Share

Kabanata 17: Game

BELLA POV

Nanlaki ang mga mata nila at nagpupuyos sa galit. Nakita kong susugod sila sa akin kaya hinanda ko na ang sarili ko. Itinapon ko ang juice sa kalapit na trash can at pumwesto na para sa paglapit nila. Wag nilang sasagarin ang pasensya ko ngayon kasi desperado akong makipag-away sa araw na ito.

"Anong ginagawa niyo?!"

Sabay kaming napalingon sa may-ari ng boses na iyon at nakita ko mula sa likuran si Liam kasama ang mga buntot niyang sina Ken at Drake.

Tss!

Mga pakialamero.

Lumapit sila sa amin at tiningnan kami isa-isa.

"Bella hindi ka pumasok kanina ahh?"

Umirap lamang ako tsaka sinulyapan iyong mga babaeng kausap ko kanina. Napalingon din tuloy sina Liam sa kanila.

"Ohh ano pang hinihintay niyo? Umalis na kayo!" sigaw niya sa mga ito kaya nagsialisan naman sila.

May pagka badboy kasi si Liam at mahilig siyang masangkot sa anumang klase ng mga gulo dito sa loob ng paaralan. Ewan ko ba kung bakit ganyan siya mukha rin namang maykaya siya sa buhay kung papansinin mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status