Share

Chapter 4

EIRIE'S POV

Kinaumagahan ay sinundo ako ni Zane sa bahay at ipinagpaalam ako kina Kuya Eros at Dylan na lalabas lang kami sandali. Dahil kasundo naman ni Zane ang mga kapatid ko ay napapayag niya ang mga ito. Kaagad rin kaming umalis ng bahay pagkatapos niya akong ipagpaalam.

Hawak-hawak ni Zane ang isang kamay ko habang nagmamaneho siya papunta sa condo unit na kung saan ay nandoon na raw ang mga kaibigan niya lalo na ang bestfriend niyang kakauwi lang mula sa amerika. Kanina ay ikwinento niya sa akin iyon at excited na raw siyang mameet ko ito.

Sa loob ng ilang buwan ay minahal ko na rin si Zane dahil hindi lang ito gwapo kundi mabait at mabuti rin siyang tao.

"I can't wait na makilala mo na sila lalo na 'yung bestfriend kong si Yuri. Sigurado akong magugustuhan ka niya para sa akin." Nakangiting sabi ni Zane saka niya hinalikan ang isang kamay kong hawak niya.

Ngumiti naman ako bilang sagot.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa condo unit kung saan ay nandoon ang mga kaib
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status