Share

Chapter Ten

Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking bahay sa subdivision na pagmamay-ari nina Steve. Ang bahay na ito ay regalo sa 'min ng mga parents niya. Mayroon sana kaming dalawang maids pero tinanggihan ni Steve. Ang dahilan niya sa mga magulang namin ay para raw matuto kami. Pero, alam ko naman talaga ang totoo kaya ayaw niya.

Pumasok kami sa loob ng bahay, malinis ito at kumpleto na rin ang gamit.

“Dalawa ang kuwarto rito, kaya tig-isa tayo. Ayoko ng may kasama sa kuwarto.” Sabi ni Steve at iniwan na ako. Umakyat na ito sa kuwarto niya dala ang kaniyang gamit.

Napatingin ako sa maleta ko, tapos ay sa hagdan na aakyatan ko dala ang maleta. Napabuntonghininga na lamang ako sa kawalan ng choice. Iaakyat ko mag-isa ang mga gamit ko.

Nahirapan man at natagalan ay naiakyat ko pa rin ang mga gamit ko. Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay ibinagsak ko ang aking sarili sa kama dahil sa pagod. Muntik na akong makatulog kung hindi lamang kumatok nang malakas si Steve.

“Hoy! Magluto kana ng ta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status