Mabilis na nakarating sa bahay ni Marvin sina Rodjun at Jasper na halos magkapanabay lang na dumating. Wala man isang oras mula ng tawagan ni Marvin ang mga kaibigan ay naroon na agad sa tapat ng bahay n'ya ang dalawa.Sa garden na silang apat pumwesto dahil dumating rin ang mga biyenan ni Marvin kanina habang nananghalian si Arnel.Seryoso na nilang pinag usapan ang kung anong pabor ang hinihingi ni Arnel sa kanilang tatlo.Nauna ng naipaalam ni Marvin sa dalawa ang tungkol kay Romary at ang kinakaharap na problema ngayon ni Arnel.Nasabi na rin ni Arnel na magkakaanak na sila ni Nicka, na buntis si Nicka ng dalawang buwan at naikwento na rin niya sa tatlo ang nangyare sa pag uusap nila ni Romary kanina." Alam kong maaabala ko kayo sa naisip ko pero kailangan ko talaga ang tulong ninyo mga pare. Kailangan kong mailigaw si Diaz, dahil sigurado akong hindi pa siya titigil sa pagpapasubaybay sa akin." aniya sa tatlong kaibigan na nasa harapan niya." You mean, kami na muna ang magsasal
Kinabukasan ay si Marvin ang umalalay kay Romary sa doctor kasama si Hilda.Inabot sila ng maghapon dahil sa maraming pagsusuri kay Romary." Doc, ano pong resulta ng test n'yo?" tanong ni Marvin ng pumasok si Doctora Lovely Altamonte sa silid kung saan naghihintay sina Marvin at Romary." Maupo ka muna Mr. Almeda." utos ng doktora na sinunod naman agad ni Marvin.Naupo siya sa upuan malapit sa desk table ng doctor.Nasa mahabang couch naman nakaupo sina Hilda at Romary." Base on the test Mr. Almeda, Im thinking na nagkaroon ng Isolated Retrograde Amnesia si Mrs. Dela Cerna. Ang kanyang loss of memory ay nakasentro mula ng iwanan niya ang asawa niya hanggang sa nangyari ang insidente sa kanya. Maaring nagkabrain trauma si Mrs. Dela Cerna dahil ang sabi ni ma'am Hilda kanina ay ng makita nila si Mrs. Dela Cerna sa dalampasigan ng isla ay may sugat ang ulo niya na maaring tumama sa malaking bato o matigas na bagay tulad ng bakal." litanyang pahayag ni Doctora Altamonte.Nagkatinginan s
Mabilis na lumipas ang mga araw, mahigit isang buwan na rin magmula ng tumira si Nicka sa bahay ni Arnel sa Antipolo.Naging maayos naman ang paninirahan ni Nicka sa lugar kung saan kasama niya ang kasambahay na nakuha ni Arnel at ang care taker ng bahay.Nag online review study na lang si Nicka para sa darating na board exam. Dahil iyon ang gusto ni Arnel na hindi na niya kinontra pa.Tuwing friday pagkatapos ng trabaho sa kumpanya ay kay Nicka dumidiretso si Arnel at mananatili sa Antipolo hanggang lunes ng umaga.Tatlong buwan na ang pinagbubuntis ni Nicka bagama't hindi pa halata ang tiyan niya ay may maliit na ring umbok ang tummy ni Nicka.Kailan lang niya naexperience ang pagduduwal at pagsusuka ganoon na rin ang paglilihi kaya minsan ay napapasugod si Arnel sa Antipolo para lang dalhin ang mga gustong kainin ni Nicka na kahit ang weird ng mga nais kainin ng babae ay ibinibigay pa rin niya.Tulad na lamang ngayon na araw pa lang ng miyerkules ay tinawagan siya ni Nicka para lan
Nagdaan pa ang mga araw at may planong nabuo sa isipan si Romary.Dahil si Lolo Lando ay naging janitor sa kumpanya nila Arnel ay nalalaman ni Romary kung pumapasok ba si Arnel sa trabaho o hindi.Naisip ni Romary na pasundan si Arnel kay Lolo Lando upang alamin kung tama ang hinala niya na may ibang babae na nga ang asawa niya kaya nakakayanan nitong hindi siya puntahan kahit alam naman ng lalaki kung nasaan siya.Nagawa naman ni Lolo Lando ang utos ni Romary sa kanya. Nasundan ng matanda si Arnel sa bahay nito sa Antipolo at nakita ang pagsalubong ng isang babaeng yumakap kay Arnel at hinagkan ng lalaki ang babae sa labi at masayang hinimas ang baby bump ng tiyan ng babae.Isinulat ni Lolo Lando ang address ng bahay at nagpahatid na sa maynila sa taxi driver na sinakyan nito ng sundan ang boss niya.Pagkauwi ni Lolo Lando ay agad iniabot kay Romary ang address ng bahay na isinulat niya sa isang papel kung saan ibinabahay ng asawa ni Romary Gail ang kabet nito." Sure po ba kayo Lolo
