(Monina POV)
“Saan mo kami dadalhin Rhoa?” huling tanong ko sa kanya. Ngunit di man lang niya ako sinagot.
Hangang sa itinigil ni Rhoa sa isang tahimik na kalsada ang sasakyan. Gabi na. Di ko namalayan ang takbo ng oras. Napakarami ng nangyari ngayon.
“Ginagawa ko lang ang huling utos ni Master Cedrick para sayo Monina.”
Napabuntong-hininga ako. Sinubukan ko ngang buksan ang pinto nang sasakyan. Bukas naman. Ibig lang sabihin nito, hangang dito na nga lang ang tungkol sa amin ni Cedrick.
Lumabas na ako na siyang ikinasunod nang dalawa kong kapatid. Binuksan ni Rhoa ang bintana nang sasakyan.
“Huling araw na ata kita makikita, diba Monina?” Tumango ako.
“Ikaklaro ko lang sayo. Walang kinalaman si Master Cedrick kung ano pa ang mangyayari sa inyo simula ngayon. Bukas ililibing ang kapatid niyo sa himlayan nang inyong ina. May susundo sa inyo. Yun na lang d
(Monina POV)Bakit parang bigla ako dito yung naging masamang kapatid?Bakit parang ako pa itong naging masama sa harapan nang dalawa kong kapatid? Gusto ko lang naman sagipin ang buhay nila.Sumusobra na ba ako?Mali ba ang ginagawa ko?Sila nga ang iniisip ko diba?!Inihakbang ko ang aking mga paa para sundan sila. Nagmamadali para mahabol sila. Nang biglang suminag sa aking paningin ang maliwanag na ilaw ng sasakyan. Kaya napapikit ako.Sa aking pagmulat, halos mawala ang isipan ko sa katinuan. Parang nanaginip lang ako. Binabangungot na siyang parang parusa sa akin. Kung bangungot man ito… Kung maari lang gisingin niyo na ako!“Catriona! Caroline!” siyang sigaw ko na ikinatakbo nang aking mga paa dahil nakahandusay sa kalsada ang mga kapatid ko!Nanginginig ang katawan ko. HINDI! GUSTO KO NA TALAGANG MAGISING SA BANGUNGOT NA ITO! DI ITO MAARI!(Vanessa POV)
(Vanessa POV)Pinangatawan ko ang maging ina sa bata. Pinakita ko sa lahat na meron nga akong ginintuang puso.Pero… napamulat ako sa katotohanan kung paano kumilos ang mundong ito. Unti -unting naging bato ang puso ko. Lalo na nang mabalitaan ko na tuluyan na ngang nakalimutan ata ni Cedrick kung sino ako sa buhay niya.Kaya isang araw nagpakita na ako sa kanya. Saka di na nga maganda ang nangyayari kay Adrian.Noong makita ko ulit siya personal nakaramdam ako nang panghihinayang. Dahil siguro sa babaeng umaaligid sa kanya.Pinatagal ko pa nang sampung taon bago ko simulan ang laro ko kay Cedrick. Anong binabalak ko noon?Tss.Hahanapin niya ako? At kapag nalaman niyang buhay ako, mananabik siyang makita ulit ako. Diba? Plano na makukuha ko sana ang puso ni Cedrick. Pero… sira ulo din pala ako.Tanga.Ako ang mawawalan dahil sa ginagawa ko.Lumayo ako sa kanya at iti
(Monina POV)Umulan nang malakas habang sinusubukan kong tawagin ang mga pangalan ng kapatid ko. Pinapaligiran na ako ngayon ng mga tao. Yakap-yakap ko ang duguang ulo ng kapatid ko.Hayop ang gumawa nito sa kanila!Namalayan ko na lang may tumayo sa akin. Pumapalag pa ako ng damputin nga ang katawan ng mga kapatid ko. Siyang may yumakap sa akin at nakilala ko ang boses nito.“Di… di ko iha alam ang sasabihin ko sayo….” Si Tiya Linda.“Di ko alam.”“Sabihin niyo sa akin, panaginip lang ang lahat ng to. Please lang po!” Saka niyakap ako nito nang mahigpit.(Cedrick POV)Tuluyan na nila akong ikinulong sa selda. Alam kong oras lang ang kailangan nila para ipakita sa publiko na gumagana parin ang pantay na pagtingin ng gobyerno sa mga tao. Pero hindi. Alam kong malaki ang perang ipi
