Share

Kabanata 5: The Past

BELLA POV

Nakaupo ako ngayon sa aking kama at wala sa sariling nakatitig sa litrato namin ni Nanay Wilma.

I missed her. I really missed her so much!

Pinalis ko ang mga luhang naglandas sa aking mga pisngi at wala sa sariling napatitig sa kawalan. I can't help my self from reminiscing about the past. When I was little and so naive. Ang mga panahong nabubuhay pa si Nanay Wilma.

( Ten Years Ago...)

"Bella huwag mong masyadong ilabas iyang kamay mo sa bintana ng bus at baka mahagip ka ng sasakyan," rinig kong sita ni Nanay Wilma.

Hindi ko siya pinansin at nanatili ang kamay ko sa labas ng bintana ng bus.

Dinadama ang marahang paghaplos ng hangin. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit nga ba ako kailangan itago ng pamilya ko.

Muntikan na akong makidnaped ng isang grupo ng mga sindikatong may galit sa pamilya ko. Hindi lang isang beses kundi dalawang beses nang nangyari iyon sa akin.

Suspetsya nila Mommy ay may kinalaman ito sa nangyayaring kaguluhan sa kompanya.

Halos mapatalon ako sa kaba nang maramdaman ko ang pagtampal ni Nanay Wilma sa kamay ko.

"Nay!" sigaw ko dahil sa bigla.

"Kanina pa kita pinagsasabihan Bella ang tigas tigas talaga ng ulo mo."

Napanguso ako at umayos sa pagkakaupo. Isa si Nanay Wilma sa mga pinagkakatiwalaang tagapagsilbi sa mansion namin.

Siya ang naatasang magbantay sa akin at kasamang lumayo sa lungsod ng Manila.

"Umayos ka at malapit na tayo sa bayan." She said and grabbed some of our bags.

Nakita kong lumiko ang bus na sinasakyan namin sa isang crossing lane at tumambad sa paningin ko ang isang maliit na terminal.

Napansin ko rin kung paano nag-uunahang lumapit ang iilang mga taong may dalang ice candy box at iilan pang mga chichirya. Some are holding also mineral bottles and soft drinks.

Nabigla ako nang mag unahan silang nagsilapitan dito sa bintana ng bus.

"Ohh itlog! Tubig! Chichirya Ma'am!" sigaw nila.

"Tubig, hija?!" tanong ng isa sa kanila sa akin sabay pakita ng mineral water. Umiling lamang ako at napalingon kay Nanay Wilma na abala na ngayon sa pagkuha ng dalawang bag namin.

"Halika na Bella, bumaba na tayo," aya niya sa akin.

Mabilis ko namang pinulot ang backpack ko na nasa tabi ko lang at sinuot iyon.

Nakita ko kung paano mag-unahan ang iilang mga pasahero pababa. Sa takot na maiwan ni Nanay Wilma ay halos makipagsiksikan na rin ako sa mga naroroon.

Nang tuluyang makaapak sa sementadong sahig ay pasimple kong inayos ang sumbrerong suot dahil sa init dulot ng mataas na sinag ng araw.

I was busy roaming my eyes when Nanay Wilma pulled me away from the crowd.

Iginiya niya ako sa isang sementadong upuan at nakita ko rin doon ang mga bagahe naming dalawa.

"Umupo ka na muna riyan at maghahanap lang ako ng karenderyang mapagkakainan nating dalawa." She said and went somewhere.

Wala akong nagawa kundi ang umupo at magmasid sa iilang mga taong abala sa kanya kanyang ginagawa.

So this is the usual daily life of the province terminal I see? Maingay, magulo and most importantly it's look really busy.

I was about to get my cellphone in my pocket when I remember na iniwan ko nga pala iyon sa mansion. Napatampal ako sa noo ko at napapikit nang wala sa oras. Greet! Pinagbawalan nga pala akong magdala dahil baka raw ma trace ako ng kung sino man.

Hours had passed ay tapos na kaming makapagtanghalian sa isang karenderya and now we are heading to Nanay Wilma's house.

Nakasakay kami sa isang traysikel at habang bumabyahe ay natatanaw ko sa ibaba ng kalsada ang iilang mga magsasaka na abala sa panananim ng mga palay.

I can clearly see some kids running and playing with their kites.

Napangite ako sa simpleng pamumuhay nila rito. It is so simple yet they are already contented for having such a simple life.

May nadaanan din kaming eskwelahan at tanaw ko mula sa sinasakyang traysikel ang mga magulang ng mga bata na abala sa paglilinis ng buong school.

'El Fuego Elementary School'

Basa ko sa pangalang nasa itaas ng entrada ng eskwelahan.

"Ano pong ginagawa nila Nanay Wilma?" tanong ko habang nililingon ang nadaanang school.

"Brigada skwela ang tawag diyan Bella. Dito sa probinsiya normal na iyan. Ginagawa lamang ng mga magulang ng mga bata ang bagay na iyan para linisan ang eskwelahan para sa nalalapit na pasukan."

Mahabang paliwanag ni Nanay Wilma.

Tumango tango na lang ako na para bang naiintindihan ko iyon. Siguro nga ay talagang iba ang pamamaraan nila dito kumpara sa nakasanayan ko na sa manila.

Well you can't blame me. I grew up in a well known family. Lahat ng galaw ko ay binabantayan at limitado. Pero nakukuha ko naman lahat ng gusto ko when it comes to financial. Wala akong problema doon.

It's just that kahit na sa akin na ang lahat-lahat, I just can't stop my self from wanting more and that thing is my freedom.

I'm maybe wealthy rich but I have no freedom. Iyon ang natatanging bagay na wala sa akin.

Huminto ang sinasakyan naming traysikel sa tapat ng isang may kalumaang bahay na may dalawang palapag. Mapapansin na matagal nang walang nakatira sa bahay dahil halos puno na ng mga ligaw na halaman ang bakuran pati na ang maliit na gate nito.

"Dito lang hijo, maraming salamat." Nanay Wilma said and with that ay umalis na ang traysikel matapos kaming makapagbayad.

"Dito tayo titira, Nanay Wilma?" tnong ko upang masiguradong tama nga ang hinala ko.

"Oo hija, bahay ito ng mga magulang ko at dito ako lumaki. Matagal tagal na rin akong hindi nakakabalik dito. Halika at nang makapagpahinga ka na sa loob," sabay bukas niya sa lumang gate.

Narinig ko pa kung paano tumunog ang kinakalawang na lumang bakal na gate sa ginawa niya.

"I-it looks scary Nanay Wilma. Are you sure walang multo diyan sa loob?" I ask nang makitang pumasok na nga siya sa veranda ng bahay.

Nagdadalawang isip pa akong pumasok dulot na rin ng malagong puno na nasa gilid lang nang nasabing bahay. The branches of the big tree is giving me this kind of creepy feeling. Na pakiramdam ko anumang minuto ay may nakaputing babae ang lilitaw sa kung saan.

Natawa si Nanay Wilma at binalikan ako para hilahin papasok sa loob.

"Ano ka ba Bella! Walang multo dito. Ganito lang ang ayos nito sa labas pero may inatasan akong naglilinis sa loob ng bahay araw-araw," bigkas niya at inilabas ang isang susi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status