilisan kong magbihis at paglabas ko ay nakahilata na siya sa kama ko habang kumakain ng chichirya na tinangay na naman niya. 

Sinilip ko ang orasan. 5:46 pm palang. 

"Ba't ang aga? Saan si Joshua?" Tanong ko sa kanya habang pinapatuyo ang buhok ko. 

"He's preparing" Aniya. 

"Preparing for what?"

"For a toast" 

"Ha?"

"Hakdog"

Pinaningkitan ko ito ng mata. 

"Ano nga?"

Natatawa siyang lumingon sakin..

"He just turned 21 today right?, we're gonna steal some later"

Oh God! Oo nga pala, sinilip ko ang petsa. September 11, birthday niya.

"Anlalakas talaga ng loob niyo e no?" Sambit ko. 

"Kumain kana diyan, wag ka nang maraming dada" Reklamo niya. 

Nginusuan ko lang ito saka umupo sa sofa at nilantakan yung dala niya. 

Sa sofa muna ako ngayon kase may malaking ipis sa kama. Sakop niya lahat kung makahiga tss. 

"Si Lia? Dinalhan mo na ba?"

Tinanguan niya lang ako. 

Mamaya pa naman sana sila maghahatid ng pagkain, but since special kami. Edi kami yung inuna. 

Nakakatawa lang isipin na. Ang bibilis naming magkasundo. Ang bibilis naming maging komportable sa isa't isa. Siguro ganoon lang talaga pag pare parehas kayong abnormal no? 

"Anyway, what's your favorite color sis?"

"Blue" Sagot ko habang ngumunguya.

"What shade?"

"Baby blue, deep sky blue, midnight blue and azure" Tumango siya. 

Bumangon siya at humarap sa akin. 

"Ayaw mo ng maya?" Tanong nito kalaunan.

"Pwede rin, as long as it's blue"

"Edi sana sinabi mo na ring lahat!" Panunumbat niya.

"Edi sana di mo na ko tinanong kung anong shade!" Ganti ko. 

Di siya nakasagot at inis na lumapit sa bintana namin ni Lia at tinanong rin ang paboritong kulay nito. 

Ano? Bandalan pala ha?

Lumapit siya sakin at umupo sa kama ko, nakaharap sakin. 

"What's hers?" Tanong ko

"She likes yellow" 

Tinanguan ko lang ito. 

Maya maya lang ay nagpaalam siya, tatawagin niya na daw si Josh. 

"Pst oy! Anong meron?" Lumingon ako sa gawi ni Lia nang tawagin niya ko. 

"Iinom tayo" Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya. 

Maya maya ay umaliwalas ang buong mukha nito.

"We?! Gosh! Ang sosyal naman! Saan sila kukuha?" Tanong niya.

"Magnanaka--"

"What?" Di na niya natuloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto. 

Andito na sila. 

Joshua is that you?

Napanganga ako nang makita siya. Ang gwapo niya tignan. Tss, lagi naman siyang pogi sa paningin ko. 

Puwesto na kami sa gilid ng bintana para di kawawa si Lia hahaha.

"Busog ka ba?" Tanong sakin ni Josh na tinanguan ko lang. 

Nilabas na ni Iyah ang mga inumin. 

"Bacardi?!" Bulalas ni lia. 

"Omygosh one of my favoritesss!" Dugtong pa nya. 

"Grab your colors everyone" Ani Iyah. 

Dali dali namin kinuha ang gusto naming flavor. Well, lahat naman gusto ko dito but since blue is my favorite, Then I'll go with the blueberry. 

Everyone grabbed their bottles. Iyah gripped the pink one, the raspberry. And Josh got the white, coconut. While Lia...

"Ba't walang pineapple?!"

"Yan lang meron e, nung magagawa ko?" Ani iyah. 

"Aisst, tinanong mo pa kung anong color ko, nganga rin pala" Pagpoprotesta nito. 

"Okay na yang orange, malapit naman yung kulay sa yellow!" Ganti naman ni iyah. 

Tinawanan lang namin ni Lia nang iabot namin sa kanya yung orange. No choice siya e. Kung ayaw niya ng flavor, di siya makakainom hahaha.

Josh raised his bottle. 

"For my 21st year of breathing" Aniya. 

We all raised ours and said toast in chorus. 

"Happy birthday!" Sabay sabay naming bati rito. 

Lumipas ang ilang oras at puro tawanan at kwentuhan lang ang nangyari. Pero hindi boring. Legit ang saya. 

Ang sarap sa feeling ng ganito, mga moments na dapat ingatan. Mga mababaon naming memories pag nakalabas na kami. Irreplaceable moments.