" Salamat manong guard, andiyan ba sa loob ang sir Arnel mo?" pakunwaring tanong ni Romary dahil alam naman talaga niyang wala si Arnel sa loob ng mansyon." Sabado ngayon ma'am Romary, madalas kapag ganitong araw ay hindi umuuwi rito si sir Arnel." pagdaldal ng guwardiya kay Romary na tinanguan naman ni Romary." Sino ang nasa loob ngayon?" pa safe question na saad ni Romary Gail." Mga kasambahay lang po ma'am ang nasa loob, sina Tinay." maagap na sagot ng guwardya.Tumango si Romary. " Pakitawag si Tinay, pakisabi na kailangan ko ng tulong n'ya." utos ni Romary." S-sige po ma'am Romary." gamit ang intercom na nakaconnect sa kusina ay nakontak nito sina Manang Tinay.Ilang segundo lang ay nakita na ni Romary na humahangos palabas ang dalawang kasambahay.Nagkatinginan si Romary at Hilda, tahimik na nagtatanong si Hilda kay Romary na naunawaan naman ni Romary ang nasa isipan ng babae." Hindi ko sila nakikilala, wala akong matandaan kahit sino sa kanila." pabulong na wika ni Romary
" Sir Arnel, nagkamalay na po si Romary." turan ni Hilda ng sa paglabas niya ng silid ng guest room ay naroon lang sa malapit ang lalaki, nakatayo at narinig niyang kakatapos lang din nitong makipag usap sa katawagan nito sa cellphone." Okay, thanks Hilda. Dito ka na muna sa labas at mag uusap.lang kami ni Romary." seryosong wika ni Arnel." Sige po sir, doon na po muna ako sa kusina." aning pamaalam ni Hilda na tinanguan ng lalaki at binuksan na ang pinto ng silid kung saan naroon si Romary Gail." Kumusta na ang pakiramdam mo?" mahinahong tanong ni Arnel." Okay na ako!" sagot ng babae kay Arnel na nakipagtitigan pa sa mata ng lalaki.Umiwas naman ng tingin si Arnel dahil hindi siya komportable sa pagtitig ni Romary sa kanya." Madalas bang mangyari sayo ang ganito?!" muling tanong ni Arnel na mababakas ang pag aalala sa boses nito." Ngayon lang ako nawalan ng malay sa sobrang sakit ng ulo ko. Nung nakaraan sumasakit talaga s'ya pero hindi katulad kanina." pagpapabatid ng babae ka
Sa inis ni Arnel ay nag drive siya paalis ng bahay na hindi alam kung saan tutungo. Tinawagan niya sina Marvin sa group chat nila at sinagot naman ng tatlo agad ang tawag n'ya." May problema ako." bungad niyang saad." Si Nicka o si Romary?" ang tanong naman agad ni Rodjun." Problema ko ngayon si Romary, pero pinuproblema ko rin si Nicka." aniyang sagot." Nandito si Rodjun sa bahay, dumiretso ka na lang dito at dito natin pag usap yan. Magpapaluto na rin ako ng pulutan." wika ni Jasper na itinapat pa ang camera ng phone niya kay Rodjun." Ikaw Marvin, pupunta ka ba?" tanong ni Arnel." Susunod ako, magpapaalam lang ako kay Candice." saad ni Marvin." Okay sige!" aniya sa kaibigan.Ilang minuto lang ay nakarating na si Arnel sa bahay nila Jasper." Parang ang laki talaga ng problema mo ah! anong ginawa ni Romary at halata ang inis d'yan sa pagmumukha mo pare?" wika ni Jasper ng pumasok si Arnel sa may sala ng bahay ng kaibigan." Umiral na naman ba ang pagiging pasaway ng asawa mo?
Gabi na ng matapos ang inuman nilang magkakaibigan sa bahay nila Jasper. Nagkaayaan ng umuwi sina Rodjun at Marvin kaya nagpasya na ring umuwi si Arnel.Habang nasa byahe ay di siya makapagdecide kung didiretso ba siya kay Nicka o uuwi siya ng mansyon para muling kausapin si Romary.Nagbukas siya ng radyo upang mag sound ng marinig niya ang balita na may aksidenteng nangyari sa hi way na dadaanan niya paakyat ng Antipolo. Hindi makausad ang mga sasakyan kaya sobrang trapik.Dahil sa balitang narinig ay umuwi na lamang siya sa mansyon.Sinalubong siya ni Lenny at Hilda sa entrance ng pintuan ng marinig ang kanyang pagdating." Sir Arnel, kakain po ba kayo ng dinner?" tanong ng kasambahay." Hindi na, Lenny. Kumain na ko kina Jasper." sagot ni Arnel.Napasulyap naman si Arnel kay Hilda. " Si Romary kumain na ba?" " Hindi pa sir Arnel, hinihintay po kase niya ang pagbabalik mo." sagot ni Hilda." Bakit pa niya ako hinintay? paano kung hindi ako umuwi rito sa bahay?!" naiinis niyang tano