Share

Chapter 37

CYNDI'S POV

"Cyndi, pwede ba tayong mag-usap nang tayong dalawa lang?"

Napaangat ako ng tingin pagkatapos kong ilagay sa lababo ang mga pinagkainan namin ni Ivo at nagulat ako nang si Sky ang makita ko.

Gusto ko si Ivo pero mas lamang pa rin ang pagkagusto ko kay Sky. Pero alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan at si Reese lang talaga ang babaeng mahal niya. Binabaling ko na lang ang atensyon ko kay Ivo para makalimutan si Sky pero sa ngayon ay hindi pa rin ako nakakamove-on sa nararamdaman ko. Si Sky kasi ang unang lalakeng minahal ko but I don't want to ruin again his relationship with Reese dahil alam kong hindi tama iyon.

"A-ah, sige. Ano bang pag-uusapan natin?" Sabi ko nang hindi makatingin ng diretso sa kanya.

Napagitla ako nang bigla niya akong iniharap sa kanya at tinitigan sa mga mata. Siya na yata ang pinakagwapong lalakeng nakita ko sa buong buhay ko. Ang akala ko ay wala nang mas lalamang pa sa itsura ni Austin pero nal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status