Share

Destiny 27

Isang bouquet ng mapupulang rosas agad ang sumalubong kay Celestine sa mesa nito. Kinikilig ang dalaga dahil mukhang hindi naman ito ng tipong bulaklak na pinapadala sa kanya ng dating anonymous suitor.

"Wow Tin! Flowers agad? Kakasimula lang ng week natin ha. Sana all!" Kantyaw ng sekretaryang si Skyra.

"Pero mukhang mas bongga yata yung mga naunang flowers na natatanggap mo dati diba?" Puna ng sekretarya na dinig na dinig naman ng amo nilang si Hayden sa loob ng opisina nito. Dahil inabangan nito ang reaksyon ng nobya kaya naka-monitor ito sa cctv ng mga tauhan n'ya sa labas.

Halos himatayin si Tim sa narinig dahil s'ya ang inatasan ng boss n'ya na mag-order ng bulaklak na iyon para kay Celestine. Kaso pinipintasan naman ng daldalera niyang kasamahan na gustong-gusto n'yang kutosan ngayon. T'yak na lagot s'ya sa boss nila nito. Ngayon pa lang ito nagkusang magbigay ng bulaklak, palpak pa. Tanging si Tim at Nick lamang ang may alam sa relasyon ng dalawa.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status