"Ano ba yan sali naman ako sa pa cheers cheers niyo!" Ani lia.

"Lusot ka dito dali" Pang aasar ni Iyah sa kanya. 

Pinagtawan siya nila Josh. 

"Oh wag niyo nang asarin yan, nagdadrama yan bigla bigla, gusto niya daw isa isahin mga bar paglabas niya" Pang iinis ko pa. 

Mas lalo siyang pinagtawanan at pinanlakihan ako ng mga mata. 

"Tiba tiba ka ng asar ngayon Lia a?" Ani Josh.

"Pinagtutulungan ako ng mga 'yan" Sambit niya.

Nagkatinginan kami ni Iyah at natawa. 

"Don't worry, pag nakalabas na tayo dito pupunta tayo sa mga bar" Ani Josh. 

Bigla kaming napalingon sa sinabi nito at lumawak na naman ang ngiti ni Lia. 

"Omygod!" Na eexcite niyang tugon. 

"Pupunta lang, hindi iinom" Bawi ni Josh.

"Hahahahahahaha!"

"Aray ko naman kyah" komento ni Iyah.

Sumimangot na naman si Lia. Trip ba naman siya ng lahat e. 

Maya maya lang ay nagpaalam na si Iyah, tinatablan daw siya at namimigat na ang talukap ng nga mata niya. Hinatid lang siya ni Josh saglit.

Naiwan kami ni Lia.

"Hoy sis, kailan niyo ba balak maging official ni Josh?" Tanong niya saka tinungga yung natitira sa bote niya. 

Napa isip ako bigla. Kailan nga ba?

"Di ko din alam e, depende sa kanya" Malumanay kong sagot dito. 

"Tss, kahit wag niyo na pala gawing official, para walang break break hahahaha" Aniya.

"Lasing ka tanga bumalik kana sa lungga mo" Saad ko sa kanya nang mapansin kong mapungay pungay na ang mga mata niya. 

Nginitian niya lang ako saka tumango. 

"Wag kayong gagawa ng milgro ni Josh nang kayo lang a? Dapat mapanood namin ni iyah"

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. 

"Hahahahahaha kidding sis, I'm going to my beddy now" Aniya at tumayo na. 

Napailing iling na lang rin akong tumayo at nagtungo sa kama ko. 

Maya maya ay bumalik si Josh. 

"Oh? Where's Lia?" Bungad na tanong niya. 

"Andun, tumba" Natawa siya sa sinabi ko saka umupo sa tabi ko. 

Ilang segundo rin kaming natahimik, nakakaramdam na ko ng hilo kaya mas pinili kong di mag salita, baka kung ano ano na naman lumabas sa bibig ko. 

Nung last time kaseng nalasing ako, inaya ko si zea somewhere tas ginastos ko lahat ng perang dala ko. Potek. 

"Aren't you dizzy?" Umiling lang ako sa tanong nito. 

Hays, awkward. Dapat dinadaldal ko to ngayon kasi birthday niya. 

Tss bahala na. 

"I-i asked them, kung saan nila gustong pumunta pag labas dito" Pangunguna ko

Tumingin siya sakin. Nakatingin siya mismo sa nga mata ko. 

"Ikaw Josh? San mo gustong pumunta?" 

"I'll take you to the cemetery" Deretsahan niyang sagot.

Agad na namilog ang mga mata ko.

"What? Gagawin natin do'n?" Nagtatakang tanong ko dito. 

"We'll visit my mom's grave, ipapakilala kita sa kanya, ilelegal kita" Aniya. Nakatingin parin sakin.

Nalaglag ang panga ko sa narinig. 

"J-josh..."

"Nangako ako kay mom na, isang beses lang ako mag lelegal. At ang unang ipapakilala ko sa kanya, ay ang babaeng gusto ko makasama habang buhay" pagpapatuloy niya.

Nararamdaman ko na nag-init ang pisngi ko. Di ako makapag salita. Di ko alam kung anong sasabihin ko. Ang alam ko lang ay, ang saya saya ng puso ko. 

"Let's just be mutual for now. But I promise, magiging official tayo sa oras na makalabas tayo dito."

"The date of our liberation, should also be the date of our future anniversaries" Dugtong niya. 

Namalayan ko na lang ang sarili ko, na niyayakap siya. Those words. His words, are giving me strength. 

"Ipangako mong lalaya tayo sa bangungot na to Josh, lalaban tayo ng sabay" 

"We will, baby. I promise." Aniya. 

Humiwalay siya sakin at hinawakan ang mukha ko.

He leaned on me, close, much closer. 

I closed my eyes, then i felt his lips. Kissing my forehead. 

"Thank you for being my light" he whispered.

I won't ever dim my light.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status