Memories will fade but not the feelings.
Author's Pov:Naramdaman ng binata ang mas paghihigpit ng yakap ni Shan sa kanya dahilan para mapatingin si Jake sa uluhan ni Shan na ngayo'y nakabaon sa kanyang leeg. Dahan-dahan ngunit wala sa sarili namang iniyakap ni Jake ang kanyang mga braso palibot kay Shan tsaka sinimulang suklayan ang buhok nito gamit ang kanyang mga daliri.Sa buong buhay ng binata ay hindi niya naranasang yakapin siya ng kusa ni Shan kaya ganoon na lamang ang gulat niya nang yakapin siya ng dalaga."Alisin mo sila sa harapan ko." Maya-maya'y mahina, ngunit mababahidan ng awtoridad na pag-utos ni Shan kasabay ang dahan-dahan na pagkakalas sa yakapan nilang dalawa ni Jake.Ang kanina'y nakabaon na ulo ni Shan sa leeg niya ngayon ay kaharap na ng binata at ang kanina'y mga brasong nakaakap sa binata ay ngayo'y wala na. Parang biglang nanghina at bumalik sa dati ang sigla ni Jake nang tanggalin ni Shan ang kanilang yakapaIsn't it exciting to run without knowing the reason why? You just keep on running on the same path while your enemy was just standing there, watching you stupidly. Author's Pov:Hindi na alam ni Shan kung ano ng nangyayari sa takbo ng buhay niya. Hindi niya na alam kung saan na ba patungo ang buhay niya, o kung may patutunguhan pa ba ito. Lahat ng mga bagay na nangyayari ngayon ay tila nagbibigay lamang ng dagdag katanungan sa kanyang isipan. Mas lalong gumugulo ang mga ideya at hinuhang pumapasok sa kanyang isipan sa tuwing may nangyayari taliwas sa kagustuhan niya. Lahat ng mga bagay na nangyayari ngayon ay tila hindi nagbibigay kasagutan sa mga katanungan niya. Ang sabi sa isang kataga, 'Lahat ng mga bagay ay may dahilan.' pero bakit wala siyang makitang tamang dahilan sa mga kasakiman at kapahamakan na nangyayari sa kanya? Bakit hindi niya mahanap-hanap ang sagot sa mga bagay na nangyayari sa kanya? Bakit sa tuwing sinusubukan ni
The pain is not really on what you see, it's in what you feel. Shan's Pov: Libo-libong mga butuin at isang napakalaking buwan sa madilim na kalangitan ang nagbibigay liwanag sa buong planeta. Malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang buong kapaligiran. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa tuwing hinahalikan ng nakakabinging katahimikan ang buo kong pagkatao. Kakauwi pa lang namin mula sa usapan namin kanina sa hideout. Pagod na pagod na kaming lahat at ang gusto na lang ay magpahinga. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa garahe tsaka mabilis na naglakad papuntang main door. Ang gusto ko nalang ay magpahinga matapos ng napakabigat na mga pangyayari kanina. Habang naglalakad ay sakto akong napahinto mismo sa harapan ng nakasiradong pintuan dahil sa isang mahihina ngunit mabibigat na hikbi na aking narinig. Mabilis na kumunot ang aking noo nang mas lumakas ang mga halinghing at hikbi ng kung sino kasunod ng pagsinghot.