(Secretary Lee POV)Si Mitchelle nagkamali siya nang piniling kampihan.Bakit Mitchelle? Binigay ko lahat sayo. O sadyang ginamit mo lang din ako para nga magpakalayo-layo sa hagupit ng tunay na mundo.So, I'll be happy since ginamit mo na lang din naman ako para maging maligaya ka sa mundong ito.Ngunit di ako papaya na ako ang ituturo nilang pumatay sayo.“Sir.” Umangat ang paningin ko. Isa sa assistant ko. Saka napayuko ito ng makita ang presensya din ni Master Cedrick sa loob ng kulungan.Mga mata ng assistant ko, hindi magandang balita ang sasabihin nito sa akin. Parang pinagpapawisan na ng malamig.Huwag kayong duwag.“Kailan kami dito lalabas?” Siyang inunahan ko na nga tanungin ito.“Sir Lee, inaayos na namin ang lahat para mabayaran ang mga naririto. Ang kompanya ng mga taga media. Tauhan ni Doctor Haiden at ilan pang maaring magsalita. Kung d
(Secretary Lee POV)“Sir Lee.” Di parin umaalis sa harapan ko ang aking assistant. “Meron akong kailangan sabihin.” Titig ko diretso sa kanyang mga mata. Mga mata na siyang kinakabahan sa maari pang mangyari kapag narinig ko nga ang sasabihin niya sa akin. Naiyuko niya ang paningin sa akin.Kung nahihirapan ako kay Master Cedrick ihatid ang di kaaya-ayang balita sa tenga, ang mga tauhan ko din, yun din ang nararamdaman nila.“Ano yun?”“Si Young Master Adrian, wala na.” Napakisapmata ako. Tipong di ko narinig ang sinabi niya.“Paki-ulit nang sinabi mo.”“Ngayon ko lang din ito nakuhang balita. Wala na po si Young master Adrian.”Kaya naman ang pagluluksa ko kay Mitchelle biglang napalitan nang takot. Ang takot na parang ipinasa din sa akin ng kaharap ko ngayon. Madaming tanong ang gustong kumawala sa bibig ko ngunit… iniis
(Secretary Lee POV)Mabilis naman na pinatakbo ang sasakyan. Di ko alam kung para saan pa ba itong pagpapatakbo niya ng mabalis nang sasakyan. Dahil malinaw ko namang sinabi sa kanya, yumao na ang kanyang anak.Kamuntik na kaming sumalpok sa ambulansyang nagmamadali. Parang si Master Cedrick kung may magagawa ba talaga itong pagmamadali na ginagawa namin kung patay na lang din naman ang madadaratnan namin.Nasa harapan na kami ng bahay niya. Siyang gad na ikinababa nito. Sumunod ako. Ngunit sinalubong kami ni Vanessa.Sinalubong si Cedrick nang isang malakas na sampal. Dinig na dinig yun sa boung silid.Luhaan ang pisngi ni Miss Vanessa.“Pinagkatiwala ko sayo ang anak natin. Ngunit inuna mo pa ang kalandian mo sa Moninang yan!” bulyaw ni Vanessa sa kanya.Napahimas lamang si Master Cedrick sa pisngi niya. Tinalikuran si Miss Vanessa na parang walang nangyari.Napayuko na lamang ako
(Monina POV)“Not a big hope but if you want to take the risk…”“Gawin niyo ang operasyon Doc. Please!”Tumango ito sa akin.“As soon makapagbayad ka ng partial Miss.”Na parang sinampal ulit ako ng ilang beses sa katotohanan.Ang mundong to… talagang umiikot dahil sa mga taong kahit buhay na ang nakasasalalay, pera pa ang iniisip nila. Alam ko kahit umiyak ako sa harapan niya… di niya pagbibigyan ang sinasabi ko.Makikinig ba siya kung sasabihin ko ang katotohanan na walang-wala kami?! At kapag ginawa ko yun, tuluyan nila kaming tatalikuran. Wala akong choice.“Doc. Di ko alam kung saan ako kukuha nang kailangan niyong pera.” Yun ang totoo. Bibigyan ba niya ng pagkakataon ang mga kapatid ko mabuhay sa mundong to! Diyos ko po.Napatango siya sa akin. Kampante at natural sa kanya na makakita ng kamag-anak na desperadang
(Monina POV)Napahawak ako sa laylayan ng damit ko.Bakit ganito ang mga tao? Lalo kang gigipitin sa kalagitnaan nang kagipitan.Lagi nilang pipiliin ang barahang ikakapanalo nila.Napatitig ako sa mga mata ng doctor.Iniyukom ko ang aking mga kamay. Wala na… Kailangan ko nga talagang humawak sa patalim.“Gawin niyo ang lahat para masagip ang mga kapatid ko. At handa din ako na isakripisyo ang sarili ko sa gusto niyong mangyari.”“Kahit kailangan nating iretoke ang mukha mo?” Napatango ako na di ko na nga iniisip ang sarili ko.“Good. Then sign this Miss.”Isa na namang papel. Ngayon hindi na dahil kay Cedrick kundi pumasok na naman ako sa mundo ng taong di ko naman kilala.Napatitig ako sa kanya. Panibago na naman ba itong kabanata ng buhay ko?Tumango ito sa akin na parang naririnig ang sinasabi ko sa aking sarili. Napatitig s