Everything will slowly made its way to be back on track. Little by little it'll make you realize why did it happen to your life. Author's Pov: Naalimpungatan si Shan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang pisnge. Nakapikit pa lang ang mga mata niya ay ramdam na ramdam niya na ang mga daliri ng kanyang ina na marahang sinusuklayan ang kanyang buhok. Walang kasing lambot at kasing-ingat ng mga daliri nito na para bang masasaktan si Shan sa oras na hindi siya mag-iingat. Dahan-dahang iminulat ni Shan ang kanyang mga mata matapos ng ilang minutong pagdadama sa pagmamahal ng kanyang ina. Agad bumungad ang nakangiti niyang ina kasunod niyon ay ang sinag ng araw na halos sakupin na ang buong mukha niya. "Mommy," may halong paglalambing at pagmamahal na tawag ni Shan tsaka napapangiting mas iniyakap ang braso sa bewang nito kasabay ng pagbaon ng kanyang mukha sa dibdib tila isang dekada silang hindi nagkita para umakto ng ganoon. Nata
Never trust someone easily because it can be the reason why you're breaking apart. Author's Pov:Panibagong araw na naman ang haharapin ni Shan. Hindi niya alam kung papaano muling simulan ang araw. Dapat na ba siyang maging masaya dahil sa wakas ay nayakap na niya muli at nakalambingan ang kanyang pamilya matapos ng matagal na panahon o dapat niya ba itong ikabahala dahil alam niyang sa oras na may taong napapalapit sa kanya ay nadadamay at nalalagay ang buhay nito sa gulong mayroon siya. Gayun pa man, hindi niya hahayaang madamay ang mga inosenteng taong nakapaligid sa kanya at pinapangakong gagawin ang lahat, h'wag lang maulit muli ang nangyari sa taong mahal niya. Kasalukuyang minamaneho ni Shan ang pulang sasakyan papunta sa isang mamahaling coffee shop. Kakatapos lang nilang mag-usap-usap ng kanyang mga kasamahan sa hideout ukol sa nangyari kahapon. Hindi pa rin nila nakikilala kung sino ang nasa likod ng dalawang letrang nakauk
The truth will always divulge no matter how hard you try to hide it.Author's Pov:Muling tinignan ni Shan si Zach at gusto niya mang tumanggi ay hindi niya magawa. Tatango pa lang si Shan ay agad na itong umupo sa bakanteng upuan na kaharap niya dahilan para maiwang nakatayo si Rychll sa harapan nilang dalawa. "What the hell? Are you sure we're sharing table with her?" Hindi makapaniwala at taliwalas ang pagkadi-gusto ni Rychll sa naging kilos ni Zach. Napapantiskulang napatingin sa kanya ang binata at napaawang na lamang ang labi matapos mapagtantong kasama niya pa pala ang dalaga. Buong akala niya'y sila na lang dalawa ng dalagang nasa harapan niya ang naririto."I'm not forcing you to sit with us. If you don't want then go sit over there on the vacant seat," hindi man intensyong insultuhin ni Zach ngunit nagkakamali siya bagay na mas lalong nagpainis kay Rychll bago napipilitang nakiupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Z
When you thought that he's just a stanger passing by to your life, but the fact is he's the one who'll ruin, bring pain at hatred to your destiny. Author's Pov: Tuluyan nang lumabas si Shan sa coffee shop pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Iniisip niya pa lang na ganoon nga ang nangyari sa unang lalaking tunay niyang minahal ay pakiramdam na niya'y dinudurog siya ng paulit-ulit gamit ang palakol. Minsan niya pang sinulyapan ang loob ng coffee shop at nakita ang agresibong pag-iisa ng mga kilay ni Zach habang kunot-noong nakatayo sa silyang inupuan niya kanina tila nagtataka kung bakit siya kaagad umalis. Sinubukang sundan siya ni Zach ngunit agad ring napahinto dahil sa dalawang mistisang kamay na mabilis na lumingkis sa braso nito. Nlingon ni Zach iyon at nakita si Rychll na pilit na pinapaupo siya sa kanyang upuan upang pigilan ang balak nitong sundan si Shan. Nakita ni Shan kung paanong natanggal ang pagkunot ng noo ni Zach matapos m
"Ako ang magpapatunay sa'yo na lahat ng babae ay kayang protektahan ang sarili nang hindi nangangailangan ng tulong sa mga istupidong katulad niyo." Buwelta ni Shan at mataas na tumalon upang bigyan ng isa pang malakas na sipa ang binata sa baba nitong nakayuko dahilan para kusang mapaangat ang ulo nito sa ere kasabay ng pagtalsik ng laway na may kasama ng dugo.Maayos na inilapag ni Shan ang kanyang dalawang binti sa lupa habang habol-hininga at nanliliksik ang mga matang nakatanaw sa binatang nakasapo ang dalawang kamay sa ulo at nakahiga sa sahig, halatang pilit iniinda ang sakit. Sarkastikong napabuga siya ng malalim na hininga tsaka nilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga gamit ang dulo ng patalim na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin niya. Tila nangilabot ang dalawang binatang kaharap niya ngayon matapos makita ang ginawa niya tsaka sunod-sunod at malalim na napapalunok. Parang gusto na lamang nilang atrasan ang kalaban, pero alam ni
Memories can be forgotten, but your heart will forever cherish each one of the memories that you have been keeping. Zach's Pov:"Why did she leave?" I confusedly asked Rychll while my both of my eyebrows were furrowed. I once again took a peak at her who's now standing under the white ceiling just few meters away from the shop while holding her phone to her ear. Rychll didn't even bother to answer me, she's just looking at her designed nails as if I'm not asking. I scoffed and slightly shook my head. Ano pa ba aasahan ko sa kanya?I was about to step my feet to go after Shan, but immediately stops when Rychll holds the edge of my clothe. "She said she wants to take a rest." Rychll stated as she tightens the grip on the edge of my clothe making me look at her face. Our eyes automatically met causing me to see her twinkling innocent eyes. I witnessed how her cheeks immediately turned red after I took a glance on her face. I blinked at the sight before